Violet’s Pov
NAKAUWI na ako galing sa bar na pinapasukan ko at ako na naman mag-isang naglalakad pauwi kanina. Wala yung mga kasama kong babae dahil may humila sakanila papunta sa hotel. Si Luke naman ay may pupuntahan pa daw kaya hindi ko siya kasabay din umuwi.
Nang makapasok ako sa loob ng apartment ay agad akong umupo sa kama habang tinatanggal ang suot kong heels. Ang sakit na talaga dahil sa kakalakad ko kanina. Idagdag pa talaga ang todo iwas ko sa mongoloid na lalaki na nagbayad ng 250k para maka table lang ako.
Hindi ako lumapit sa table niya kaya napagalitan ako ng boss namin. Tinatanong niya ako kung bakit hindi daw ako pumayag eh makikipag usap lang naman daw at hindi naman ako dadalhin sa kung saan. Kung sa ibang lalaki yun at ganun lang naman ang gusto ay papayag ako. Pero kung ang mayabang lang din naman ay wag na. Ibalik ko nalang ang 250k niya at maghanap nalang siya ng ibang babae na pwede niyang kausapin.
Pabagsak akong humiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. Napabuga pa ako ng hangin dahil sa pagod na nararamdaman ko. Minsan talaga gusto ko ng sumuko at maging kamote nalang sa paligid.
Tinatamad na akong magpalit ng damit pero dahil galing ako sa bar ay bumangon nalang ako at lumapit sa lagayan ko ng damit at kumuha ng cycling at malaking tshirt. Nang makakuha ako ay agad akong pumasok sa banyo para maghilamos na din ng mukha dahil sa make up. Nag half bath na din ako para malinis na din ang katawan ko.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng banyo at agad na humiga sa kama. Inaantok na talaga ako kaya hindi na ako kakain pa.
Namimigat ang talukap ng aking mga mata kaya hinayaan ko na lamang at tuluyang nagpalamon ng antok.
Naalimpungatan lamang ako ng may marinig akong katok sa labas ng pinto. Sigurado ako na mga kasamahan ko yun kaya kahit antok na antok pa ay bumangon pa din ako. May mga duplicate naman sila ng susi pero hindi parin naman nila mabubuksan ang pinto dahil nag double lock ako dito sa loob.
“Violet..” tawag nila sa ‘kin habang kumakatok parin sa labas ng pinto. Naglakad ako papunta sa pinto saka ko binuksan yun. Nakita ko ang mga kasamahan ko sa trabaho na halatang pagod na pagod. Alam ko naman ang ginawa nila kaya tumalikod na ako at bumalik sa kama.
Humiga ako habang ang mga kasamahan ko ay pumasok sa loob. Nagising na talaga ang diwa ko kaya kinuha ko ang aking cellphone na nasa tabi ko lang din at tinignan kung anong oras na. Nakita ko naman na alas 11 na pala.
Huling pumasok si Chimmy na may dala pang bouquet. Nakahanap yata ng mayamang matanda dahil halata sa pagkaka ayos ng bulaklak ay mamahalin.
Ngunit agad na kumunot ang noo ko ng lumapit siya sa ‘kin at inabot ang bouquet. “Anong akala mo sa ‘kin.. patay?” Pagbibiro ko pa.
“Gaga! Pinapabigay ng lalaki na gusto ka na maka table kagabi.” Sabi niya kaya nalukot ang mukha ko at hindi ko tinanggap ang bouquet.
“Naku, sa’yo nalang yan. O kung gusto mo itapon mo nalang. Ayaw ko niyan!” Saad ko saka ako tumagilid ng higa.
“Masyado ka talagang harsh do’n kay papa pogi. Ang swerte mo nga eh, ikaw ang gusto makausap. Kung ako lang yun ay naku, baka hindi lang usap ang gawin ko.” Sabi ng isa kong kasama sa trabaho na lima ang anak sa Manila. Pero puro panganay.
“Eh gusto mo pala eh ‘di ikaw makipag usap.” Sagot ko naman sa sinabi niya.
“Yun na nga eh, ayaw naman niya sa ‘kin. Ikaw ang gusto pero maarte ka naman.” Sabi niya kaya pumitik ang ugat ko sa noo.
“Maarte? Ako? Talaga! Hindi kasi ako katulad mo na mabilis mauto.” Saad ko na may halong pang aasar. Uto-uto naman talaga siya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at narinig ko lang ang mahina niyang sinasabi. Pabulong-bulong pa siya. Kung may gusto pa siyang sabihin ay lakasan niya. Pumasok pa talaga siya sa banyo at malakas na isinara ang pinto.
“Naku, nasaktan ang damdamin ni ateng..” natatawang sabi ni Chim. Lumingon siya sa ‘kin at inabot na naman ang hawak niyang bouquet. “Kunin mo na ‘to, be. Baka pagalitan ako ni pogi at baka sabihin na hindi ko inabot sa’yo.” Saad pa niya kaya napabuga ako ng hangin saka ako bumangon.
Kinuha ko nalang ang bulaklak kahit labag sa kalooban ko. Inilapag ko lang din sa sahig at pinabayaan ko lang do’n.
“Uy, Chim, baka tinatanong ng lalaki ang pangalan ko ha! Wag mong sasabihin ha!” Sabi ko kay Chim.
“Nagtanong nga, pero wag kang mag alala hindi ko sinabi ang pangalan mo. Ang sinabi ko lang ay baka magalit ka. Kaya ayon, hindi na niya ako pinilit pa.” Nakangiting sagot ni Chim kaya tumango ako.
Ayaw ko talagang malaman ng lalaking yun ang pangalan ko, ayaw ko din malaman ang pangalan niya.
Natulog nalang ulit ako para may lakas ako mamaya para pumasok ng trabaho. Tanging hiling ko lang talaga ay sana hindi pumunta ang lalaking yun sa bar. Kahit sana isang beses man lang.
Dumating ang gabi at duty na naman. Nauna na kami ni Chim pumunta sa bar dahil ang babagal ng mga kasama namin kumilos. Nauna kasi akong naligo at sumunod si Chim sa ‘kin.
Hindi din ako iniimikan ng babaeng na kasagutan ko kanina at wala naman akong planong mag sorry sakanya. Hindi naman mapapanis ang laway ko kung hindi kami mag iimikan. Duh
Inayos ko na agad ang mga kailangan dahil ako ngayon ang cashier. Mabuti nalang din para hindi ako mag serve ng mga alak. Masakit pa kasi ang mga paa ko at binabalak ko pa sana na mag day off ngayon. Hindi lang kasi masakit ang mga paa ko kundi masakit din ang puson ko kaya siguro mabilis uminit ang ulo ko. Meron kasi ako ngayon kaya mabuti nalang din at nasa cashier ako naka assign.
Nag umpisa ng pumasok ang mga customer kaya yung mga kasama ko ay kinuha na ang mga order nila. May dj naman din kami at ang lakas ng music para makatawag atensyon ng mga tao at maglasing dito sa bar namin.
May katabi pa kasi kaming bar na tinapatan ang bar ng boss namin kaya dapat talaga galingan ng dj namin. Kaya nga kahit ayaw ko sa isang tao ay napipilitan akong ngumiti kahit inis na inis ako.
Pagabi ng pagabi at padami din ng padami ang customer na pumapasok. Hindi naman ako masyadong pagod dahil may upuan naman ako. Susulitin ko na cashier ako ngayong gabi dahil malamang bukas ay serve na naman ako.
Nag ce-cellphone ako at nag s-scroll ng SPA para naman makapag relax ako. Balak ko talagang mag day off bukas. Habang seryoso akong naghahanap ay may narinig akong tumikhim sa harapan ko. Dali-dali akong nag angat ng tingin at nakita ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko. Nakangiti pa talaga siya sa ‘kin habang nakatayo sa harapan ng bar counter.
“Good evening, Ms. Sungit.” Bati niya sa ‘kin at matamis akong nginitian. Akala naman niya ang gwapo niya sa ngiti niya.
“Evening din,” napipilitan kong sabi at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko. Hindi naman siya mahalagang tao kaya bahala siya.
“Gusto ko malaman ang pangalan mo, Ms. Sungit. Pwede ko bang malaman?” Tanong niya sa ‘kin.
Nag angat ulit ako ng mukha at walang emosyon ko siyang tinignan. “Paano kung sabihin ko na ayaw ko. Titigilan mo na ba ako?” Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
“Wala sa vocabulary ko ang sumuko, Ms. Sungit. Tiyak ako na kapag nagbigay ako ng pera isa man sa mga kasamahan mo dito sa bar ay sigurado ako na ibibigay nila ang pangalan mo kasama ang apelyido mo.” Sagot niya at ako naman ang tinaasan ng kilay.
“Bakla ka ba? Bagay sa’yo magtaas ng kilay,” pag iiba ko sa usapan. Wala lang, gusto ko lang siyang asarin. Kairita kasi ang mukha niya.
“Bakla? Gusto mo lips to lips tayo. Isali mo na din ang kagatan ng labi at sipsipan ng dila.” Saad pa niya kaya napa irap ako. Kadiri! Ilang babae na kaya naka lips to lips ng butchokoy na ‘to.
“No thanks. Baka magalit boyfriend ko eh,” sagot ko saka ngumiti sakanya.
“Tsk. boyfriend? Eh sabi ng kasama mo sa trabaho na wala ka daw jowa since birth.” Sabi niya na parang inaasar ako. Napamura naman ako sa isipan ko dahil sa sinabi ng lalaki. Malamang si Chim ang nagsabi sakanya. Humanda talaga sa ‘kin yun mamaya.
Hindi tuloy ako nakasagot at agad akong nag iwas ng tingin. Tumikhim ako habang nag iisip kung paano ko iibahin ang topic. “May order ka po ba, sir?” Pag iiba ko sa usapan.
“Ikaw nga yung order ko diba? Kagabi pa nga eh,” sagot niya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil ayaw talaga niya akong tigilan. Nagdasal pa ako kanina na sana wag siyang pumunta ngayon tapos nandito na naman siya.
“Hindi po ako kasali sa alak o pulutan, sir. Kaya pwede po ba, umalis ka na sa harapan ko PO.” Saad ko na pinagdiinan pa ang dulo.
“Ano muna pangalan mo? Gusto ko malaman. Kapag nakuha ko na name mo saka ako aalis sa harapan mo,” sabi niya na inuubos talaga ang pasensya ko.
Napabuga naman akong hangin habang nag iisip. “Lorelai. Yun ang pangalan ko,” pagsisinungaling ko.
Kumunot naman ang noo niya na para bang hindi naniniwala sa ‘kin. “Lorelai? Ang ganda-ganda mong babae pero ang bantot ng pangalan mo.” Sabi niya habang natatawa pa.
Inirapan ko ang gago at hindi na siya pinansin pa. Inangat ko lang ang kamay ko at para ko siyang pinapaalis sa harapan ko na parang aso. Natawa naman siya sa ginawa ko at hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa niya.
Hinuli kasi niya ang kamay ko at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali kong hinila ang kamay ko at nandidiring pinunasan yun sa suot kong skirt. “Manyak! Lumayas ka nga sa harap ko! Alam mo na ang pangalan ko kaya pwede ba.. Umalis ka na!” Galit kong pag papaalis sakanya. Wala akong pakialam kung customer pa siya. Hindi ako natutuwa sa ginawa niya.
“See you around, Lorelai.” Sabi niya saka tumalikod sa ‘kin at nagsimulang maglakad.
Nakasunod lang ang tingin ko sa lalaki hanggang sa makarating siya sa table na may dalawang babae at umupo do’n. Napaka babaero talaga ng gago! Ang sarap niyang ingudngud sa putikan para mabura ang ngiti niya sa labi.