Imbes na ako mag-isa ang susundo kina Nanay at Papa ay an windang na naman ako sa presensya ni Diego sa likod namin. As much as possible, I don't like someone that is looking after me. Hindi ako sanay na may isang tao na hindi normal sa paningin ko at palaging nakasunod sa akin. "Good Morning po, Madam," si Diego. Yumuko siya at nagbigay galang din sa mga magulang ko. Ang lawak pa talaga ng ngiti niya. "Ihatid ko na po kayo, Madam." "Kilala mo ba siya anak?" si Nanay. "Magandang umaga po sa inyo. I'm Diego De Luna at your service." Sabay yuko niya sa mga magulang ko. Natulala sina Nanay at Papa sa inasal niya. Hindi tuloy ako nakapagsalita si Papa nang kunin ni Diego ang maliit na maleta na bitbit niya. Kinuha na rin niya ang mga bitbit ni Nanay na bigas at prutas, at nauna pa siy