Chapter2

1655 Words
Violet’s Pov MAINGAY at maraming lasing ang nakikita ko sa loob ng bar at halatang nagkakasiyahan. Hating gabi na at mas lalo lang dumarami ang mga customer namin. Kanina pa ako walang pahinga at sine-serve ang mga inoorder nilang alak. Panay din ang tawag nila sa ‘kin at tinatanong kung pwede ba daw akong ka table. Naiinis na talaga ako sa mga tanong na paulit-ulit. Sinabi ng hindi ako bayarang babae at waitress lang ang trabaho ko. Tinuturo ko ang mga kaibigan ko para sila ang lapitan nila kung gusto nila magpalabas ng libog sa katawan ngunit ayaw naman nila dahil natikman na daw nila at maluwag na daw. Napaka bastos talaga ng ibang lalaki kaya minsan ang sarap ipalo ng bote sa ulo nila. Kaya ang ginagawa ko ay nag wa-walk out ako at baka makapatay na talaga ako pag hindi pa nila ako tinigilan. Umupo na muna ako sa gilid kung saan ang pwesto ng bartender dahil ang sakit na talaga ng mga paa ko. Kung pwede lang talaga mag day off at matulog buong gabi at umaga ay ginawa ko na. Pero may pangarap ako na gusto kong makuha kaya hindi ako pwedeng tamarin at mapagod. Natigilan ako ng may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ang kaibigan kong si Luke. Ngumuso ako sa harap niya dahil sobrang pagod na talaga ako. “Anong nangyari sayong bakla ka?” Tanong niya sa ‘kin na umupo pa talaga sa bakanteng upuan na katabi ko. Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa kaibigan ko. “Wala naman. Napagod lang talaga ako sa trabaho. Ang sakit kasi ng heels sa papa eh,” sagot ko sakanya. “Ganun talaga. Ako nga gusto ko mag suot ng heels habang nag se-serve ng alak na baklita ka.” Sabi niya na hinila pa talaga ang buhok ko. “Gaga! Eh ‘di ikaw na magsuot ng heels, ako na magsuot sa sapatos mo. Palit tayo.” Sabi ko naman na sinabunutan din ang buhok niya. “Nakakahina nga naman din kasi mag trabaho. Ako nga din nanghihina eh,” sabi niya na madramang boses. “At bakit naman daw?” Tanong ko naman sakanya. “Eh kasi naman teh.. tignan mo mga customer natin, walang mga gwapo. Pambihira talaga!” Saad pa niya kaya mahina akong natawa sa kalokohan ng baklang ‘to. Ganyan talaga siya, nagtra-trabaho pero naghahanap ng yummy na pwede daw niyang hilain sa banyo. Ewan ko nalang talaga sa kaibigan ko na napaka landi talaga niya. Pero sobrang bait at madaling lapitan kapag may problema ako. Bumalik kami sa trabaho ni Luke ng makita namin na mas lalo pang dumami ang customer. Grabe na talaga ang mga lalaki at kahit pa mga babae ay nandito din sa bar nag iinuman. Napapatanong na nga lang ako sa aking sarili kung wala bang naghahanap na pamilya sakanila at ang iba sa kanila ay magdamagang talaga na nandito sa bar hanggang sa magsara kami. Ang dami ko ng nakitang mga lalaki na lasing na hinihila ng mga bouncer namin palabas dahil sa hindi na kayang maglakad dahil sa kalasingan. Yung iba naman ay nanghahamon na ng away at ang mas worst pa ay pati ang bote ng alak ay binabasag. Nakaka stress minsan ang trabaho pero alam ko naman kayang kaya solusyunan ng mga kasamahan ko ang mga nag wawalang mga customer. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bar at hinanap ang table na umorder sa kasama ko. Nag cr muna kasi siya kaya ako na muna ang maghahatid sa alak. Nahanap ko ang table ng lalaki na nakatalikod sa gawi ko kaya tinungo ko yun habang naka plastar ang ngiti sa labi ko. Nakarating ako sa harap ng lalaki at agad nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang lalaking yun. Halos napamura ako dahil hindi ko man lang napansin na pumasok siya sa loob ng bar. Siguro ay pumasok siya nang pumunta ako ng banyo kaya hindi ko siya nakita. Ang malas ko naman ngayong gabi at siya pa talaga ang nakita ko. Agad na ngumiti sa ‘kin ang lalaki at kuminang ang hikaw niya sa kanyang ilong. Nakakainis talaga ang mukha niya at nakaka init ng ulo. “Hi!” Bati pa niya sa ‘kin habang nakangiti. Ngumiti ako ng napipilitan at inilapag sa table niya ang inorder niyang alak. Kailangan ko paring ngumiti kahit gustong gusto ko na siyang palabasin ng bar. Hindi naman ako ganun ka bastos sakanya basta ba wag lang niya iha-harang ang mukha niya na feeling gwapo. “Ito na po ang order mong alak, sir. Enjoy your drinks.” Saad ko pa at akmang tatalikod na sana sakanya para makaalis na ng tumikhim siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatigil ako sa paghakbang at tumingin sa kamay ko na hawak na niya. “Off limits po ang kamay ko, sir. Kaya sana bitawan mo bago ko tawagin ang bouncer namin dito sa bar.” Saad ko habang walang emosyon na nakatingin sa lalaki. “Oopss.. Sorry. By the way, sasabihin ko lang sana na hindi yan ang inorder ko na alak. Wrong table ka yata, miss. Gusto mo ireklamo kita sa manager mo?” Tanong pa niya habang nakangisi. Binitawan din niya ang kamay ko kaya napa atras ako ng konti palayo sakanya. Medyo napahiya ako sa sinabi niya dahil mali pala ang dala ko. Sakalin ko talaga ang kasama ko at mali ang binigay sa ‘kin na info. Yumukod ako sa harap niya para humingi ng pasensya. “Sorry po, sir. Hindi ko po alam dahil piansa lang ‘to ng kasamahan ko. Baka nagkamali lang po siya ng sabi ng table. Pwede ko po bang malaman kung ano po talaga ang order mo para maibigay ko po.” Saad ko sa magalang na boses. Napasunod ang tingin ko sa kamay niya na inilagay sa kanyang baba na para bang may iniisip. Kumunot pa ang noo ng binata kaya naghihintay ako kung anong o-orderin niya. “Pwede ba akong umorder ng kahit ano diba?” Tanong pa niya sa ‘kin kaya tumango ako. “Oo naman po, sir. Sabihin mo lang po.” Sagot ko naman habang napipilitan parin na nakangiti sa lalaki. Nilibot ko pa ang tingin sa pwesto ng mga kasamahan ko kung lumabas na si Chimmy para siya na ang mag asikaso sa lalaking ‘to. Hindi ko talaga kayang makipag plastikan ng ngiti sa lalaking ‘to kaya dapat lang na iba ang waitress na mag entertain sakanya. “Okay. Alam ko na ang gusto kung orderin, Ms. Sungit.” Sabi pa niya sa ‘kin na ginawan pa ako ng alyas. Yung ngiti kong peke ay nawala at pinukol ko siya ng masamang tingin. “Pwede ba.. Hindi ako masungit kaya wag mo akong tatawaging Ms. Sungit.” Saad ko habang pinipigilan na masipa ko ang mukha niya. Ngunit naisip ko na baka makita niya ang panty ko kaya wag nalang.Manyakis pa naman ang tingin ko sakanya. Manyakis na gwapo na ubod ng hangin na feeling pogi. Ang dami ko na talagang tawag sakanya dahil kainis talaga mukha niya. Ang sarap kalmutin dahil ang kinis. Bagay din sakanya ang kulay ng balat niyang moreno kaya mas lalong nakaka inis dahil ang daming tangang babae na nagkakagusto sakanya kahit babaero naman ang lalaki. “O may pangalan ka pala. Ano ba name mo para hindi na kita tawaging Ms. Sungit.” Sabi niya habang matamis na nakangiti sa ‘kin. Akala naman niya madadala niya ako sa ganyan eh hindi naman ako katulad sa ibang babae niya na isang kindat lang niya ay sumasama agad. Kung ako lang yun ay kanina ko pa tinusok mata niya gamit ang abridor. “At bakit ko naman sasabihin sa’yo? Umorder ka nalang, sir. Para matapos na ang pag uusap natin,” bored kong sabi. Halatang naaliw talaga siya sa ‘kin dahil narinig ko ang mahina niyan tawa. “Ikaw ang order ko. Pwede ba yun?” Tanong niya kaya inirapan ko siya. Sakto naman na nakita ko si Chimmy na papalapit sa pwesto ko. Agad akong lumapit sa kasamahan ko sa trabaho at binigay ko sakanya ang hawak kong tray. “Ikaw na makipag usap sa customer. Natatae ako eh,” palusot ko saka ako umalis agad at tumakbo papunta sa cr ng pangbabae. Narinig ko pa ang boses ng lalaki na tinatawag ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Pumasok ako sa banyo at umupo sa toilet bowl. Hindi naman talaga ako natatae, umiiwas lang talaga ako sa lalaking tinawag ako na Ms. Sungit. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto sa banyo ng maisipan kung lumabas na ng banyo. Naghugas na muna ako ng kamay at inayos ko na din ang buhok ko habang nakatitig sa malaking salamin. Nang matapos ako ay lumabas na ako at nakita si Chimmy na nakatayo sa gilid ng pintuan. Kumunot ang noo ko dahil para siyang may hinihintay. “Magbabanyo ka din ba?” Tanong ko pa sakanya. Umiling naman siya bilang sagot. “Hindi. Ikaw talaga hinihintay ko, Violet. Yung customer kasi kanina ay ikaw ang ino-order eh. Hayp na yan! Nagbayad ng 250k para lang maka table ka. Kaya puntahan mo na do’n dahil bayad na yun.” Sabi ni Chimmy kaya nanlaki ang mga mata ko. “What?” Gulat na gulat kong tanong. Piste talaga ang lalaking yun. Talagang gusto na niyang makita si San Pedro dahil sa ginagawa niya. Gusto ko na talaga siyang banatan at baliin ang mga buto niya sa daliri. Ang hayop na yun! Ang kapal ng mukha para bayaran niya ako. Nang gigil talaga ako sa lalaking yun. Bahala siya sa buhay niya maghintay sa ‘kin. Anong akala niya sa ‘kin, easy to get na agad lalapit kapag may pera. Baka gusto yata niya ipakain ko sakanya ang binayad niyang pera ng magtanda siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD