Chapter 1

2224 Words
Violet’s Pov NAGISING ako ng 6PM para pumasok ng trabaho. Kung sa iba ay sa umaga sila pumapasok ng trabaho, ako naman ay sa gabi pumapasok. Hindi call center pero isang waitress sa isang bar dito sa probinsya kung saan ako naninirahan mag isa. Ang totoo niyang ay taga Manila talaga ako ngunit nag bukas ng bar ang boss ko sa probinsya ng Bicol at isa ako sa napili niya na ilipat dito. Wala naman akong magawa dahil gusto ko ang trabaho ko na waitress. Dito kasi talaga ako nag tagal kahit pa nga lagi akong puyat nong una. Pero nasanay naman na ako at masaya ako habang nag tra-trabaho. Saktuhan lang naman ang sahod ko pero sa tip ako bumabawi. Sa bar na pinapasukan ko ay uso ang magpa renta ng katawan. Yung iba kong mga kasama na waitress ay yun ang ginagawa pero depende parin naman samin kung gusto namin gawin ang bagay na yun. Ang iba ay nagbebenta ng katawan habang ako naman ay hindi. Ayaw ko talaga sa mga bagay na ganun kahit nga minsan ay napagkakamalan ako na bayaran na babae. Kahit nga hawakan ako ay nandidiri na ako paano pa kaya kung halikan at pumatong sa ibabaw ko. Baka tadyakan ko pa mukha ng lalaking mag tatangka sa ‘kin. Wala naman akong paki sa mga iniisip ng ibang tao. Pagod akong e-explain ang buhay ko kaya kung anong alam nila tungkol sa ‘kin o iniisip nila sa ‘kin ay yun na yun. Kahit masama yun ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay kumikita ako ng pera at may ipon ako. Wala akong paki sa ibang tao na puro satsat lang naman pero wala namang makain. Isang taon na din ako dito sa Bicol at nasanay na din ako na dito ako nakatira. Wala naman akong pamilya dahil lumaki ako sa bahay ampunan. Iniwan lang kasi ako ng nanay ko sa lansangan kaya naging palaboy ako bago ako napunta sa bahay ampunan. Matagal din ako naging palaboy sa kalsada at nakaka survive lang ako sa napupulot kong pagkain sa basurahan. May nakakita lang sa ‘kin na taga bahay ampunan kaya dinala ako na agad ko naman ikinapayag dahil pagod na pagod na din ako maging palaboy. Wala din kasi akong matulugan at pinapapaalis ng mga batang matatapang sa kalsada kapag humiga ako ay sasabihin nila na territoryo daw nila. Hindi naman ako makapalag lalo na’t bata pa lang ako at bagong salta lang ako sa kalsada. Naiinis ako sa nanay ko dahil sa ginawa niya. Ginawa lang niya akong pusa na iniligaw nalang sa ibang lugar para hindi makauwi sa bahay. Nag tagal ako sa bahay ampunan ng tatlong buwan hanggang sa may umampon sa ‘kin na mag-asawa na walang anak kaya ako nakalabas sa ampunan. Ngunit hindi pa lang ako nagtatagal sa bahay na yun ay lagi kong naririnig na nag aaway ang mag asawa. Minsan naman ay nasasaktan ako ng lalaki kapag nalasing siya kaya napag pasyahan ko na tumakas sakanila. Mas gusto ko pa kasing mamuhay mag isa sa lansangan kaysa naman ampunin ako pero lagi naman nag aaway at nagmumurahan. Ayaw ko kasi ng ganun, ayaw ko ng maingay at lalong lalo na ang sinasaktan ako. Kaya balik palaboy ako sa kalsada hanggang sa nag nine years old ako. Sinubukan kong pumasok sa mga maliliit na tindahan para maglinis. Kahit 10 pesos lang ang suhol sa ‘kin ay ayos lang basta may pangbili ako ng tinapay. Hanggang nga sa lumaki ako ay natuto akong mag banat ng buto para sa sarili ko. Wala naman kasi akong aasahan kundi ang sarili ko. Hanggang sa may nakilala ako na mag asawa sa simbahan. Wala din silang anak kaya inalok nila ako mag aral dahil naawa sila sa ‘kin. Laking tuwa ko no’n dahil makakapag aral na ako. Ngunit hanggang high school lang ang tinapos ko dahil sa biglaang pagkamatay ng mag asawa. Na aksidente kasi ang mga ito sa kotse kaya talagang umiyak ako dahil silang dalawa lang ang itinuring akong pamilya tapos nawala pa. Nakapagtapos ako ng high school at hindi ko na sinubukan pa mag aral ng college dahil alam kong wala akong perang pang suporta sa sarili ko. Kung ano-ano ang pinasukan kung trabaho para lang magkaroon ako ng pera. Hanggang sa nag apply ako bilang waitress sa boss ko. Dalawang taon din ako do’n sa bar niya sa Manila bago niya ako inilipat sa Bicol. Wala din akong boyfriend