Kabanata 2

1216 Words
HINDI ko alam kung ano ang sasabihin. Pabalik-balik ang tingin ko sa pera at sa guwapong mukha ng lalaki. Hindi ako makapagdesisyon dahil parang ang hirap paniwalaan ng lahat. Ang hirap isipin na nangyayari ito sa akin. “M-Mr. Muller, pwede ko bang malaman kung bakit kailangan nating ikasal?” Nakita niya kung paano huminga nang malalim ang lalaki. Nangununot na ang noo nito pero nagawa pa rin nitong tumango nang marahan. “I have to get married bago dumating ang lolo ko galing sa Europe. He’s already on his way back, kaya kailangan ko nang maikasal bago pa man siya dumating dahil mas magiging komplikado ang lahat kapag naabutan pa niya ang seremonya,” paliwanag nito. “I had everything set. The only thing that I need right now is a bride.” Tumitig lang ako sa kanya. Kahit saang angulo ko tingnan ay may mali talaga. “Bakit po kailangan mong ikasal?” Napapikit ito matapos marinig ang sagot ko. Muli itong bumuga ng hangin. “Alright. I guess I have to tell you everything,” sambit nito bago ako tiningnan nang diretso sa aking mga mata. “My grandfather won’t give me my inheritance unless I get married. He wants to make sure that I am settled before he gives it to me. But there’s no way I’m going to let myself be tied to a woman, so I will just have to fake a wedding,” paliwanag nito sa akin. “Does that answer your question? Does that clear your doubts?” “I...I don’t know. Anong mangyayari kapag hindi ako pumayag?” tanong ko sa kanya at nakita ko kung paano madilim ang ekspresyon niya. Hindi ko napigilang mapalunok nang tumagos sa balat ko ang matalim niyang mga titig. “Look, you can’t say no to me, Ms. Kristine. If you refuse to be my bride now, I will use all the connections I have to make sure you will never get a job—not just in this city but in the whole Philippines,” matigas niyang sambit habang nakatitig lang sa mga mata ko. “If you destroy my plan by refusing my offer, I will drag you down to hell with me. And yes, I am threatening you. But if you say yes, I will make sure you will be showered with blessings—work, money, and other opportunities.” Humakbang siya palapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin. Hindi ko na magawang umatras pa dahil tuluyan nang dumikit ang katawan ko sa pader. PIgil ang hininga ko nang salubungin ko ang mga titig niya. “Be wise with your decision, Ms. Kristine. Alam kong may pamilya kang gustong suportahan; na may pangarap kang iahon sila sa kahirapan. Just say yes and I will make your dreams come true,” muling sabi nito sa akin. “Say no, and I will shatter your dreams to dust and trample over your hope ‘til you fall into despair.” Lumayo na siya sa akin at inayos ang suit na suot niya. Pagkatapos ay matamis niya akong nginitian kasabay ng pagkuha niya ng iilang bundles ng one thousand peso bills at inalok sa akin. “You have one minute to decide.” --- NAKAHARAP ako ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda nila para sa kain. KAsalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up ko at inaayos din nila ang buhok ko. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko, pero ‘yon ang sa tingin kong nararapat. Alam kong mali na makisali ako sa panlolokong gagawin ni Mr. Muller, pero ayoko rin naman na sirain niya ang buhay ko. Mas matimbang sa akin ang pangarap ko para sa pamilya ko kaysa sa moralidad ko. At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal kami ay kailangan ko lang manatili nang saglit sa bahay niya para makumbinsi ang lolo niya. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha ko na rin ang salaping ipinangako niya at makakapagtrabaho sa kompanya niya—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan naming dalawa. Napatingin ako sa mga make-up artist. Mukhang pati sila ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado akong pinagbantaan din sila ng ni Mr. Muller na gagawing miserable ang buhay nila kung hindi sila susunod sa gusto nito. “Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Paula, ang kalbong make-up artist. “In all fairness, ma’am, hindi ako nahirapang pagandahin kayo dahil maganda na kayo naturally,” komento niya at tanging ngiti lang ang iginanti ko sa kanya dahil abala ako sa pagtitig sa sarili ko sa salamin. Hindi ko lubos akalaing gaganda ako nang husto gamit lang ang make-up. Napakahusay gumawa ni Paula. “Ready na ba ang bride?” tanong sa amin ng parang organizer ng kasal. Hindi ko ito makita dahil natatabunan ito ng repleksiyon ni Paula. “Magsisimula na ang wedding ceremony in twenty minutes,” anunsyo nito. “Yes, tapos na,” sagot ni Paula. “Okay.” Isa-isa nang umalis ang mga tao sa kwarto hanggang sa ako na lang ang natira. Hinihintay ko na lang na dumating ang organizer para gabayan ako sa gagawin ko. At bawat minutong lumilipas ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit pa sa akin nangyari ang bagay na ‘to. Siguro blessing in disguise na rin siguro ito matapos ng lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa ko para sa pamilya ko. Oo, ganoon ko na lang ‘to iisipin at nang ‘di ako kainin ng konsensya ko. “Ms. Kristine?” Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito kasunod ng pagsulpot ng isang babae. “This way po,” nakangiting sabi niya sa akin bago inilahad ang kamay niya. “The wedding ceremony will start any time from now,” dagdag niya. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang mahabang hallway. Hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid dahil para akong nasa isang hotel. Kung hindi sinabi sa akin na nasa bahay ako ni Mr. Muller, iisipin ko talagang isang hotel ‘to. Kung ganito kalaki ang bahay niya, isa lang ang kahulugan nito—mayaman siya. Ubod ng yaman to be exact. Mabuti na lang talaga at pumayag ako sa alok niya dahil mukhang kayang-kaya niya talagang gawing miserable ang buhay ko. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa labas ng bahay at bumungad sa akin ang napakalawak na hardin. Kita ko rin mula sa kinatatayuan ko ang set-up ng venue. Sa tapat ko ay nakalatag ang red carpet hanggang sa maliit na altar sa unahan. Sa bawat gilid naman ay ang mga bouquet ng pink at white roses. Kulay puti ang telang ginamit para palamutian ang paligid. Hindi ko napigilan ang pag-awang ng bibig ko dahil parang totoo talagang ikakasal ako. Kompleto rin ang mga kasali sa kasal gaya ng flower girls, ring bearers, at iba pa. May mga bisita rin na hindi ko alam kung bayad ba o totoong imbitado talaga. Ilang saglit lang matapos kong makapwesto ay namayani ang malamyos na tunog ng piano at violin sa paligid. Huminga ako nang malalim. Heto na talaga. Ilang sandali mula ngayon ay magbabago na ang takbo ng buhay ko. Ako ay magiging si Mrs. Muller, the billionaire’s instant bride.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD