Ang akala ni Zoie ay okay na ang suot niyang pulang blouse at itim na slacks na pinaresan ng closed high-heeled shoes. Iyon pala ay pagbibihisin siya ng kaniyang amo. Hindi niya alam kung importante ba talaga iyon o hindi dahil sa tingin niya ay ayos naman sana ang suot niya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung inutusan siya ng amo na magbihis? Pumanhik na sa itaas si Zoie upang tingnan ang damit na sinasabi ni Alemana na isusuot niya dapat para sa party. Dapat magmamadali na siya kung ayaw niyang ma-late. Medya ora na lang ay mag-uumpisa na ang kombinasyong tradisyonal na Hawaiian at Western birthday party ng mga Campbell. Kahit papaano ay napapahanga siya sa pamilya Campbell dahil hindi nito kinalimutan ang tradisyon. Nagmamadali muna siyang mag-shower at pumasok na si Auntie Ler