since birth. Masakit lang sa ulo ang mga lalaki at takot din ako na baka pag nag asawa ako ay ang mapangasawa ko ay nanakit kaya mabuti ng wag nalang. Plano ko sa buhay ay maging single hanggang sa mamatay, hindi lang single kundi maraming pera. Hindi naman sa galit ako sa mga lalaki dahil may mga kasama naman ako sa trabaho na mga lalaki din. Mga close ko pa nga sila at lahat sila ay dumaan sa panliligaw sa ‘kin at lahat ng yun ay hindi ko sinagot. Swerte naman nila kung may sagutin ako kahit isa sakanila. Pero may kinaiinisan talaga ako na lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit ako galit na galit sa lalaking yun. Makita ko palang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko. Naging customer kasi siya sa bar na pinag tra-trabahuan ko. Ako ang unang nag serve sa kanya ng inorder niya at nainis ako sa pagkamahangin ng gago. Feeling gwapo kasi ang potek. Oo, alam kung gwapo nga siya. Pero hindi naman niya kailangan ipagmayabang yun na parang tanga. Inis na inis pa ako dahil kapag nagtatagpo ang tingin namin dalawa ay kinikindatan niya ako. Sa inis ko ay iniirapan ko talaga siya at hindi pinapansin. Pakiramdam ko ay talagang sinasadya niya akong asarin dahil panay ang punta ng lalaki sa bar. Napaka babaero pa dahil iba-iba ang kasamang babae na kasama niya. Naglalandian pa talaga kaya mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa lalaki. Iniisip ko nga na baka maliit naman ang putotoy niya pero ang lakas ng loob niya mag iba-iba ng babae. Mga lalaki talaga ay hindi talaga nakokontento sa isang babae. Dapat talaga nilalagyan ng sili ang putotoy nila para magtanda. Akala ko nga ay sa bar ko lang makikita ang lalaki pero kahit pala sa pagpunta ko sa grocery ay makikita ko siya. Ganun parin, may kasama parin siyang babae na halos makita na ang dibdib dahil sa suot nito. Papalit palit talaga ng babae ang lalaki na para bang nagpapalit lang ng damit. Kaya nasabi ko nalang talaga sa sarili ko ay tanga lang ang papatol sa lalaking pogi s***h babaero. Gusto lang nila matikman ang lalaki kaya siguro pumapayag sila kahit pa nga alam nila na babaero ang lalaki. Pero kung ako yun baka sinipa ko na ang mukha niya ng magtanda siya. Akala naman niya lahat ng babae ay magkakagusto sakanya. Hindi porke’t meron siyang angkin na kagwapuhan at matipunong katawan ay magkakagusto na ako sakanya. Malaking ekis siya sa ‘kin lalo na’t napaka babaero niya. Sana nga ay hindi na siya pumunta ng bar para hindi na masira ang gabi ko. Mukha pa lang niya kasi ay nakakasira na ng gabi. Inunahan ko na ang mga kasamahan ko sa apartment maligo dahil ang babagal nilang kumilos. Sa iisang apartment kasi ay magkakasama ang mga babae, sa ibang room naman ay ang mga lalaki. Boss namin ang nagbabayad ng upa para samin. Ngunit ang iingay talaga ng mga kasama kong babae kaya naiinis ako. Bago pa yan sila matulog ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan pa yan sila. Pumasok ako ng banyo at agad na nagtanggal ng saplot sa katawan. Itinabi ko lang din ang susuotin kong itim na skirt at red polo blouse. Ito kasi ang uniform namin, maikli kaya lagi akong nag c-cycling. Mahirap na baka masilipan pa ako ng mga manyak sa bar. Mabilisan ang ligo ko lalo na’t alam ko na may susunod pa sa ‘kin. Kanya- kanya kami ng gamit ng sabon, yung iba kasi nag iisahan eh hindi naman sila magkakamag anak. Napaka eww kaya yun lalo na’t kung sino- sino pa naman ang gumagamit sakanila. Hindi ko naman sila masisisi at hinahayaan sila sa gusto nila. Wala namang problema yun sa ‘kin pero gamitan ng sabon iba ng usapan yun. Lahat naman kasi kami kailangan ng pera parang ako din. Gustong gusto ko kasing lumipat ng titirahan. Yung boss ko kasi ay talagang dito na talaga ko inassign sa Bicol kaya gusto ko ng bumili ng bahay kahit maliit lang. Wala naman din kasi akong pamilya na babalikan sa Manila. Hindi katulad sa mga kasamahan ko na may mga pamilya na kailangan balikan, parang si Luke nando’n ang mga magulang niya kaya gusto niya magbakasyon do’n kahit papano. Lahat naman ng mga kasama ko ay may mga pamilya sa Manila, yung iba nga may mga asawa eh pero nagpapatira pa din sa ibang lalaki dahil kapalit no’n ay pera. Kaya nasa kanila talaga yun kung gusto nilang ibenta ang katawan nila. Basta wag lang sila saktan ng mga customer nila at talagang tutulong si boss namin. Natapos akong maligo kaya kinuha ko ang t’walya at pinunasan ang katawan ko. Pati ang mahaba kong buhok ay pinunasan ko para mawala kunti ang basa. Nang matapos yun ay agad akong nag bihis. Sa banyo na ako nagbihis para naman hindi ako haharang-harang do’n sa labas. Natapos akong magbihis kaya pinaikot- ikot ko ang t’walya sa buhok ko. Lumabas ako ng banyo at nakita ang isa kong kasama na nakahanda na din ang t’walya at halatang hinihintay akong lumabas. Tinungo ko ang kama namin saka ko umupo. Kinuha ko din ang make up kit ko para ayusan ang mukha ko. Blush on at lipstick lang ang ginagawa ko sa mukha ko at baka tigyawatin ako pag maraming make up akong ilagay sa mukha. Light lang talaga ang ginagawa ko, minsan nga ay lipstick lang ang ginagawa ko. Inaayusan ko lang ang sarili ko at tinanggal ang t’walya na nasa buhok ko para suklayin at patuyuin dahil itatatali ko ang buhok ko sa bun. Mahaba kasi ang buhok ko at ayaw ko ng sagabal sa mukha ko kapag may trabaho ako. Yung mga kasamahan ko ay busy na kung sino ang susunod na maliligo. Lima kasi kami sa apartment. Yung ibang mga kasama namin ay taga Bicol naman kaya may mga bahay sila na inuuwian. Kami lang na galing sa Manila ang nasa apartment. Sa boys naman na room at apat sila kaya tuwang- tuwa si Luke dahil all boys daw kasama niya. Ang lantod talaga ng baklitang yun. Si Luke lang talaga ang close ko, friend ko naman silang lahat pero mas close ako kay baks. Alam nga niya talambuhay ko eh, at naawa siya sa ‘kin dahil sa ginawa ng nanay kong magaling. Ngayon nga na malaki na ako ay naisip ko na mabuti na lang din na iniwan niya ako sa kalsada. Dahil sa ginawa niya kasi ay mas naging matatag ako sa buhay kahit mag isa ako. Wala na akong balak hanapin pa siya, para saan pa, eh iniwan na nga niya ako sa kalsada kaya ibig sabihin lang no’n ay ayaw niya sa ‘kin. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa mga taong hindi ako gusto. Mamuhay nalang ako ng mag- isa total naman kaya ko naman buhayin ang sarili ko. Alam ko naman na utang na loob ko din sa nanay ko na pinanganak niya ako sa mundo pero sana nga hindi na niya ako pinanganak kung hindi naman pala niya ako kayang buhayin. Ganun lang naman yun eh, matapos bumukaka at umungol sa sarap ay itatapon na kapag may nabuo. Mga siraulo din sila eh, papasok sa ganong bagay pero hindi naman pala mapangatawanan ang pagiging magulang. Natapos na ako mag ayos kaya hinihintay ko nalang ang mga kasama ko na matapos para sabay- sabay na kami pumunta sa bar. Malapit lang naman mula dito sa tinutuluyan naming apartment. Kaya kayang-kaya lakarin. Natapos na din sa wakas ang mga kasamahan ko kaya lumabas na kami ng apartment. Yung isang kasama ko na ang nag lock ng pinto. Yung mga kasamahan ko naman na lalaki ay nauna na pala samin pumunta ng bar kaya kami nalang mga babae ang pupunta. Dapat kasi talaga maaga sila kaysa samin para sila ang mga open ng bar. Sila ang mag ayos ng mga table. Lumabas kami ng apartment at agad na naglakad patungo sa bar na pinapasukan namin. Nasa unahan ako naglalakad ng tahimik habang ang mga kasamahan ko ay nasa likuran ko at panay ang daldal ng kung ano-ano. Hindi ako sumasagot dahil ang topic nila ay tungkol sa cliente nila kagabi. Ako lang kasi ang umuwi ng 6AM sa apartment dahil silang apat ay may mga cliente. Kaya 10AM na sila naka uwi sa apartment namin. Ayos na din yun dahil nakatulog ako ng maayos at walang maingay sa loob ng apartment. Ewan ko ba, ayaw ko ng maingay pero sa bar naman ako nag tra-trabaho na mas maingay pa. Magulo din talaga ako minsan. Ganito lang ang daily routine ko, tulog sa umaga, gising sa gabi para mag serve ng alak sa mga customer na minsan ay masarap paluin ng bote dahil sa lagi akong tinatanong kung magkano daw ang gabi ko. Mga walangya talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD