*Anne's POV*
Halos wala ako sa kondisyon dahil sa kasiraan ng ulo ng ginawa ng Lucifer na iyon. Kung siya mayroong inspirasyon sa exam, siya ang naging asungot.
'Bye Maria" paalam ng mga kaklase ko. Nag-wave lang ako sa kanila pero hindi ako ngumiti dahil ayokong maging plastic sa nararamdaman ko.
Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na ako ng room nang madaanan ko ang nagkakagulong hallway. Natural na may nagkakagulo sa hallway na yan kasi nandyan ang room ni Lucifer, malamang nag-pa-pacute na naman ang demonyong iyon.
At no choice ako kundi dumaan doon dahil walang ibang daan para makalabas sa building namin kundi doon sa hallway ni Lucifer at habang naglalakad ako ay nabangga ako ng isang estudyante na sa tingin ko ay pupuntahan si Lucifer.
Nalaglag ang gamit ko sa sahig "Sorry, ate!" sigaw ng bata bago nagpatuloy sa pagtakbo. Tumingin lang ako ng masama sa kanya tsaka no choice na dinampot ang gamit ko hanggang sa isang kamay ang tumulong sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sabay baba uli dahil demonyo ang tumutulong sa akin. Kinuha ko ang gamit ko sa kanya tsaka ako tumayo at akmang lalakad na ako ng hulihin ni Lucifer ang kamay ko at hawakan ng maigi
"Baba"
Tinignan ko siya ng masama "Ano ba?" sabi ko sa kanya dahil halos lahat ng tao ay nakatingin sa aming dalawa.
"Dare! Siya ba ang girlfriend mo?" tanong ng isang estudyante na sinundan pa ng isang tao na sinundan pa ulit na sinundan pa. Argh! Kaya ayoko madidikit sa impaktitong ito eh.
"Hindi--"
"Yep. She's my girl" sabay hila pa lalo niya sa akin.
"Lucifer!" singhal ko sa kanya. Wala akong pakielam kung marinig ng tao ang tawag ko sa kanya basta ang gusto ko makawala sa kalokohan ng isang ito.
Napasinghap lahat ng tao sa sinabi ko. Tinapik ko din ng malakas ang kamay niya nang biglang may magsalita
"Sa wakas! Naging girlfriend mo din siya. Grabe Dare, ilang taon na din yan ah"
Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay ang tropa ni Lucifer na sina Patrick at Frank. Tinignan ko sila ng masama. Classmate ko din ang mga ito noong Elementary kami tapos hanggang ngayon ay School mate ko sila.
"Tantanan niyo ako ah. Hindi ko boyfriend si Lucifer" sabi ko sa kanila. Nakarinig ulit ako ng singhap at mula iyon sa Fans ni Lucifer
"Grabe ka naman! Hindi ka naman maganda para pagsalitaan si Dare nang ganyan"
Nagtaas ang kilay ko sa sinabi ng mga fans niyo. Tumingn ako kay Lucifer pero ang tingin niya ay nasa fans lang niya at mas naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa akin.
"Baka nga pinkot mo lang siya. Wag ka ngang assuming!"
"Pangit ka! Dare, akin ka na lang.." sigaw ng isa sa mga fans niya. Sa pagkakataong iyon ay tinulak ko siya papunta doon sa Babae. Napatingin siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman. Dahil lang ba sa pinangalandakan niya na girlfriend niya ako o dahil doon sa sinabi nung mga babae niya.
"Ba"
Humakbang ako palayo tsaka ako tumalikod sa kanila at tumakbo ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa garden na taguan ko. Doon ako madalas magtago dahil na din sa lagi kong nakakasama si Theseus at para na rin malayo sa mga tao at hindi na nila ako masbihan ng kung ano.
Sa pagkakataong ito para akong nanghina at kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako sanay na makarinig ng harsh words mula sa ibang tao. Bwisit yan. Kung hindi sana ako dumidikit sa isang iyon--pero teka, hiundi naman talaga ako dumidikit sa kanya eh. Siya ang dumidikit sa akin.
Na-harass ako at hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa kanila. Mga Alagad ni Lucifer na iyon.
"Ba"
Napalingon ako sa nagsalita. Speaking of the devil. Nasa harap ko siya at nakatingin sa akin. Gusto ko sana lumayo sa kanya nang lumapit siya sa akin at akmang lalayo na ako nang yumakap siya sa akin na ikinagulat ko.
'Sorry ba, hindi ko expected na gaganun sila sa harap ko at sa harap mo."
Hinampas ko siya tsaka ako lumayo sa kanya "Lumayo-layo ka sa akin, Lucifer at baka mapatay kita"
Pero hinatak niya lang ang kamay ko tsaka ako hinawakan ng mahigpit yung tipong ayaw na akong pakawalan. Suntukin ko kaya ang pagmumukha ng isang ito "Ano ba!"
"Ba" halos bulong na niya tsaka niya ako hinatak para yakapin. Aba matinde! Talagang nakakagulat na ang ginagawa ng isang ito. "Sorry. Promise, maging girlfriend lang kita hinding-hindi ka na nila sasaktan pa. Dadaan muna sila sa akin"
Kung normal na pagkakataon lang at isa ako sa babaeng humahabol sa kanya malamang ay namatay ako sa kilig pero hindi eh. Parehas kaming bully at mahirap kalimutan ang hidwaan sa pagitan naming dalawa na ako lang din naman ang nagsimula.
Pero..pero...hindi naman ako manhid na tao para kahit papaano ay hindi lumambot ang puso ko sa sinabi niya. "Lucifer"
"Okay lang sa akin kahit tawagin mo akong Lucifer sa harap ng tao basta kasama kita. Basta ikaw ang girlfriend ko" naramdaman ko ang paghigpit lalo ng yakap niya sa akin.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Gusto mo na bang mamatay?" tanong ko sa kanya. Kinagat ko siya sa balikat dahilan para mapalayo siya sa akin.
"Masakit, Ba!" reklamo niya sa akin. Pumaewang lang ako at tumahimik na siya at hinawakan na lang niya ang balikat niya na kinagat ko.
"Lucifer, hindi porket ikaw ang model ko ay ikaw na ang masusunod. Hindi pwedeng i-drag mo na lang ako at ipakilala sa buong mundo na girlfriend mo. At tsaka nababaliw ka na ba? Kumpara sa kalove team mo. Teka sino nga ba iyon..yung..yung morena pero hindi naman kagandahan tapos kulot ang buhok na parang pancit canton tapos yung mata ang itim-itim...si..."
"Althea" he said. nakasmirk din siya. tinaas ko ang kilay ko at bumalik ulit sa normal ang mukha niya "Nagseselos ka kay Thea?"
WHAT! Ano ba ang taong ito? Garapal din talaga eh. "Makapal ka din eh noh. Alam mo two timer ka ay mali three timer"
"Walang ganun, ba"
"Meron. nauso ng ipinangank ka! Yung sa wallet mo, yung babae sabi mo yun ang mahal mo tapos may Althea ka pa tapos isasabit mo pa ako sa bilang ng babae mo. Napakatinde mo naman"
Ngumisi lang siya lalo na mas lalo kong ikinais. Hinampas ko ang dibdib niya pero muscle ang sumalubong sa akin. Anak ng muscle naman ang taonng ito. I have seen him topless at super ulam ang upper body niya. paano pa kaya kapag wala na ang--ay! Manyak! Bad. Hindi iyon pwede.
"Ano bang nakakatuwa ah?" tanong ko sa kanya dahil naiinis ako sa kakangisi niya.
"Ikaw"
"Ako? Bakit may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya tsaka ko pinunasan ang mukha ko. Juice Colored! Nagiging bipolar ako sa isang ito. kanina umiiyak ako ngayon naman nakikipagsagutan ako sa kanya. Hay naku!
Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko. Inangat niya iyon at hinalikan ang kamay ko na nagdala ng kilabot sa katawan ko. Parang kuryente. Ganun yung naramdaman ko.
"Lucifer!"
"Ba, wag kang magselos kay Thea o kaya kahit doon sa babaeng nasa wallet ko kasi hindi naman niya alam na mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko at alam ng tao sa paligid kung gaano ko kamahal ang sarili ko"
Sa narinig ko ay bigla ko siyang hinampas sa dibdib. Kita mo na! May mahal ng iba tapos gagawin pa akong girlfriend. hindi ba pwedeng model ko na lang siay at wala ng clause na naka-involve doon.
"Gumising k nga. Hindi ako ang babaeng pwede mong maging girlfriend dahil may mahal ka na! Ang stupid mo naman!"
Tumawa lang siya. Yung abot matang tawa at dahilan para mafreeze ako. Inilabas niya ulit ang wallet niya at ipinakita ulit sa akin ang picture. Talagang pamilyar sa akin iyon.
"Una ko siya nakita noong grade 3 ako. Siya na siguro ang pinakamaganda sa classroom namin..."
"Grade 3? Eh classmate tayo ah tsaka walang maganda doon lahat maliban sa akin. Ano ba yang taste mo" dumukwag siya sa akin tsaka ako hinalikan sa labi na ikinagulat ko."Theseues!"
"I will kiss you every time you speak kapag hindi pa ako tapos"
"ABA--" isang halik ulit. Nakakadalawa na ito ah. Ay mali, tatlo na pala.
"Ba, pabor sa akin ito dahil lagi kitang mahahalikan" he winked. Tinakpan ko na ang bibig ko tsaka ako muling nagsalita pero tinanggal niya ang kamay ko tsaka niya ako hinila papalapit sa akin at hinalikan sa labi. Medyo may katagalan na ngayon. Nakapikit siya habang nagulat naman ako s aginawa niya kaya hindi ko na nagawang pumikit pa.
Siya langa ng humahalik noong una pero napapikit na din ako dahil parang may magnet yung paghalik niya. Hindi ako marunong pero para siyang master dahil nasundan ko ang paghalik niya. Lumayo siya sa akin nang naghabol na kami pareho ng hininga.
Nakakahiya!
Idinikit niya ang noo niya sa akin tsaka siya ngumiti "You have the sweetest lips in this world. Hindi ako mapapagod na halikan ka"
"Bastos" mariin kong sabi sa kanya smack ulit
"Kapag nakaring ako ng reklamo mula sa iyo lagi kitang hahalikan. Wala akong pakielam kung nasa public place tayo" ngumiti siya sa akin "And Ba..ikaw yung nasa wallet ko. Family day, grade 5 tayo. Ikaw ang babaeng mahal na mahal ko"
Sunod-sunod ang naging malakas na pagtambol sa dibdib ko. Teka, hindi ba talaga ako nagkamali ng dinig. Juice Colored! Psycopath ang lalaking ito! Ako daaaaaw!
--