Nang makarating kami sa bahay ni Drake namangha silang dalawa. Panay lang din ang tingin ni Nanay sa buong paligid at sa harap ng bahay niya. Una nang pumasok si Diego bitbit ang mga gamit namin lahat. Nahinto pa ako at gayon din ang mga magulang ko. Hanggang sa lumabas na si Drake sa pinto. . "Nay, Papa. . ." Agad na mano niya sa kanilawang dalawa. Ang lawak pa tuloy nang ngiti niya habang pinagmamasdan ang mga magulang ko. I never saw his smile so genuine like this. Sana nga naman totoo ito at hindi pakitang tao lang. "Pasok po tayo. Huwag po kayong mahiya. Isipin niyo na bahay niyo rin ito," si Drake sa kanila. Naiwan naman ako sa likurang bahagi, dahil hinawakan ni Drake ang magkabilang braso ng mga magulang ko. Tahimik lang din akong pinagmamasdan sila, at panay naman ang