1

1845 Words
Anne's POV Mainit ang ulo ko dahil may demonyo na humarang sa daan ko para lang batiin ako ng igood morning' akala naman niya good ang morning ko. Paano ba naman kasi, hanggang college ay same university kami. Wala bang originality ang impaktong iyon?  Fourth Year College na ako at mahigit isang dekada ko na kasama si Lucifer at mahigit isang dekada na ako naghihirap sa ugali niya. Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Fine Arts ang Course ko pero concentrated ako sa Photography at sa isang sikat na University ako nag-aaral dito sa Maynila, paano si Ate Maki ang nagpaaral sa akin. matapos ata nila magkahiwalay nung Persues na yun na kapatid ni Lucifer ay naging manhid ang ate ko.   Si Lucifer ay Business Management ang kinukuha pero ngayon pa lang ay sikat nang artista. Biruin mo iyon, kahit saan ata ako malingon sa University at sa Pilipinas ay bill board niya ang nandoon, paano ba naman, gwapo, matangkad, matangos ang ilong at isa na akong tanga para purihin na gwapo siya.  Pero ayun na nga. Sumikat si Lucifer noong 2nd year college na kaming dalawa at halos lahat nang babae ay gustong-gusto siya. Well, gusto ko din siya as in gustong-gusto...na p@tayin. Paano ba naman, nagagalit sa akin ang mga babae sa school dahil ako daw lagi hinaharang ni Lucifer para batiin nang good morning.  Naku, kung alam lang nila na ang pagbati ni lucifer ay isa sa huling bagay na gugustuhin kong mangyari sa buhay ko. Siguro kapag 1 second na lang at 'End of the World' na. Malakas ang bwisit na iyon kasi kahit sino ata kaya niyang pasunurin.  "Makia Sinukuan Rivera Diaz" Pinikit ko nang mariin ang mata ko nang marinig ko na naman ang boses niya at talagang maririnig hindi lang sa lugar na kinatatayuan ko kundi sa mismong buong university. Nasa Journalism room ata ang impakto at pinage pa ako.  "Makia Sinukuan Rivera Diaz, sana pansinin mo na ako. Date lang naman oh! " Demonyo di ba? Ang lakas magsabi pero kat@rantaduh@n lang naman ang gustong mangyari. nakita kong tumingin sa akin ang mga nakakasalubong ko. Kilala din naman ako sa school kasi hindi ako papatalo sa pagiging photographer at halos lahat nga gustong-gusto ako maging photographer para sa portfolio nila para sa modelling pero umaayaw ako.  "Ano?!" angal ko sa mga lalaking nakatingin sa akin. Umiling ang mga ito tsaka nagtakbuhan papaalis.  "Maria Sinukuan Rivera Diaz, hindi kita titigilan hangga;t hindi ka pumapayag. Kitain mo naman ako dito sa Audio Room. Mag-usap tayo" Ang Impaktooooooo!  Sana malagasan siya ng ngipin para hindi na siya magustuhan nang mga babae. Sana mabaog siya at sana mapilay siya. Lahat na nang kasamaan ay naiisip ko dahil sa kanya. Nagiging masama ako dahil masama siya sa akin.  At para hindi na ako pagtingin nang mga tao ay tumakbo ako papaakyat sa Audio Room doon at padabog kong binuksan ang pintuan ng room. nakita ko siya doon na prenteng nakataas ang kamay at paa sa lamesa. Nakangisi ito at kumaway sa akin sa salamin na naghihiwalay sa aming dalawa. Pumasok ako sa Studion Room at lumapit sa kanya. Hinila ko siya sa kwelyo. Hindi naman siya pumalaga. Eto lang ang gusto ko kapag nag-aaway kaming dalawa dahil wala siyang palag pa ako na ang humihila o nanakait sa kanya pero kapag iba talagang nakikita ko na nakikipagsabayan siya.  Lumabas kami sa Studio at dahil walang tao ay magagawa ko ang gusto ko. Tinulak ko siya kaya siya napasandal sa may salamin nang studio.  