Chapter 4

1222 Words
Violet’s Pov NATULOY ang day off ko mamayang gabi kay ngayong 2PM ay binabalak kong umalis para narin gumala at pasayahin ko ang sarili ko. Deserve ko naman din yata na mag pahinga at itreat ang sarili ko sa nakakapagod na trabaho. Matagal- tagal na din kasi akong hindi nakakapag day off, ilang buwan din kasi na straight ako dahil na din sa nasasayangan ako. Pero ngayon ay napagod talaga ako at stress sa lalaking hambog na palaging sinisira ang gabi ko sa bar. Sino ba naman hindi ma hi-highblood kung ipagkalat niya sa mga tricycle driver na jowa daw niya ako. Kung di ba naman kalahating tanga ang animal. Pag nakita ko talaga yun ay pupunitin ko ang mukha niya. Nakaupo ako sa kama at habang nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Nakaligo na kasi ako at nakabihis na din. Nilugay ko lang ang buhok ko para naman maiba dahil palagi nalang nakatali ang buhok ko sa trabaho. Pwede naman nakalugay pero ayaw ko kasi ng sagabal habang nag tra-trabaho ako kaya mas gusto ko na nakatali. Nang matapos akong mag ayos ay kinuha ko na ang sling bag ko at isinukbit sa balikat ko. Dahan-dahan ang kilos ko na naglakad palapit sa pinto para lumabas ng apartment. Tulog kasi ang mga kasamahan ko sa trabaho kaya hindi ako gumagawa ng ingay. Isinara ko nalang ang pinto saka ako naglakad palabas ng apartment. Naglakad lang ako dahil nasa city naman na ako at kayang-kaya naman lakarin ang unang pupuntahan ko. Gusto ko kasi ilibre ang sarili ko ng masarap na pagkain. Kaya nag hanap ako ng restaurant kanina sa cellphone ko at tinignan na din kung anong mga pagkain. Sakto naman na malapit lang din naman at kayang-kaya lakarin kaya pinuntahan ko na. Ilang sandali lang ay nakarating ako sa restaurant na napili ko at dali-dali akong pumasok sa loob. Agad akong naghanap ng bakanteng table na malapit sa glass wall. Sa may likod ako ng restaurant pumwesto dahil kung sa harap ay ang view ay kalsada, sa likod naman ay seaside. Gusto kong kumain habang pinapanood ang mga taong naglalakad do’n. Umupo na ako at agad naman may lumapit na waiter sa ‘kin at inabot ang menu. Dali-dali akong umorder ng pagkain at sinabi ko yun sa waiter saka siya umalis sa harapan ko na may ngiti sa labi. Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay ko ang inorder kong pagkain. Magpapakabusog talaga ako ngayon saka ako pupunta ng mall para bilhin ang gusto kong damit saka ako pupunta ng SPA. Dumating na ang pagkain ko at agad akong kumain. Napapapikit pa talaga ako sa bawat subo dahil sa sobrang sarap. Tama lang talaga na dito ako pumunta. Yung order ko ay pang tatlohang tao kahit ako lang naman talaga mag-isa. Kaya ko naman ubusin ang pagkain lalo na’t ayaw ko ng may nasasayang na pagkain. Sunod-sunod ang ginagawa kong subo at hindi pinapansin ang bagong customer na umupo sa katabi kong table. Inabot ko ang softdrinks na inorder ko ng makaramdam ako na parang uubuhin ako. Uminom ako at halos mailuwa ang ininom ko ng paglingon ko sa kabilang table ay nakita ko na naman ang lalaking kinaiinisan ko. Ngumiti pa talaga siya sa ‘kin sabay kindat pa. Piste talaga. “Ikaw na naman? Hanggang dito ba naman.. Mukha mo makikita ko.” Inis kong sabi sa lalaki. “Bakit? Ikaw lang ba pwedeng kumain dito sa restaurant na ‘to? I think hindi siguro. And FYI regular customer nila ako dito. Baka nga ikaw ang pumunta dito dahil alam mo na dito ako kumakain.” Sabi niya na tumawa ng mahina. “At bakit ko naman gagawin yun? Eh nakakairita nga yang mukha mo eh. Nakakasawa pa tignan.” Pangbabara ko sa kahinganan niya. “Nakakasawa daw. Pero panay titig sa ‘kin kapag may dalang alak sa ibang table. Kunwari ka pa talaga, Ms. Sungit. Kunwari galit sa ‘kin pero ang totoo ay may gusto naman pala.” Mahangin niyang sabi. Hindi lang siya mahangin, feeling din siya. Feeling lahat ng babae ay nagkaka gusto sakanya. “Mukha mo! Nakakasuka naman oh, nakakawalang gana kumain.” Saad ko sabay ibinalik ang tingin sa labas ng view. “Nakakawalang gana daw, baka naman kinikilig ka na diyan, Ms. Sungit.” Pang aasar niya sa ‘kin. “Managinip ka lang diyan.” Sagot ko naman saka ako sumubo ng pagkain. Hindi ko nalang papansinin ang lalaking pangit at kumain nalang kaysa naman iwanan ko lahat ng mga inorder ko dahil lang nasa kabilang table lang siya. Sayang yung pera lalo na ang pagkain kaya titiisin ko na muna medyo malapit kaming dalawa. “By the way, your name is fake. Hindi naman pala Lorelai pangalan mo. Akala ko talaga ikaw yung baliw sa kalsada dahil magkapangalan kasi kayo.” Sabi pa niya kaya tumingin ako sakanya at inirapan ko. “Ganun talaga pag hindi ko type ang isang tao, hindi ko talaga sinasabi ang totoo kung pangalan.” Nakangisi kong sabi kaya nalukot ang mukha niya. Sasagot pa sana siya ng may biglang sumulpot na lalaki na matangkad sa table ng pangit na lalaki. Ang gwapo ng lalaki at tulad ng lalaking kinaiinisan ko ay may piercing din siya sa ilong. Messy hair ang kulay brown niyang buhok at ang puti ng lalaki. “Hey, buddy!” Bati ng lalaki sa hambog na lalaki na kinaiinisan ko. Magkakilala yata silang dalawa at wala akong pakialam. Kapag gwapo ay malamang babaero at habulin ng babae. Ibinalik ko nalang ang tingin sa pagkain ko at hindi na pinakinggan pa ang pag uusap ng dalawa. Nasulyapan ko lang sa gilid ng mata ko na umupo ang kaibigan niya sa katabi niyang upuan at nag uusap. Habang seryoso akong kumakain ay nasulyapan ko na dumating na ang inorder nilang pagkain. Nagulat pa ako ng lumapit ang waiter sa harap ko at inilapag ang isang order ng halo-halo. “Naku, wala po akong order na halo-halo, sir.” Saad ko pa sa waiter habang pinipigilan siya na ilapag sa mesa ang dala niya. “Pinapabigay po ng gwapong lalaki na crush mo daw po.” Saad ng waiter kaya agad kumunot ang noo ko. Mabuti pa ang waiter, alam na may crush ako. Ako nga hindi ko alam eh. “Naku, kuya.. naliligaw ka lang po. Paki ali—” “Para sa’yo talaga yan, Ms. Sungit. Para naman mawala ang inis mo sa ‘kin. Masyado kasing mainit eh,” biglang sabat ng lalaking feeling pogi. “No, thanks. Hindi ko kailangan ng libre mo. Kaya kong bumili ng halo-halo sa sarili kong pera.” Walang emosyon kong sabi. “Wala ka pala, bud eh. Akala ko ba lahat nakukuha mo.” Natatawang sabi ng lalaki na kasama niya. “Shut up, Death. Ililibing kita kapag hindi ka tumahimik.” Saad pa ng lalaking feeling pogi. Nagulat naman ako sa pangalan ng kasama niya. Hindi ko alam kung totoo pero ang weird naman kung pangalan talaga niya ay Death. “Ikwe-kwento ko ‘to kay Ziven at Declan.” Sagot naman ng lalaki na may pangalang Death. Siniko naman siya ng lalaking feeling pogi habang nakatingin sa ‘kin. Ang seryoso ng mukha niya at inirapan ko siya saka ako umiwas ng tingin. Bahala siya kung magalit siya sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD