"I can give you anything you want, Love... Money, fame, name it? You can have all of it, just be my wife."
-Drake-
❤️❤️❤️
.
TAHIMIK lang din si Diego na nagmaneho at gayon din ako. Nakabibingi ang katahimikan at parang umurong lang din ang dila ko. Hindi na tuloy ako makapagsalita. Panay pa ang tingin ko sa labas ng binta ng kotse.
I'm trying to memorize every trademark around the area. I would be lying to myself if I don't feel nervous because my heart is beating so much in fear.
Nabaliw na ka na ba, Betty? Ba't ka sumama?
Ang talino kong tao, c*m Laude pa, pero ang tanga lang din pagdating sa ganitong bagay! Na praning na siguro ako kanina. Tumikhim na ako para magsalita.
"Um, malayo pa ba tayo, Diego?"
Hindi na siya nagsalita kaya kinabahan na ako, at para mawala ang kaba ko ay nagsalita ulit ako sa kanya.
"Taga-saan ka ba, Diego? Ako kasi taga Bohol, probinsya ng San Miguel," sabay lunok ko.
"Taga Italya, Madam," tipid na tugon niya. May kong anong kumalabit sa puso ko ng marinig ang Italya sa kanya.
What the - don't tell me?
Mas kinabahan lang din ako ngayon at mas napalunok na. Napansin ko na papasok kami sa isang ekslusibong subdivision ng syudad. Tanging mga mayayaman lang ang nakatira rito at ang iba ay may mga posisyon sa goberyno.
The heck, ano ba 'tong pinasok ko?
Napayuko na ako at pasimpling kinuha ang cell phone. Nag send ako ng mensahi kay Jason. Mabuti na lang at may free data, na kahit wala akong load ay makakapag send pa din ako ng mensahi sa kanya. Binigay ko ang location ko sa kanya.
Pero ano pa nga ba ang maasahan ko sa isang playboy na Jason? Madalas hindi niya binabasa ang mga mensahi ko. Pesti lang din ah!
.
Nahinto ako nang makita ang lawak ng harden nang makapasok kami sa malaking gate. Naalala ko, ganitong ganito talaga ang nakita ko sa magazine na bahay ng mga mayayamang tao, mala palasyo ang lawak ng bakuran.
Nakahinga lang din ako nang huminto na sa pagmaneho si Diego at agad na lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan niya agad ako.
Nalibot ko pa nang tingin ang kabuuan nito. Nasa pinakatuktok kasi ang bahay na ito, at nang lumingon ako ay kitang kita ko ang bawat bahay sa baba.
Napapalibutan naman ng mga malalaking puno ang bakuran dito. In fairness parang wala ako sa Cebu, at parang nasa ibang bansa ang bahay na 'to.
.
"Pasok po tayo, Madam."
Sumunod lang din ako sa kanya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon. Inisip ko kung masamang tao si Diego kanina pa sana niya ako pinakitaan nito. Pero wala naman, mukhang okay naman siya.
Maingat lang din akong humakbang sa bawat hagdanan papasok sa malaking pinto ng bahay.
Mula sa loob ay may isang lalaki nag nagbukas nito. Pormal ang tindig niya at matigas ang guhit ng pagmumukha nito. Bahagyang yumuko siya sa akin at ngumiti lang din ako sa kanya.
"Sige, Jet, sa labas muna ako," si Diego sa kanya.
Tumango siya kay Diego at agad akong napalingon kay Diego ngayon. Kumunot pa ang noo kong tinitigan siya. Tipid lang din siyang ngumiti sa akin.
"Dito po tayo, Madam Betty."
"Ha?"
Ang weird nila ba't panay Madam ang tawag sa akin. E, 'di naman ako mukhang Madam ano? Mukha na ba akong kwarenta para gawing Madam? E, halatang mas matanda pa sa akin ang mga mukong na 'to!
Tahimik lang din akong nakasunod sa kanya. Namangha pa ako sa bawat sulok na nadadaanan namin. Puno kasi ng mamahaling paintings ang hallway ng bahay at vintage collections na mga gamit. Kahit papaano ay may alam naman ako pagdating sa mga ganitong bagay. Dito kasi nakukuha ang interest ko, sa mga luma at mamahaling collection.
Bumungad sa harapan namin ang nakamamanghang harden. May maliit na puting mesa na yari sa bakal. Maganda ang desenyo at ukit sa gilid. Nilahad niya ang upuan para sa akin.
"You can wait here, Madam." Yuko niya at umalis na siya sa harapan ko. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makapasok na siya sa loob.
Nilibot ko agad nang tingin ang buong paligid. Ang ganda nga naman dito, at nakaka-relax sa mata ang bawat halaman sa harden. Nilagay ko lang ang bag sa upuan at isa-isa kong tiningnan ang bawat halaman sa gilid.
"Ang ganda mo," lihim na saad ko sa bulaklak.
Halos magulanta ako sa kaba nang tumikhim siya sa likurang bahagi ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo, dahil naaliw ako sa bawat bulaklak na nandito. Humarap agad ako sa kanya. Parang huminto ang ikot ng mundo ko nang makita ang kabuuan niya.
He's standing like a god with an authority. His brow furrowed while looking at me. He look at me from my head down to my feet, and back again until our eyes met. A flick of magic was heard inside me.
Kinabahan ako at napalunok pa sa sarili nang tinitigan siya. Kumunot lang din lalo ang noo niya.
.
"Elizabeth 'Betty' Del Canor," baritonong boses niya.
Mas bumilis lang ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses niya. Even though his voice is way too dominant but it somehow soothes me. Nakakawindang ito at ma-authoridad pa, at tagos sa puso na hindi ko maiintindihan. Mas napalunok na ako habang pinagmamasdan siya.
"Hi, yes?" napakurap na ako sabay kagat sa dila ko.
What the hell is happening to me? Ngayon lang ba ako nakakakita ng gwapo at matipunong ginoo? Dios ko! At naging makata na tuloy 'tong utak ko! Ano ba, Betty!
Humakbang siya palapit sa akin at mas inayos ang postura niya. He cleared his throat and offer his hand for a handshake. I look at him, I look at his hand.
"Drake Lucas Del Fiore," tiim-bagang niya.
But what captured my attention was the tattoos around his hand. Malinis naman ang kamay niya, pero sa tribal na tattoo agad nabaling ang atensyon ko. Kinilabutan lang din ako.
It's actually beautiful. It creates a pathway up to his muscles on top. At talagang nilakbay ko pa talaga ito nang tingin patungo sa braso niya. Hindi ko na makita ang kabuuan nito dahil sa suot niya.
Naka-rolled up sleeve top na hanggang braso. Pormal na damit at pormal na pangagatawan.
He seems like an executive that works on top as a CEO of a big company. Isama mo pa ang bango niya. E, 'di bonga lang din talaga! Makalaglag panga!
Tumikhim siya at napakurap ako. Nakatitig na ako ng husto sa kanya ngayon. His dark brown eyes is a mystery. Malalim ang titig nito. Matigas at makapangyarihan na parang walang kinatatakutan. Umigting ang tainga ko nang maalala na pamilyar sa akin ang pangalan niya.
"Drake?" Kunot-noo ko.
"Hmm?" Taas kilay niya.
"Did you happened to met my parents?"
Alam ko kinakabahan ako ngayon. Pero napa-english na tuloy ako nang tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi hindi siya ang taong hindi marunong magsalita ng tagalog.
"Yes. Please sit down, Betty."
Kinuha ko ang bag at umupo rito. Niyakap ko lang din ito sa harapan ko. Gumuhit lang din ang pilit na ngiti sa labi niya nang makita ang pagyakap ko sa bag ko. Hindi muna siya umupo at sumenyas lang din sa tao na nasa likod.
"Jet, as normal please."
Yumuko lang ito sa kanya at umalis na. Napako lang din ang paningin ko sa kanya ngayon. Umupo na siya sa harapang bahagi ng maliit na mesa. Nakaharap siya sa akin ngayon.
"Congratulations for being a c*m Laude, love," tipid na ngiti niya.
Parang nahinto ang mundo ko nang marinig ang salitang 'love' sa kanya. Nangunot na tuloy nang tudo ang noo ko. Nag marathon kasi ang puso ko na parang baliw! E, hindi ko naman maintindihan ito. Pakiramdam ko nanlamig lang lalo ang katawan ko at basang-basa na ang palad ng kamay ko ngayon.
.
C.M. LOUDEN