Ngumisi ito at nagtaas ng kamay "Ikaw naman, baba. Hindi mo ba ako namiss, ilang araw din tayong hindi nagkita kasi ang hirap nang sunod-sunod ang schedule" tumawa pa ito at ang sarp lang suntukin ng mukha talaga. Hindi pa ba siya masaya na nabuwisit niya ang buhay ko for almost 1 decades at kung hindi pa siya nagsasawa sa mukha ko kasi ako sawang-sawa na sa mukha niya.  "Utang na loob tigilan mo na yang kakatawag sa akin ng BABA! Hindi kita boyfriend! At wag kang umasta!"  Tumawa lang ito at may hinugot sa bulsa at binato sa akin ang isang medyo may kahabaang kahita. Tinignan ko ang tatak 'Tiffany and Co' "Ano ito?" winagayway ko s akanya., Hindi naman ako tanga para malaman kung ano ang laman nun pero bakit niya ako binibigyan. "Ang assuming mo naman. Pinapabigay ni Kuya yan sa Ate mo" tumawa ito at lumapit sa akin tsaka ginulo ang buhok ko. Pinalis ko ang kamay niya sa buhok ko.  "May germs ang Lucifer na katulad mo bawal mo akong hawakan kasi mahina resistensya ko sa germs na dala mo" ibinato ko pabalik sa kanya ang box  "Hindi mababayaran ng Kuya mo ang ginawa niya sa Ate Maki ko kaya pwede ba tumigil ka na at ang Kuya mong mukhang bulok na basura" sigaw ko sa kanya "At tumigil ka na sa kakayaya ng date sa akin kasi ang pangit mo at hindi ko magugustuhan na makipagdate sa iyo" "Talaga?" tanong niya  "Oo" matapang kong sagot sa kanya. Ang kapal ng mukha eh.  "Kahit yayain kita ng maraming beses" Pangungulit pa niya sa akin.  "Kahit milyong beses pa" "Eh bakit ba ayaw mo sa akin. gwapo naman ako" "Yun ang problema. Gwapo ka at Mayabang kang hudas ka!" "Nkas, ako na si Hudas kanina si Lucifer lang" "Boblogs! Synonymous iyon. Walang dictionary? Mag-install ka sa iPhone mo" "Ikaw na lang. Install mo sa akin" "Walang wifi s ainyo?" "Wala. Pero sa puso mo meron" "Impakto ka talaga!" "Mahal mo naman" "Oo, kapag namatay ka!"  impkato talaga ang isang ito. Hindi lang makapal ang mukha kundi nuknukan din ng yabang. Huminga ako ng malalim dail wala naman mangyayari kung magiging kaibigan ko ang katulad niya na wala nang ginaw akundi asarin ako.  "Uuwi na ako at tumigil ka na sa pangugulo sa akin" kinuha ko ang bag ko pero inunahan niya ako at inilagay niya sa loob ang isang maliit na paper bag na hindi ko napansin na dala niya at ang box na inabot niya sa akin kanina.  "May germs--" "Wag ka na pumalag, baba. Minsan lang ako magbigay ng regalo sa iyo kaya tanggapin mo na" kumindat pa ito sa akin at binato ang bag ko sa akin tumama tuloy sa dibdib ko.  "Aray ah!" "You're welcome" anito tsaka lumapit sa akin at itinulak ako papalabas sa pintuan ng Journalism Room. "Ingat 'ba" kumaway ito at isinara ang pinto.  Tinignan ko nang masama iyon. Sana may laser eyes ako at tumatagos ang galit ko doon papunta s akanya.  Pero dahil wala naman na akong magagawa ay hinayaan ko na lang. May araw din sa akin ang impaktong iyon.  Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng may tumawag sa akin. Hinanda ko na ang pagkatamis-tamis kong ngiti at hinarap ang taong iyon. Kung may kasamaan sa akin sa mahigit sampung taon ay meron din namang kabutihan dahil bumalik ang Ultimate Superderiffic Crush ko na si Kenneth Andrew Almonte, nagkahiwalay kami noong High School na kami at bumalik siya ngayong College na kami.  "Yesh?" tanong ko sa kanya.  