Chapter 5

1103 Words
Violet’s Pov NATAPOS akong kumain at agad kong binayaran ang mga inorder ko. Ang hambog na lalaki ay gusto pa sana niyang bayaran ang pagkain ko. Ngunit pinukol ko siya ng masamang tingin kaya hindi na niya tinuloy. Tawa naman ng tawa ang kasama niyang lalaki na si Death at sinabing hindi daw maka porma ang kaibigan niya sa ‘kin. Halata pa sa mukha ng mayabang na yun na naiinis sa sinabi ng kaibigan niya. Buti nga sakanya, akala niya siguro lahat ng babae ay makukuha niya agad sa isang kindat niya. Nang matapos akong kumain ay dumeritso na muna ako sa mall para bilhin ang mga gusto ko. Magtatagal kasi ako sa Spa kaya uunahin ko na ang pamimili. Nakapasok agad ako sa mall at agad hinanap ang kailangan ko. Nag search naman na ako kaya alam ko na kung saan ako pupunta at ano ang mga latest ba bibilhin ko. Gusto ko din kasi bumili ng perfume kaya pumunta din ako dito. Malapit na kasing maubos ang perfume ko at gusto ko mag iba ng amoy. Tinungo ko na muna ang gusto kong bilhin na damit at baka maunahan ako. Pumasok ako sa shop at agad na kinuha yun. Kumuha pa ako ng ibang damit saka lang ako pumunta ng counter para bayaran ang pinamili ko. Natapos ako sa shop kaya ang hinahanap ko na naman ay ang perfume. Pumunta agad ako sa store kung saan ako bumibili talaga. Ang tagal kasi matanggal ng perfume nila at matagal na din kasi ako bumibili sa shop nila. Kaya subok ko na ang mga binebenta nilang perfume. Pumasok ako sa shop at agad akong inasisst ng babae. Binigyan din niya ako na parang maliit na papel na medyo matigas para ipaamoy sa ‘kin ng makapili ako. Nagtagal ako ng 30 minutes dahil naguguluhan ako kung anong pipiliin ko. Ang dami din kasing mabango kaya naguguluhan ako. Nakapili na ako at nagdadalawang isip parin ako kung ‘to ba talaga ang pipiliin ko. Bumalik ako do’n sa isa ko pang napili at tinitigan yun at nag iisip parin. “Mas mabango yung isa, Ms. Sungit.” Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses na yun. “Ayy palaka!” Sigaw ko sa gulat ng paglingon ko ay sobrang lapit niya sa ‘kin. Agad akong umatras palayo sakanya at baka isipin pa ng mga tao ay jowa ko siya. Eww. “Ano na naman ginagawa mo dito? Sinusundan mo talaga ako no?!” Tanong ko sakanya habang masamang nakatingin sakanya. Tumingin naman siya sa ibang deriksyon at parang may tinuturo. “Sinasamahan ko lang ang kaibigan ko bumili ng perfume.” Sagot niya kaya napasunod ako sa tinuro niya. Nakita ko naman ang kaibigan niyang si Death na seryosong tumitingin sa mga perfume sa di kalayuan. Ibinalik ko ang tingin ko sa pangit na nasa harapan ko. “Ahh.. yung pogi.” Sagot ko pa kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Gwapo na sa’yo yun?” Tanong pa niya sa walang emosyon na boses. “Oo. Ang gwapo kaya ng kaibigan mo. Ang yummy pa. By the way, single ba siya? Ireto mo naman ako sakanya.” Pang aasar ko dahil halatang naiinis siya. Hindi ko alam kung bakit siya naiinis pero nag e-enjoy ako na asarin siya. Ito lang pala ang katapat niya. “May mahal na yun. Since birth ng babaeng mahal niya kaya wag ka ng umasa!” Sagot niya sa pagalit na boses. Ngumuso naman ako. “Sayang naman! Ang gwapo kasi talaga niya. Alam mo yun nang makita ko siya kanina ay nag heart-heart ang mga mata ko.” Pang aasar ko na naman kahit hindi naman totoo. Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko at napag desisyonan na yung isa nalang talaga ang kukunin ko. “Eh ako? Gwapo ba ako?” Biglang tanong ng lalaki kaya muntik kong mabitawan ang hawak kong perfume. Lihim akong natawa dahil sa boses niya na parang nagtatampo. Tumingin ako sakanya at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. “Hindi. Puro kahanginan lang ang nakikita ko sa’yo eh,” sagot ko saka ako umalis sa harap niya. Natatawa talaga ako sa pagmumukha niya. Pumunta ako sa counter at mas lalong natuwa dahil wala pang customer na nagbabayad. Dali-dali akong pumunta do’n at inilapag sa table ang pinili ko. Kumuha na din ako ng pera saka ko inabot sa babaeng cashier. Ngunit habang naghihintay ako ay biglang may matigas na bagay ang dumikit sa likuran ko. Nanlaki pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mas matigas na bagay na tumama sa may balakang ko. Alam ko kung ano yun at naiinis ako dahil ari yun. Pakiramdam ko ay sinadya niyang idikit ang katawan niya sa likod ko. “Pasali na din nito, miss.” Sabi ng lalaking bastos. Sa boses palang niya ay kilala ko na kung sino. Agad kong nilingon ang lalaki at pinukol siya ng masamang tingin. “Bastos!” Galit ba sigaw ko sakanya. “Oops, sorry. Nasagi.” Sabi niya na halatang labas sa ilong ang pag so-sorry. “May malaki namang space ahh.. bakit dito ka pa talaga didikit sa likod ko!” Sigaw ko sakanya. Bahala na kung lumapit ang guard samin. Ipapadampot ko talaga ang bastos na ‘to. “Hindi ko naman sinasadya, Ms. Sungit. Akala ko kasi pader ka na nakatayo diyan eh,” sabi niya na halatang nagkukunwari. Makakapatay na talaga ako ng tao ngayon. Damang dama ko pa naman ang matigas na bagay sa gitna ng mga hita niya. Agad kong iniwas ang mukha ko ng pumasok sa isipan ko kung gaano kalaki ang alaga niya. Piste! Hindi na yata mawawala sa isipan ko ang imagination ko patungkol sa batuta niya. Baka mabatuta pa ako. Hindi na ako sumagot pa at dali-dali kong inabot sa babae ang binili kong perfume. Lumabas ako ng shop at deri-deritso ang lakad ko para makalayo ako sa lalaking yun. Sa sobrang pagmamadali ko ay nawala sa isip ko ang sukli. Kasalanan talaga ‘to ng manyak na yun eh. Sayang din ang 100, pambili ko ng ulam mamaya. Nang makalabas ako ng mall ay agad akong sumakay ng triycle para magpahatid sa napili kong Spa. Medyo malayo kasi kaya kailangan ko ng sumakay. Naiinis parin ako habang naalala ang bakat na bakat na alaga ng hinayupak na yun. Kailangan ko talagang hugasan ng maayos ang pang- upo ko mamaya kapag nakauwi ako ng apartment. Kadiri talaga ang lalaking yun. Sinusumpa ko talaga siya na sana lumiit ang sandata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD