Dahan-dahang pumasok sa tainga ko ang ingay sa paligid. Kunot-noo akong nagmulat ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman ko sa aking batok. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at napasigaw na lang ako nang bumungad sa akin ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.
Mukhang nagulat din siya sa pagsigaw ko kaya sumigaw rin siya. Nagsigawan kaming dalawa bago ako bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid. "N-Nasaan ako?" bulalas ko bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin?"
"Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating matapos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Muller," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa akin pero muli akong umatras.
"H-Huwag kang lalapit!" tili ko at hinarang ang dalawang kamay ko sa ere nang tuluyan kong maalala kung ano ang nangyari bago ako mawalan ng malay. "Diyan ka lang!"
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko, lalo na't naalala kong may dumukot sa akin. Muli kong iginala ang mga mata ko at nakita ang dalawa pang tao na kasama namin—isang lalaki at isang babae. May hawak silang wedding gown.
"Ma'am, please, makipag-cooperate ka na lang sa amin. Kami ang malilintikan kay Mr. Muller. Mainit pa naman ang ulo no'n," nababahalang sambit ng make-up artist sa akin. "Mamaya ka na po mag-hysterical 'pag natapos ang trabaho namin. Pakiusap."
"Hindi. Hindi!" Umiling ako nang mariin at akmang babangon na sana pero pinigilan ako ng dalawa pa niyang kasamahan.
"Ma'am, please lang po. Isuot n'yo na lang 'tong gown at hayaan n'yo kaming tapusin ang make up at hairstyle n'yo," pakiusap ng babae sa akin. "Maawa kayo, ma'am. Kami ang mapagbubuntungan ng galit ni Mr. Muller."
"This is kidnàpping!" bulalas ko at muling umatras palayo sa kanila. "Dinala ako rito na labag sa kalooban ko. Magfa-file ako ng report sa pulis. Kaya kung ayaw n'yong madamay, huwag kayong lumapit sa akin!" pagbabanta ko sa kanila bago hinagilap anh cellphone ko pero hindi ko mahanap.
"Are you looking for this trash?" Napalingon ako sa likuran ko nang umalingawngaw ang malalim na boses ng isang lalaki.
Matalim ang mga titig na ipinupukol nito sa akin bago ito mabilis na humakbang palapit sa akin. Pansin ko ang mabilis na paglayo ng tatlong kasama ko kanina. Bakas sa mga mukha nila ang takot kaya natakot na rin ako.
Ramdam kong may kung anong bumara sa lalamunan ko pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. Hindi pwedeng magpadala ako sa takot. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Marami pang umaasa sa akin. Maghahanap pa ako ng trabaho.
"Are you listening?"
Napakurap ako nang marinig ko ang malalim na boses ng lalaki sa tapat mismo ng tainga ko. At doon ko lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Masyado akong nalunod sa pag-iisip sa pamilya ko kaya nawalan ako ng kamalayan sa paligid.
Napalunok ako nang halos hindi ako makahinga dahil sa bigat ng presensya niya. "L-Lumayo ka sa akin," halos pabulong kong sabi. "Lum—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang ilapat niya ang hintuturo niya sa aking labi.
"I'm still talking, Miss Kristine Sandoval," bulong nito sa tainga ko.
Hindi ko napigilang kilabutan sa ginawa niya kaya agad ko siyang naitulak. "S-Sabing layo!"
Natawa siya sa ginawa ko bago siya umatras at lumingon sa tatlong kasama ko kanina. "Leave us alone for a moment," matigas nitong utos.
Mabilis na umalis ang tatlo. At pagkasara na pagkasara ng pinto ay muling humarap sa akin ang lalaki. Doon ko napansin ang kulay asul niyang mga mata na tila sinasalamin ang malawak na karagatan sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw.
"You see, things are a bit complicated right now and you're the only one who can make them easier," panimula niya bago humakbang palapit sa akin.
"Bakit ako?" kunot-noong tanong ko.
"That's also my question. Bakit ikaw?" balik niya sa akin ng tanong. "But I don't have time to answer that question. Time is running so I will make it quick. One million pesos—marry me."
"H-Ha?" Iyon na lang ang nasabi ko. Parang huminto ang isip ko sa narinig ko.
"Marry me and I'll give you one million pesos as compensation," pagklaro niya bago siya mas lumapit sa akin. "I know you badly need money. I had your background checked just a few minutes ago so I am sure you will not decline my offer. Right?"
Huminga ako nang malalim bago muling sinalubong ang asul niyang mga mata. "Sagutin mo ang tanong ko—bakit ako? Pwede namang iba a—"
"Dahil palpak ang mga inutusan ko," matigas niyang sambit. "They fùckin' picked up the wrong girl!"
Napapitlag ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. Nakakatakot ang awra na lumalabas sa kanya kaya hindi ko napigilang mapaatras.
"Look..." Huminga siya nang malalim. "I will give you a hundred thousand right now if you agree to be my bride. But don't worry, it will just going to be a fake wedding. After things get done, you'll be free to live your life again but you'll be bringing home with you a million pesos." Diretso siyang tumitig sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang desperasyon. "If you need proof, then wait..." Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. Ilang sandali lang ay nagsalita siya, "Bring the case here. Now." Pagakatapos no'n ay ibinaba na niya ang tawag at muling tumingin sa akin.
Hindi ako makapagsalita, hindi dahil sa wala akong masabi kundi hindi niya ako hinahayaan. Bawat buka ko ng bibig ko ay inuunahan niya ako.
"I saw the envelope you had with you. It seems like you're looking for a job, so let's put it this way..." Isang hakbang na naman ang ginawa niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa presensya niya. "You'll have your one million and you will also secure a job in my company."
"S-Sir..." Kapwa kami napalingon nang may marinig kaming boses ng babae. Hingal na hingal ito at mukhang tumakbo pa ito para lang makarating dito. "H-Heto na po."
"Good. Give it to me and leave," matigas nitong sabi bago kinuha ang attaché case sa babae at agad na humarap sa akin kasabay ng pagbukas niya rito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang makakapal na bundles ng tig-iisang libong piso.
"So, what do you say, Ms. Kristine?"
Tumitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot; kung ano ang mararamdaman. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang ay naghahanap pa ako ng trabaho, na-kidnàp, at ngayon naman ay ikakasal ako sa isang estranghero?