MABILIS akong naghanda dahil ayaw kong paghintayin nang matagal si Mr. Muller at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong hinagilap ang cellphone ko at mabilis ko naman itong nahanap. Hindi ko na muna ito binuksan dahil dali-dali akong bumaba sa living room kung saan siya naghihintay. Pagkababa ko ay naroon na siya at prenteng nakaupo sa leather na sofa. Maayos na nakasuklay paitaas ang kanyang buhok at mukhang hindi na ito nagpalit pa ng damit—hinubad lang nito ang tuxedo niya at itinira ang puting long sleeves na halos yakapin ang kanyang maskuladong katawan. Nakatupi ang sleeves nito hanggang sa may siko niya at nakabukas naman ang unang dalawang butones, dahilan para sumilip ang kanyang matikas na dibdib. Hindi ko maitatanggi ang angking kaguwapuh