"I promise you'll be safe. Wala akong gagawing masama sa' yo."
-Diego-
.
TULALA kong pinagmasdan ang pera sa ibabaw ng maliit na mesa. Nasa dorm na ako at tapos na ang trabaho ko.
Kumain na din ako kanina, kanain namin ni Jane ang pagkain na bigay ni Sir Diego.
I don't know if it's formal for me to say his name. Pakiramdam ko naman kasi mabait siya. But I have this odd feeling between that person behind them inside the car. Medyo kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba!
Humiga na ako sa kama. Gusto ko sanang mag-isip pero blanko din naman ang utak ko.
This five thousand pesos is my one month salary as a part time job. It can pay my dormitory rent and a little extra for my allowance. Gusto kong gamitin 'to pero nagdadalawang isip ako. Nagbabasakali ako na babalik siya sa trabaho, kaya 'di ko ginasto ito. Pero lumipas na ang tatlong linggo, hindi ko na siya nakita.
Tumawag rin si Nanay, kaya pinadala ko na ang kalahati sa kanya para sa gamot ni Papa. At tinabi ko lang din ang kalahati. Kung makikita ko siyang muli, ay magpapasalamat ako ng tudo sa kanya.
.
WALA na ako masyadong ginagawa sa Unibersidad at puro practice na para sa graduation. Kahit na kasali ako sa rehersal ay hindi pa rin ako mapakali.
How can I be at peace when I can't even pay the remaining debt that I have?
I even talked to our Department Dean, and he helped me by making a letter of reconsideration. Sana nga lang ma-approve ito.
Patapos na din ang part time na trabaho ko. Dalawang linggo na lang din at matatapos ko na ito. Anim na buwan lang ang kontrata ko at ayaw ko ng mag-renew. Plano ko kasi mag-apply ng ibang trabaho na naayon sa natapos ko.
I will do my review in preparing for the board licensure exam. I can fully accept tutorials for my allowance too.
.
Isa-isa kong inayos ang mga gamit ko sa dormitory. Malapit na ang graduation kaya't kaliwa't kanan na ang bawat gastusin. Nahinto ako sa ginagawa dahil sa tawag ni Nanay sa cellphone. Napatingin pa ako sa relo. Alas utso na ng gabi. Nakapagtataka lang din, dahil hindi naman tumatawag si Nanay sa akin ng ganitong oras. Madalas kasi sa umaga siya.
.
"Hello, Nay?"
"Betty, anak. Kumusta? Okay na ba ang lahat?" siglang boses niya.
"Okay naman po, Nay. Si Papa? Kumusta?"
"Okay lang, anak. Heto nagpapahinga na..."
Rinig ko pa ang pagtikhim ni Papa. Halatang nasa tabi lang siya ni Nanay ngayon.
"Luluwas kami para sa graduatio mo, Betty anak."
Napangiti ako. May lagpas dalawang linggo pa bago ang graduation ko. Napag-usapan na namin 'to ni Nanay at Papa noon. Alam kong gagastos na naman sila ng pamasahe. Pero huli na ito, dahil matatapos na ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Hindi ko pa nga sinabi sa kanila na nakuha ko ang c*m Laude ng taon na ito.
"Sige, Nay. Susunduin ko kayo ni Tatay. Nagpaalam nadin po ako sa land lady namin na pansamantala dito kayo matulog ng dalawa araw," ngiti ko kahit na wala silang dalawa sa harap ko ngayon.
Anak, Betty. May hindi ka ba sinasabi sa amin ng Papa mo?"
Nahinto lang din ako sa pagligpit ng gamit at umupo na sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cell phone at nilagay it sa tainga ko ngayon. Naka loud speaker kasi ito kanina.
"Ho? Na ano po, Nay?"
Okay, I haven't told them that I'm graduating as a c*m Laude. Iyon ba? E, 'di sasabihin ko na. Pinapakaba naman ako ni Nanay nito ng kong ano na!
"Oo po, Nay. c*m Laude po ako ng taon na ito, Nay, Tay, para po sa inyo ito. Sorpresa ko sana..." Ngiwi ko. Tinaas ko na rin ang paa ko sa ibabaw ng kama.
"Wow! Kahit kailan talaga ang talino ng anak ko!"
Halata ang excitement sa boses niya. Rinig ko pang sinabi niya ito kay Papa. Napangiti na ako at nakaramdam ako ng init mula sa puso ko. Bilang nag-iisang anak nila ay sa wakas matatapos nadin ako. Matutulungan ko na sina Nanay at Papa nito.
"Congratulations, anak. Ang galing mo anak, Betty," si Papa. Halata din ang sigla sa boses niya.
"Pero anak. Iyan lang ba ang sasabihin mo sa amin ng Papa mo? Wala na bang iba?"
"Ang alin po, Nay?"
Kumunot lang din ang noo ko at nalito na. Naisip ko baka ang bayarin sa school ang iniisip niya.
Hay naku! Napapikit mata na ako sa sarili.
As much as possible I don't want to tell it to them. Gagawan ko na lang ito ng solusyon. Marami namang paraan para mabayaran ko ito. Alam ko naman na makakayanan ko itong bayaran. Hindi nga lang isang bagsakan.
"Noong isang buwan anak. May naghahanap sa 'yo rito. Tapos nagpakilala na boyfriend mo raw siya. Mabait nga at may dala pang pagkain at pasalubong."
"Ho?! Sino?"
Mas nalito na tuloy ako ngayon sa sinabi niya at hindi na tuloy maintindihan ito ngayon. Mas kumunot lang din ang noo ko.
"Bumalik sila noong isang araw, anak. Nagpasalamat nga kami ng Papa mo ng tudo dahil sa tulong niya. Binayaran niya kasi ang utang natin sa hospital. Nakakahiya naman sa boyfriend mo anak, Betty."
Napaawang lang din ang bibig ko ngayon habang nakikinig sa kanya.
Anong boyfriend? Ako may boyfriend? At sinong nagbayad sa utang? Ano ba 'to? Prank ba 'to? Hindi na nakakatawa ah!
"Nay? Hindi naman siguro 'to prank ano?" Kunot-noo ko at nakanganga pa ngayon. Nakakabaliw lang ito!
"Ano, anak? P-prank? Ano 'yan anak? Hindi prank ang pangalan niya, anak. D-drake 'ata iyon? Oo, Drake nga! Drake," utal na tugon ni Nanay.
Pinaikot ko lang din ang mga mata ko at umiling-iling na. Wala nga naman talagang kaalam-alam ang mga magulang ko sa ano mang mga bagay sa mundo.
Their innocent mind and behavior is well preserved. Inosente sila pareho ni Papa, at pareho rin silang hindi natapos sa elementarya. Kaya buto't balat silang dalawa at kayod kalabaw para makatapos lang din ako ng pag-aaral. Kaya mahal ko sila ng sobra, sobra.
"Drake, anak, Drake," ulit ni Nanay.
Napaawang lang din ulit ang labi ko.
Wala akong kilalang Drake! Ang weird naman ng mundo ngayon! Noong nakaraang buwan ay may isang Diego na nagbigay ng malaking tip sa akin. At ngayon? Ngayon ay may isang Drake na nagbayad sa utang namin sa hospital.
Huh, wow lang din ah, ang bonga! Sana nga lang hindi siya si Dracula!
"Nay! Baka five, six iyon, Nay. Pautang ba, Nay? Mukha ba siyang bombay? Magkano ba ang utang natin sa hospital, Nay?" inis na tugon ko.
"Ay hindi, anak! Kilala ko ang mukha ng mga nagpapautang. Hindi naman mukhang bombay, Betty. Ang gwapo pa nga, at mestiso pa na parang may lahing Italyano... P-pen pa-pal mo raw?"
"Ho?!"
Nanlaki na ang mga mata ko at kinabahan lang din ako ng tudo. Noong isang buwan biniro ko lang naman si Jason, para iwasan na niya ako. Mahilig kasing mang asar sa akin ang mukong na iyon! Kaya sinabi ko na may boyfriend na ako, ka pen pal ko at isang Italyano.
Pesti talaga 'tong si Jason oh! Siya na naman ang may pakana nito!
"Nay! Teka, teka lang nalilito ako, Nay. Dios ko!" Umayos ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Wala ba siyang ibang hiningi, Nay?"
Kinabahan na ako ng tudo ngayon. Baka naman ang kapalit nito kidney ko! O, 'di kaya kidnaper 'to? Tapos pinag-tripan lang din ako. Patay! Kailangan kong mag-isip.
"Wala naman, anak. Ang bait nga sa amin ng Tatay mo. Kinausap pa nga niya si Don Ricardo."
"Ho?! Bakit?"
Wala na wala na talaga akong kawala. Parang lumabas na sa katawan ko ang kaluluwa ko ngayon habang nagsasalita si Nanay sa kabilang linya. Wala na akong naiintindihan sa mga sinabi niya, at parang nabingi lang din ang tainga ko ngayon.
"Nay!" putol ko sa pagsasalita niya. Natahimik din agad siya.
"Oo, anak?"
"Huwag na po kayong tatangap ng tulong mula sa kanya. Mag-uusap muna kami, okay?"
Ang totoo wala akong ka-alam alam kung sino siya at ano siya. Ayaw ko rin na mag aalala ang mga magulang ko. Kaya magsisinungaling na lang din ako. Rinig ko naman na sinabi ni Nanay kay Papa ang sinabi ko.
"O, sige anak. Wala na 'ata akong load mapuputol na 'to. Mag-iingat ka diyaan ha. Amping permi, I love you."
Magsasalita pa sana ako, pero naputol na ito. Wala na 'ata silang load, naubos na. Natulala na ako ngayon. Gusto ko sanang tawagan si Jason. E, wala rin akong load, kaya bukas na lang.
Hindi na ako makakatulog nito sa pag-iisip kung sino ang tumulong kina Nanay at Papa. Nakakakaba at nakakatakot na. Hindi na 'to biro.
Ano kaya ang pakay niya sa akin? Naku, bahala na nga!
.
HALF DAY lang sa school ngayon at puro rehearsal ang nagaganap. Nakuha ko na ang final grades ko. Ang pirma na lang din ng accounting sa school ang kulang sa akin. Halos lahat ng mga kaklase ko ay excited na, at ang iba sa kanila ay binati pa ako.
I wasn't famous during high school. I'm timid to the extent that they treated me like a maid.
Alalay ako noon sa mga sosyal na kaibigan ko. Pero nagbago rin ang lahat ng makilala ko si Scarlett. Naging silbing aral sa akin ang pangyayari sa kanya, sa amin noon. Naging palaban ako sa sarili at mas nagsumikap akong mag aral.
Kumusta na kaya siya? Mag e-email ako mamaya sa kanya at mangungumusta.
Nag-paalam na ako sa mga kaklase ko. Wala akong duty ngayon. Pero pupunta ako sa trabaho para sa overtime na sweldo. Huminto pa ako nang saglit dahil sa fish ball vendor na nasa gilid. Bumili ako at kumain lang din habang abalang nag iisip ang utak ko sa sinabi sa akin ni Nanay kagabi. Nang matapos ay mabilis na akong humakbang.
.
"Betty!"
Nahinto ako at napalingon sa gilid ko, si Diego.
"Hi, Betty Madam!"
Nakababa ang bintana ng sasakyan niya at nakangiti pa siya sa akin talaga. Nilingon ko ang bawat gilid sa paligid ko.
Nalilito kasi ako ngayon. Ako ba talaga ang sadya nito? Napakurap mata na lang din ako.
"Are you free, Madam? Pwede ka ba maimbetahan?"
"Ha? Ho?" Sabay lunok ko.
Tiningnan ko pa ang loob ng sasakyan niya. Makikita kasi ito dahil nakabukas naman ang bintana sa likod, at walang ibang tao maliban nga lang sa kanya. Lumabas agad siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"I promise you'll be safe. Wala akong gagawing masama sa'yo," ngiti niya.
Nahinto akong saglit at nilingon si Manong na nagtitinda ng fish ball.
May iilang studyante pa ang nandito at nakatingin silang lahat sa akin ngayon. Napalunok lang din ako sa sarili. Binalik ko ang tingin kay Diego at tumango lang din. Hindi ko alam kong anong klaseng katangahan ito. Pero kusang humakbang ang mga paa ko papasok sa kotse.
Mariin kong niyakap ang bag ko. Huli na nang magbago ang isip ko, dahil pinaandar na niya ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ito.
.
C.M. LOUDEN