"Drake, I would love to have this one please," maarteng boses ng babae sa likod ko.
.
Napalingon agad ako. Narinig ko kasi ang pangalan ni Drake. Umigting kasi ang tainga ko nang marinig ang pangalan niya. At hindi nga naman ako nagkamali dahil si Drake nga naman ito.
He's wearing a tight white t-shirt and black pants. His body muscles are intact and visible.
Napakahunk niyang tingnan kahit halata ang tattoo sa kanang bahagi ng kamay niya.
Umatras ako at nagtago lang din sa mga damit na nandito. Nagkunwari akong may damit na hinahanap. E, wala naman!
"Drake, hindi ka pa ba uuwi sa bahay?"
Lihim akong napatingin sa kanila. Umiling-iling lang siya na parang hindi siya pinakikingan nito. Humakbang pa tuloy si Drake patungo sa men's area. Sumunod lang din ang babae sa kanya. Agad ko lang ding kinuha ang baby blue na casual na damit. Hindi ko na tiningnan ito, pero okay na 'to para sa graduation na damit ko.
.
"Jane, magbabayad na ako," mahinang tugon ko.
Tumango lang din siya. Mabilis akong humakbang patungo sa kahera. Hindi naman kalayuan ito. Nainis pa ako dahil napakabagal pa niya. Inayos pa niya ito at ini-scan ang barcode.
"Four thousand five hundred pesos, Ma'am," ngiti niya.
What the -
Namilog pa ang mga mata ko at napako ulit ang paningin ko sa tag ng damit. Napalunok na ako. Nagdadalawang isip ako ngayon. Ang mahal! Ayaw ko na 'ata nito.
"T-teka lang, Miss. Akala ko kasi. . . sorry mali 'ata ang nakuha ko, Miss," hiyang ngiti ko sa kanya.
"Papalitan ko na lang ng iba miss ah. Pasensya na, 'di kasi kasya ang pambayad ko."
"Okay lang, Ma'am." Kinuha na niya ang damit sa counter at nilagay ito sa gilid niya. Ngumiti lang din ako sa kanya.
Tumalikod na ako para sana humanap ng iba pa. Nakakahiya naman kung wala akong bibilhin dito, kaya kahit ano na lang siguro!
Nanlaki lang din ang mga mata ko at nahinto ako nang hakbang, dahil nakatitig na siya sa akin ngayon, sa harapan ko.
"E-excuse me." Sabay kurap ko at iwas na sa kanya.
"Do you like that one? Why not get it?"
Nagtagpo lang din ang kilay niya habang seryoso naman ang mga mata. Napalunok lang din ako.
"Ah, sorry. . . hahanap na lang ako ng iba," pilit na ngiti ko.
Humakbang na ako para sana iwasan na siya. May kasama naman siya. Mas mabuti ng walang nakakakilala sa akin.
"Hang-on, love." Sabay hawak niya sa sa braso ko.
Napatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak dito. Bumitaw din agad siya at napailing lang din. Lumapit na siya sa babaeng staff na nasa counter.
"I'll take that dress, Miss," tugon niya rito.
Humakbang na ako at hinanap si Jane. Nasa gilid lang din pala siya na tumitingin sa bawat damit na nandito.
"Jane!"
"Tapos na? Kinuha mo na?"
"Hindi na. Ang mahal kasi," mahinang tugon ko.
"Sa kabila na lang tayo. Halika na!" Hila ko sa kanya.
Nahinto ulit ako nang humarang siya sa harapan ko. Palabas na sana ako rito. Napatingala pa tuloy ako sa kanya nang husto.
"Here."
Napako lang din ang tingin ko sa kamay niya. Hindi ko tinangap ito at tinitigan lang din.
Kinilabit na tuloy ako ni Jane, kaya dahan-dahan ko na rin inangat ang kamay ko para tanggapin ito.
"S-salama - "
Hindi ko natapos ang sasabihin ko pa sana, dahil tinalikuran na niya ako. Sinunod ko lang siya nang tingin patungo sa babae na kasama niya kanina. Sumimangot na ako at ngumiwi pa habang pinagmamasdan siya.
"Kilala mo ba?" Mahinang bulong ni Jane sa akin. Tumango na ako.
"Boyfriend mo? Siya ba ang ka pen pal mo?"
"Hindi, ah. Sugar daddy ko." Sabay talikod ko.
__
.
"May sugar daddy ba na mukhang Hollywood action movie star?"
Kamuntik ko tuloy mailuwa ang ininom kong juice. Pauwi na kasi kami at naghihintay na lang din ng masasakyan.
"Talaga? Gwapo na siya na paningin mo?" Taas kilay ko.
"Oo naman. He's very ideal, Betty. Hindi mo ba nakikita?"
