Kabanata 8. Unreadable

1460 Words
"Why? Are you willing to give yourself to me if I want to f**k you?" -Drake- . Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at hindi ko na pinansin si Diego. Ngayon ko lang din napansin ang tindig ni Diego talaga. Nakakatakot nga naman ang histura niya. May tatoo siya sa kamay pero hindi naman nakakatakot ito. Ewan ko ba! But people with their tattoos shouldn't be misunderstood. Hindi ibig sabihin na ang isang tao na maraming tattoo ay masama na sa paningin mo. Minsan nga kabaliktaran pa ito. . There was always a story behind each of that art in their body. Every pain from the needles signifies their strength. Others might want to have it, to make themselves look cool. But honestly? They're fragile, way more fragile than a normal person. Maingat lang din na binuksan ni Diego ang pinto ng kotse at lumabas na ako. I looked around his place again before entering inside. Jet open the door for me and I smiled at him. Tipid din naman siyang ngumiti sa akin. Kung palangiti si Diego at medyo kalog, kabaliktaran naman si Jet dahil seryoso siya at ayaw ngumiti talaga. . And the same usual sa harden ako naghintay sa kanya. Napansin ko pa ang pag iba ng set up dito. Hindi kasi ito ganito noong huling nandito ako. In fairness mas malinis at mas maganda na siyang tingnan ngayon, dahil sa dami ng bulaklak na nandito. Napangiti ako kay Manang na tahimik na naglagay ng inonim at snacks sa mesa. Ngumiti din siya sa akin, kaya lumapit na ako sa kanya. "Matagal ka na ba rito, Manang?" Tumango lang siya at hindi nagsalita. "Ilang taon na po kayo, Manang?" "Matanda na ako, anak." Sabay lagay niya sa iba pang pagkain. "Si Drake po ilang taon na ninyong kilala?" Nag-angat siya nang tingin sa akin at ngumiti na. Mukhang mabait naman si Manang sa tingin ko. Kaya kampante at magaan ang pakiramdam ko sa kanya. She reminds me of Nanay, at mukhang ka edad lang nila ang isa't isa. Magsasalita na sana siya nang tumikhim si Drake sa likuran naming dalawa. Nahinto pa tuloy ako at umayos lang din. Umalis na si Manang at hindi na niya ako nilingon pa. Naging seryoso na tuloy ang mukha ko, dahil sa seryosong mukha ni Drake ngayon. Umupo na siya kaya umupo na rin ako. Magkaharap kaming dalawa. Panay pa ang titig ko sa kanya. I don't know what it is but I feel there's something on him. . Yes, I admit it, I get scared on him. Nakakatakot minsan, pero kahit papaano ay magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. I looked at him like an older brother. I don't think we will build a 'love' type in this relationship. Alam ko kasi na iba ang type niya at ang katulad ko ay hindi niya gusto talaga. Huh, talaga lang Betty ha? Manghuhula na 'ata ako nito. Isip ko. . "Anong pag-uusapan natin?" Sabay inom ko sa tsa-a. Napatiim bagang pa siya habang iniinom ang kape niya. In fairness, tama nga naman si Jane, ang gwapo nga naman niya talaga at ang bango pa. My god, ano ba 'to? Nagnasa na 'ata ako sa kanya? No way! Mabilis ko lang ding iniwas ang titig ko at ininom ang tsa-a. Ang bait din ni Manang dahil nagluto siya ng banana-cue, kaya kinain ko rin ito sa harapan niya. Nakatitig lang din siya nang husto sa akin. I'm honestly feeling tense right now. He stares at me as if I am some sort of prey that he can devour straight away. It was too intimidating that I couldn't even swallow my own saliva. Kaya tumikhim na ako at mabilis na ininom ang tubig sa tabi ng tsa-a ko. "How old are you again?" malaming na tanong niya. Napako lang din ang mga mata niya sa kinain kong banana-cue. "Gusto mo?" wala sa sariling alok ko. Napalunok lang din ako nang mapansin na seryoso siya sa tanong niya. "Akala ko ba nag-research ka?" Sabay kain ko habang titig sa kanya. May halong inis sa titig niya at umigting pa ang panga nito habang pinagmamasdan ako. "Twenty-two but soon I will be twenty three. I was a year late in high school. Kapos kasi sa pera sina Nanay at Papa, at nasa malayong bundok pa ang paaralan namin, kaya nahinto ako ng isang taon." "Pero okay lang, bumawi naman ako kahit papaano. Kahit pa nilakad ko nang nakapaa ang kabilang lungsod makapasok lang ako sa paaralan noon masaya na ako," pagpapatuloy ko. Tumango lang din siya at napalunok pa. Umaliwas na ngayon ang mukha niya, at nawala na ang kunot ng noo nito. "Ikaw, ilang taon ka na?" "What do you think?" tipid na tanong niya. "Hmm, gusto mo hulaan kita?" I smile at him while he's crossing his arms against his chest. He never shows his entire smile, but his dimple dominates on his cheek. Ang cute lang din! "Twenty-nine- Thirty? And I bet you're one hell of a perfectionist! A perfectionist in a weird way." Lakas na tawa ko. Tumaas lang din ang isang kilay niya dahilan para mas matawa ako ng bongga. Natahimik na ako ng mapansin na hindi siya natatawa sa sinabi ko. Ang KJ talaga! . "I want my rules, Betty," direktang tugon niya. "Ha?" Bahagyang nganga ko. Rules? Anong klaseng rules ba 'to? Ganitong-ganito talaga ang takbo ng mga romance na kwento na nababasa ko. Tsk! Now it's happening to me? Gosh ang bongga nga naman! "What rules? My only rule, Drake, is do not touch me. No string attach. Malinaw 'di ba?" He nodded silently and gently while seriously looking at me. Natapos ko na rin ang kain ng banana-cue at ininom lang din ang tubig ko. "Okay, now I am ready to listen to you." Sabay ayos ko. "Good." Tumayo na siya at kinuha lang din ang kape niya. Sumadal sa gilid ng veranda. Kaya tumayo na din ako at bahagyang tumabi sa kanya. Nakatingin kaming dalawa ngayon sa lawak ng golf club na nasa harapan namin. Ang sosyal nga naman na parte ang kinuha niya, dahil sa nakaharap ang likurang bahagi ng bahay niya sa golf area. "I'll let you do what you want as long as you obey my rules." "Diego is your bodyguard. Hindi ko siya pwedeng alisin sa tabi mo. He can follow you around, and if you feel uneasy beside him, just let him stick to you even from afar," titig niya sa akin. Tumango lang din ako at tumitig na din sa kanya. Napansin ko rin na nag iba ang kulay ng mga mata niya. Noong nakarang linggo dark brown ito, at ngayon ay grey na. Bakit kaya? Napakunot noo pa ako. "Second. You're not allowed to date anyone nor to have an affair with someone." "At ikaw pwede?" Wala sa sariling tanong ko. Nakatingala lang din akong nakatitig sa kanya. Samantalang nakatingin naman siya sa kawalan na parang ewan! Napatitig pa tuloy ulit siya sa akin ngayon. "Why? Are you willing to give yourself to me if I want to f*ck you?" Pamaywang niyang nakaharap sa akin. Napaawang lang din ang bibig ko at napakurap pa ako. Hindi ko 'ata inasahan 'to. This is not in my mind of vocabulary. Wala ito sa isip ko. Okay, let me say mag-asawa kami. Pero hindi ko kasi inisip ang bagay na ito, na may pangangailangan din siya. Bahagya na akong umatras sa harap niya. "I'm still young, Drake." Sabay yakap ko sa sarili. He smirked in a funny way and shake his head. Natawa na siyang lalo sa inasal ko. "Young my foot!" Lihim na mura niya. Kumunot na ang noo ko. Narinig ko kaya iyon ah! Ang dracula talaga! Pinagtatawanan lang niya ako ngayon. "Okay, fine! You can date. I don't care." Kibit balikat ko. Tumango na siya at sumeryoso ulit ang mukha. Inubos na niya ang kape at natahimik nadin ako. Naghihintay pa kasi ako sa ano mang sasabihin pa niya. Pero mukhang wala na 'ata, dahil humakbang na siya patungo sa mesa at nilagay lang ang tasa niya. "Iyon lang? Wala na? Are we going divorce after? Annulment?" naguguluhang tugon ko. Humakbang lang ulit siya palapit sa akin. Pero nahinto rin agad. "I will think about that next time. As of the moment I have an important priority matter than this." Parang nahulog ang panga ko sa sahig! Ano pa ba ang mas importanteng bagay kaysa usapan namin? May iba pa bang mas mahalaga nito? Ang weird naman ng taong 'to. "And by the way use that card any way you like." Tumalikod na siya at natahimik lang din akong pinagmamasdan ang likod niya. Huh, the mighty Drake Lucas Del Fiore is unreadable! Nakaloloka. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD