Ipinakita ni Auntie Lerma kay Zoie, ilang araw ang nakalipas, ang mga photo albums ng mga ninuno nila at ng mga Campbell⸺pati na ang pamilya ng mga ito. Ngayon na niya nalaman ang buong detalye ng tradisyon ng kanilang angkan at ng mga Campbell. Nakita niya rin ang kapatid na lalaki at ang mga magulang ni Alemana. Pati na rin ang stepmother nito at nakababatang babaeng kapatid. Dahil sa patay na kapwa ang ina’t ama nito ay si Alemana ang halos nagmana sa lahat at nagpapatakbo ng rancho sa tulong ng mga Tabilla. Pero may kahati naman ang pamilya ng lalaki sa mana niya. Ibinigay sa binata ang lahat ng karapatan sa rancho at ng iba’t ibang ari-arian. “Pero, Auntie paano po kapag walang anak si Master⸺?” “Hindi mangyayari iyon. Kailangang may isang Campbell na susunod sa kaniya. Kung hind