Kabanata 7

1724 Words

TAHIMIK lang ako buong biyahe at pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko kaysa tingnan ang mga lalaking naging dahilan kung bakit ako napunta sa kamay ni Mr. Muller. Ang dami nilang pinag-usapan pero lahat nang ‘yon ay patungkol sa mga pagbabago ng plano nila. Wala na akong pakialam kung ano man ang mapagkasunduan nila dahil wala rin naman akong magagawa kundi ang sumunod na lang. “So you’re gonna play husband and wife?” dinig kong tanong ng singkit na si Marco kay Mr. Muller. “Kaya ba ng sikmura mo?” mapanghamong dagdag nito kaya hindi na ako nakapagpigil at nagmulat na ng mga mata. Masama akong tumingin sa direksyon niya. “Excuse me?” Hindi ko mapigilang ma-offend sa tono ng pananalita niya. Sa pagkakasabi niya ay para bang ang dumi-dumi kong babae; na para bang nakakadiri akong tao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD