Nag-jo-jog si Zoie katulad ng nakagawian niya pagka-adjust niya sa buhay at mga gawain sa rancho. Pansin man niya si Alemana na may ginagawa ay binalewala lang niya ito. Kalimitang kasama nito sina Lihau at Huapala. Lagi siyang binabati ng huli at kinakawayan niya lang ito pabalik at hindi kinakausap. Nag-sho-shower siya pagkatapos mag-jog dahil sa init at pawis. Pagkapresko na ang pakiramdam niya ay gumagaan ang kaniyang loob. Bumabalik din siya sa trabaho pagkatapos niyon. Tsinitsek niya ang mga gawain ng bawat kasambahay kung ginagawa ng mga ito nang maayos ang mga iyon; tinitingnan niya ang mga kailangan sa mansion at rancho; naglilista ng mga kailangang bilhin sa susunod na grocery shopping; nire-review kung nabayaran na ang lahat na kailangang bayaran; at marami pang iba, kasama na