Nire-review ni Zoie ang mga dokumentong ibinigay sa kaniya ni Auntie Lerma niya nang pumasok siya sa library. Doon na rin siya sa sofa nakaupo at pinagtitiyagaang basahin ang mga iyon. Mga accounting books, ledgers, at iilang mga records ng mga nakaraang buwan sa taong iyon. Doon nakalog ang lahat bago ini-encode sa computer. Para sa kaniya ay redundant iyon pero baka iyon na nga ang patakaran sa rancho. Alam niya ang accounting dahil sa nagpa-tutor siya nang isang taon. Requirement iyon sa kanilang clan. Kung kaya’t lahat sila’y alam ang accounting. Ang sabi kasi ay dapat may alam sila roon upang may mapagkikitaan silang extra. Kahit ‘di man magiging Certified Accountant ay maigi nang may alam sila tungkol doon, lalo na sa basic bookkeeping. Kung kaya’t marami siyang mga kamag-anak na na