Kuminang pa ang mga mata niya at ngumiwi na ako. Napansin ko agad ang pamilyar na kotse at huminto ito sa harapan namin dalawa. Iniluwa si Diego at nakangiting binuksan ang pinto ng kotse sa likod. Napahawak pa tuloy si Jane sa akin , sa braso.
"Diego?" Kunot-noo ko.
"Sorry po, Madam. Pero utos ni Boss."
"Sinong, Boss? Ang sugar daddy mo ba?" Bulong ni Jane sa akin. Tumingala na ako sa inis habang tinitigan si Diego.
"Ihatid muna natin si Jane, okay?"
Tumango lang din siya. Wala naman sigurong masama kung isasama ko si Jane sa kabaliwan ng buhay ko ngayon.
Kaya pumasok na kaming dalawa at naupo sa likurang bahagi. Sinabi ko na rin kay Diego ang address ng bahay ni Jane. Hindi naman ito malayo rito.
"Huwag mong ipagkalat. I trust you," ngiti ko.
"Oo naman. Ikaw pa!"
"Ang gwapo rin niya." Bulong ni Jane sa akin.
Bahagya pa siyang natawa habang panay na titig kay Diego, kaya siniko ko na ang tagiliran niya.
.
Nang makarating kami sa kanto ng daanan kung saan siya nakatira ay nagpasalamat siya ng husto kay Diego. Kumaway na ako sa kanya at sumenyas ng tawag. Tatawagan ko siya mamaya. Umayos na ulit ako sa pagkakaupo. Nagtaka pa ako dahil hindi pa pinaandar ni Diego ang sasakyan, na parang may binabasa pa siyang mensahi.
"Madam Betty." Sabay bigay niya sa cellphone niya sa akin.
"Si Boss po," pagpatuloy niya.
"Ha?" Kunot-noo ko pero tinangap ko na ito. Tumikim pa ako bago ito nilagay sa tainga ko.
"Hello?"
"Can you meet me tomorrow here at home," lamig na boses niya.
"T-tomorrow?"
"Yes tomorrow, love."
Nanayo lang din ang balahibo ng marining ang 'love' ulit sa kanya. Ang korney lang din!
Hindi ako sanay sa ganito, at totoo nga naman 'di ko rin siya type talaga.
Ewan ko kung bakit pumayag ako sa alok niya. Wala na nga akong choice sa buhay ko kaya kumakapit patalim na ako.
"Let's discuss something important," tugon niya.
"Oh, okay. Sige, pagkatapos ng rehersal na lang din."
"Okay." Patay niya sa tawag.
Binalik ko na ito kay Diego at pabalik lang din na inayos ko ang saril. Napatingin ako ngayon sa damit na binili niya na nasa gilid ko. I even calculated everything that I spent today with Jane. Mabuti na lang at hindi malaki ang nagasto ko, babayaran ko ito sa pang huling sweldo ko ngayong linggo.
.
MADALING natapos ang rehersal. Ito na ang panghuli at graduation na namin sa susunod na mga araw.
Excited na ang lahat at pati na rin ako. Kamuntik ko pang makalimutan ang usapan namin ni Drake. Sasama sana ako kina Jason, pero nang makalabas kami ng gate ng unibersidad at nakita ko siyang naghihintay sa gilid, ay saka ko lang din naalala ito.
"Sorry, Jason. May importante pala akong tutorial ngayon," ngiwi ko.
"To whom?" Sabay tingin niya kay Diego na nakatayo lang din sa gilid. Yumuko kasi sa akin ito at nakita niya.
"To him?" Kunot-noo niya.
"Betty, kilala mo ba ang mga tao sa paligid mo?"
Nabigla ako nang lumapit siya kay Diego at matigas na tinitigan ito.
Ang lakas nga naman ng loob ni Jason. E, matangkad pa si Diego sa kanya at mas malaki pa ang pangangatawan niya. Baliw din 'tong mukong na 'to e.
"Jason ano ba! Let her be. Hindi na bata si, Betty." Hila ni Maxine sa kanya.
Napatingin si Jason sa akin ngayon at nagtatanong ang titig niya.
"Okay lang, Jason. Mukha lang 'tong astig si Diego, pero bakla 'to. Promise," ngiting bulong ko.
Kumunot agad ang noo ni Diego at pinalakihan ko na siya nang mga mata ko. Hindi na siya umalma at nakisabay na lang din sa pakiusap ko. Tinitigan ulit siya ni Jason na mula ulo hanggang paa at umatras na.
"Are you sure you are fine?"
"Oo!"
"She will be okay, hon. Come on." Hila ni Maxine sa kanya.
She even rolled her eyes at me and I just gave her my tiger look. Kung 'di lang talaga siya girlfriend ni Jason, ay matagal ko na sigurong iniwasan ang bruha! Ang arte lang din, feeling maganda! E, maganda nga naman siya. Hay, naku!
.
C.M. LOUDEN