Ngumiti ito at ang napansin ko kaagad ay ang mga mata niya.Grabe gustong-gusto ko ang mata niyang iyon at yung katawan niya ngayon sobranf naging iba ang built. Pakers, ang gwapo eh. "Gusto ko lang magtanong kung mayroon ka nang model para sa Winter Sonata nang Photography Class niyo. Kung wala pa..." nahihiyang kumamot ito ang buhok at ngumiti "...ako na lang sana" Nanlaki ang mata ko. Ang Winter Sonata ang kailangan ko para makapasa ako at makapag-martsa sa March dahul iyon na lang ang hinihintay nang lahat at halos lahat kami ng mga blockmates ko ay nag-uunahan sa paghahanap merong iba na garapal na lumapit kay Lucifer pero tumanggi sa kanila si lucifer dahil ayaw nito at si Kenneth na isa din sa hearthrob sa school namin ay gusto din ng mga ka-blockmates ko pero ngayooooon, siya na ang yumayaya sa akin. HEAVEN! "O...oo ba" nanginginig ako inabot ang kamay ko sa kanya. Mi Gulay! Kailangan maging best ang concept ko para sa Winter Sonata dahil si Crush ang magiging Model ko.  "Yun. Thanks!" tinapik nito ang balikat ko . May hingot ito na kung ano sa likuran at naglabas ito ng rose at inabot sa akin "Para sa iyo. Sige. Alis na ako" anito tsaka nagmamadaling tumakbo at ako ay parang nawalan ng lakas dahil siya ang nasa harap ko at talagang pumayag siyaaaa.  Siya na ang model ko! Impit na tumili ako at pinikit ang mata ko at tumalon-talon para akong nakalutang sa sobrang saya! Pero kailangan mag-stop at idinilat ko ang mata ko pero nagulat ako na literal na nakalutang ako dahil buhat-buhat ako nang isang demonyo. hindi ko na kailangan manghula dahil alam ko na ang nagbubuhat sa akin. Hinampas ko ang likod niya dahil para akong sako na nakabuhat s akanya.  'Ibaba mo ako!" pero mukhang hindi niya ininda ang paghampas ko sa kanya. Pumiglas-piglas ako pero pinalo lang niya ang pwet ko. Manyak! Bastos! "Peste ka! Bastos ka talagaaaa!" sinabunutan ko siya at nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya pinipilit kong bumaba.  "Sinasabi ko sa iyo kapag hindi mo ako binaba, Sasapakin ko mukha mo hanggangh sa magdugo yan:" pero hindi siya sumagot at mukhang hindi natakot sa banta ko. Namalayan ko na lang nasa harap kami ng opisina ng presidente ng University. Walang katok at binuksan nito ang pintuan at pumasok doon.  "Oh my God! What are you doing, Dare! Put that girl down!" wika ng President ng University namin. Ibinalibag naman ako ng demonyo sa sofa at tumabi sa akin.  "Ako ang model mo at hindi ang Kenneth na iyon." "Ano? Teka, wag kang assuming pare" "Ako!" "Kenneth" "AKO" "Kenneth, sinabi!" "Dare, Sinukuan..." parehas kaming tumingin sa harap. Si Miss Frida Gertrude Soriano, Auntie siya ni Lucifer.  "Tita, I want that Kenneth to be out in this University" Pinanalakihan siya ng mata ng Tita niya ganun din ako. "Ako ang dapat na model niya sa University Winter Sonata" "Dare, we can't push someone to like you" "TAMA!" sang-ayon ko. Ang kapal ng mukha nito eh.  "But I can tell it to Ms Ybarrez." ngumiti ito at dinampot ang telepono "Please put Ms Ybarrez in line...Good Morning, Ms. Ybarrez, yes it's me, Ms. Soriano..yes, can you do me a favor, I want Miss Diaz, one of your students to choose Dare Montevera as her partner for the University Winter Sonata..yes I know. Pretty please, one request from your University's President..Oh! Thank you" binaba nito ang phone.  "Okay na, Dare. Please nagkakaroon ng eskandalo ang Pamilya natin dahil sa ginagawa mo" Ngumisi si Lucifer at humarap sa akin. "Pero may kapalit iyan. Kapag ako naging model mo, ikaw ang magiging girl friend ko" "ANO!" "Yes, kailangan eh. Alam mo na, Celebrity" tumawa ito at umakbay sa akin. Bigla ko siyang tinaligiran at hindi ko na pinansin kung kasama namin ang presidente ng school. kinuha ko ang bag ko at madali akong lumabas ng kwartong iyon. Ang kapal ng mukha.  Hindi ako susunod sa kanila. Neveeeer! **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD