“Congratulations!” Iyon ang mga salitang bumungad sa akin at kay Mr. Muller nang lapitan kami ng lolo niya pagkatapos na pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinibigay nito sa amin pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag. “You look good in your wedding suit, hijo,” dagdag nito sabat tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling naman ito sa akin. “You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?”
“A-Ah, Kristine po,” sagot ko at pasimpleng tiningnan si Mr. Muller nang maramdaman ko ang paninigas ng kanyang braso kung saan ako nakahawak.
“Kristine,” ulit nito sa pangalan nito. “Uriel. Both of your names sound angelic,” dagdag nito at muling ngumiti. “Heaven sent, don’t you agree?”
Tanging ngiti lang ang isinagot ko rito dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nang tingnan ko si Mr. Muller ay bakas sa mukha nito na hindi nito nagugustuhan ang mga nangyayari. At base sa mga nakita ko, mukhang hindi parte sa plano niya ang maagang pagdating ng lolo niya dahil sa una pa lang plano na niyang maikasal kami bago pa man ito lumapag ng Pilipinas.
“Lolo, can you excuse me and my bride for a while?” magalang na sabi ni Mr. Muller bago siya lumingon sa akin sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. “You said you wanted to go to the restroom, right? Let’s go while the program hasn’t started yet,” dagdag nito sabay hila sa akin, dahilan para halos masubsob ako.
Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. “M-Mr. Muller, nasasaktan ako,” daing ko nang makalayo kami. Mabuti na lang at binitawan niya rin ito agad. “W-Wala naman po akong sinabi na magbabanyo ako,” dagdag ko.
Lumingon siya sa akin. At nang makita ko kung gaano katalim ang mga mata niya ay napaatras ako. “Ms. Kristine, learn to read the room,” matigas nitong sabi. “My grandfather is not someone we can fool with your poor acting skills,” dagdag nito bago marahas na bumuga ng hangin at nagmura. “He clearly tricked me this time,” bulong niya bago naihilamos ang mukha. “We have to restructure our plan.”
“P-Po?” tugon ko sa kanya at bahagyang nangunot ang noo.
“There will be major changes in our plan,” sagot nito. “My grandfather successfully tricked me. Nandito na siya sa Pilipinas bago pa man niya sabihin sa aking uuwi na siya and he surely had his eyes on me—on us, before he even attended the wedding ceremony,” paliwanag nito bago muling nagmura at nasipa ang lupa. “We have to continue our act ‘til we convince him.”
Kumunot ang noo ko dahil wala akong kahit na anong maintindihan sa mga sinasabi niya. “S-Sir, wala po akong naintidihan. Hindi ko rin po alam ang planong sinasabi n’yo,” sagot ko sa kanya at bahagyang umatras nang mas tumalim pa ang tingin niya sa akin.
“Right. You’re not that girl,” sabi nito at marahang tumango-tango. “Pumalpak nga pala ang mga bwisit na ‘yon,” dagdag nito at napangisi na lang sabay iling.
Magsasalita na sana ako para sana tanungin siya kung ano ang planong sinasabi niya nang bigla siyang sumigaw nang malakas sabay sipa ng pader malapit sa kanya kaya napapitlag ako sa gulat. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil dama ko ang paggapang ng takot sa buong sistema ko. This man in front of me is insanely dangerous. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang takot ng mga make-up artist sa kanya kanina. Pati na rin ang babaeng tingin ko’y empleyado niya.
“Okay. So, here’s what we gonna do. I’m gonna simplify it para maintindihan mo agad,” sabi nito sabay tingin sa akin. Diretso ang tingin ng asul niyang mga mata sa akin. “Let’s act as real couples. Make it as genuine as possible. I’m sure may karanasan ka na sa pag-ibig kaya hindi ka na mahihirapan pang um—”
“Wala,” putol ko sa sinasabi niya at agad na nag-iwas ng tingin dahil ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa magkabilang pisngi ko. “H-Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend,” paglilinaw ko sa kanya at yumuko na lang.
“What?!” Halos mapatalon ako sa reaksyon niya. “You’re kidding me, right?”
Umiling ako sa kanya at mas ibinaba pa ang tingin ko dahil ayokong makita ang reaksyon niya. “N-Nagsasabi po ako ng totoo, sir. S-Sa totoo lang, ‘yong kiss kanina...” Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang mukha niya. “...first time ko po ‘yon.”
“The fúck?!” reaksiyon nito. Hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin sabay iling. “Bullshít! This is all bullshít!”
Napaatras ako nang muli na naman niyang pinagsisipa ang pader sa tabi niya. Pulang-pula na ang mukha niya at kulang na lang ay sumabog siya sa inis. “Palpak! Lahat kayo palpak!”
“S-Sir, uurong na lang po ako. Hindi ko po alam kung kaya kong gawin ang gusto n’yo,” nauutal kong sabi dahil sa takot na nararamdaman ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. “H-Humanap na lang po kayo ng iba.”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapatingin siya sa akin. Nagngangalit ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. “Are you being serious right now?” Pinaningkitan ako nito ng mga mata. “Anong tingin mo sa ginagawa natin ngayon—taping? The fúck?”
Napayuko ako sa sinabi niya dahil tama naman siya. Bakit ko pa kasi sinabi ‘yon. Mas nagalit tuloy siya. “S-Sorry po, sir.”
“I don’t need your apology. Mas kailangan ko ang cooperation mo,” mabilis nitong sagot bago lumapit sa akin. Marahan niyang inabot ang baba ko at inangat ang mukha ko para magkasalubong ang mga titig namin. “Are you okay?” tanong nito sa malambing na tono.
“P-Po?” sagot ko at hindi napigilan ang paglundag ng puso ko nang makita ko kung gaano kalapit ang guwapo niyang mukha sa akin. “Ok—” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit, dahilan para magtaka ako nang lubos. Kanina lang ay daig niya pa ang nag-aalburutong bulkan.
“Someone is watching us,” bulong nito sa akin bago niya ibinaon ang mukha ko sa kanyang matikas na dibdib. “Probably one of my lolo’s men. Act like you’re not aware of them and just act in love,” dagdag nito bago niya ako marahang itinulak palayo. Pagkatapos ay ikinulong niya ang maliit kong mukha sa pagitan ng malalaki niyang mga kamay. “Are you okay?”
Pilit akong ngumiti sa kanya. “Y-Yes.”
Ngumiti siya sa akin nang matamis at tumango. “Great. Shall we head back? I’m sure they’re waiting for us.”
“Okay,” sagot ko.
Tumitig siya sa akin bago inilapit ang labi niya sa noo ko. “Again, cooperate with me, Mr. Kristine. Dahil sa oras na pumalpak ang plano ko, I will drag you kung saang impyerno man ako babagsak,” pabulong niyang pagbabanta niya bago inilapat ang malambot niyang mga labi sa aking noo.
Nang lumayo ang labi niya sa akin at tiningnan niya ako at muling nginitian nang matamis. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. “Let’s go?”
Ilang segundo akong tumitig sa palad niya bago ako humugot ng malalim na hininga at tinanggap ito. “Let’s go,” sagot ko. Bahala na ito. Bahala na kung saan ako dadalhin ng pagpapanggap na ito. Hindi ko hahayaang sirain ng lalaking ‘to ang buhay ko at ang pangarap ko para sa pamilya ko. Gagawin ko ang lahat maisakatuparan lang ang plano niya. If he wants me to be his beloved wife, then I will gladly act like one.
Simulan na ang pagpapanggap para sa pangarap!