Nakahinga na ako nang maluwag nang tuluyang magsiuwian ang mga bisita. Tapos na ang selebrasyon sa pekeng kasal namin ni Mr. Muller. Napaupo na lang ako sa upuan at kulang na lang ay maglupasay ako sa sahig dahil sa labis-labis na pagod na naramdaman ko. Siguro ay ito na ang epekto ng pagkabigla ng katawan ko sa lahat nang nangyari—sa stress, sa pagod, sa gulat, lahat-lahat na. Hindi ko nga inakalang makakaya kong gawin ang lahat nang ‘yon kanina. Isinuko ko pa maging ang first kiss ko. Iba talaga ang nagagawa ng takot sa isang tao. Well, mas pipiliin ko pang isakripisyo ang halik ko kaysa sa mismong magiging kinabukasan ko at ng pamilya ko. “You did well,” sambit ni Mr. Muller sa akin na nasa tabi ko lang. “Give me your bank details later and I will wire you the partial p*****t,” dagdag