"Ano ba siya? Santa Clause? Araw-araw pasko? Huh, ang baliw lang din ah!"
-Betty-
❤️❤️❤️
.
NABIGLA na naman ako nang lumabas ng dormitoryo. Nakangiting nakayuko si Diego sa akin.
"Ihatid na po kita, Madam." Bukas niya sa pinto ng kotse. Kumunot-noo na at napalingon pa ako sa bawat gilid.
Nakatingin naman ang ibang kasamahan ko sa dormitory. Nasa labas na kasi ang iba dahil papasok sa paaralan na. Malapit lang naman ang Unibersidad at pwede namang maglakad. Sanay na ako, kaya madalas maaga ang labas ko para may oras pang maglakad patungo dito.
"Maglalakad na ako, Diego!" Hakbang ko.
"Bawal po, Madam. Pagagalitan ako ni, Boss." Sabay harang niya. Tinitigan ko na siya.
Okay, boss niya si Drake na dracula! Ang baliw na cover ng buhay ko, talaga lang ha! Tsk.
"Nakita mo 'yan?" Sabay turo ko sa malaking gusali sa unahan.
"Ang lapit lang naman 'di ba? Ba't may pa sundo-sundo pang nalalaman ang Drake na 'yan! Sabihin mo sa kanya maglalakad ako!"
"Pasensya na po, Madam." Harang ulit niya.
Namaywang na ako at tiningnan ko na ang relo. Ma la-late ako nito kung makikipagtalo pa ako, rehersal pa naman namin ngayon. Excited pa naman ako dahil wala na akong utang! Pero mukhang ito na 'ata ang simula ng bangungot ko.
"Okay. Ihatid mo na ako. Tutal ma la-late na ako ng dahil sa 'yo." Hakbang ko pabalik sa kotse at pumasok na ako sa loob nito. Natahimik na siya at pinaandar ang sasakyan. Pero bago paman ito pinatakbo ay may inabot siya sa akin. Isang maliit na puting sobre.
"Galing kay Boss, Madam. Gamitin mo raw sa gusto mo."
Kinuha ko ito mula sa kanya at binuksan. Nagtagpo ulit ang kilay ko. Ang hilig niya talaga mamigay ng pera.
Ano ba siya? Santa Clause? Araw-araw pasko? Huh, ang baliw lang din ah!
It's a black card with his name on it. He even put a small message inside it, and I read it.
.
Wifey, the Pin code is your birthday. Take it with you. Enjoy! Drake.
.
Hmp! Ang bilis niya makatawag ng wifey. Agad-agad! Baliw nga. Baliw na baliw, tsk!
Napailing na ako sa sarili at napatingin pa ako kay Diego. Panay naman ang titig niya sa akin sa rear-view mirror.
"Madam, susunduin kita mamaya. Ako na po ang magiging personal bodyguard at driver mo."
"Ano?" Napakurap lang ako sa inis. Nasa tapat na kami ng Unibersidad ngayon at nag-park lang din siya sa gilid.
"Pahiram ng cell phone mo, Diego."
"P-po? Madam?"
"Cellphone!" Nilahad ko ang kamay at naghihintay ako na ibigay niya ito.
Agad naman niya itong dinukot sa bulsa at nilahad sa akin. Sa contacts agad ako, pero natawa lang din ng walang ibang pangalan ang nandito maliban sa 'Boss'.
I'm pretty sure its Drake's number. Kinopya ko lang din 'to sa cell phone ko, at pagkatapos ay tinawagan siya gamit ang cell phone ni Deigo.
"Yes, Diego," matigas na tugon niya.
"Drake, it's Betty. Ayaw kong may alalay, Drake. Get Diego out of my sight before I'll change my mind." Sabay patay ko sa tawag.
"O, heto! Narinig mo na 'di ba?" Sabay bigay ko sa cellphone niya.
Lumabas na ako sa kotse at mabilis lang na humakbang palayo sa kanya. Mabuti na lang at sa dulo ng gusali niya inihinto ito at hindi sa tapat mismo. Ayaw kong pag chismisan ng mga studyante dito. Hindi ko tuloy alam kong tama ba 'tong pinasok ko.
.
Sa open arena na ako nagpunta. Magsisimula na kasi ang rehersal program namin. Konti na lang at matatapos na talaga ako. I can't wait to finish and to start a career in life. Hindi naman siguro ako pagbabawalan ni Drake sa gusto ko. Ipapaliwanag ko na lang din lahat ng 'to kina Nanay at Papa sa susunod na linggo.
.
"Betty! Are you okay?" si Jason. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. Tumaas lang din ang kilay ko sa kanya.
"Ano? Ngayon mo pa nabasa ang mensahi ko ano? Kung ibang babae iyon tiyak agad-agad na babasahin mo! Tapos ako ngayon pa? Ibang klase ka rin!" Irap ko sa kanya.
"Sorry na. I was with Maxine last night and I didn't even notice it."
"Okay na. Wala namang nangyari," ngiti ko.
"Ba't ka napadpad a subdivision na iyon? Who's there?"
"Wala, may nag-apply ng tutor." Kidnat ko.
Huh, tutor talaga Betty ha?
Wala na akong maisip na iba eh. Bahala na. Pumwesto na kao sa upuan ko at sa kabila naman si Jason, nagpaalam nadin siya.
Nagsimula na ang rehersal namin. Natagal pa dahil sa dami namin ngayong taon na ito. May ginawa akong speech, pero hindi ko na hinabaan ito. Hindi rin naman sila makikinig sa akin.
.
Bumalik lang din ako ng dormitory pagkatapos. Mabuti na lang at wala na si Diego. Nakakailang kasi ang hatid sundo niya sa labas, dahil nakatingin ang karamin sa akin. Nagbihis lang din ako nang mabilisan. Night shift ko kasi ngayon at ito na ang panghuling duty ko sa trabaho. Nakakalungkot pero nakaka-excite na rin.
"Betty," si Jane.
"Congratulations!" Ngiti niya at may binigay pa siya.
Sa lahat nang mga kasama ko rito sa trabaho ay si Jane ang malapit sa akin. Regular na siya at ito na rin ang ikinabubuhay niya at ng pamilya nila. She's easy to be with and very friendly. Masipag at wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Huminto siya sa pag aaral dahil sa hirap ng buhay.
"Salamat." Napangiti ako habang binasa ang maliit na card na bigay niya.
"Ang cute nito ah. Thank you. Aalagan ko 'to."
Isang maliit succulent na tanim ang binigay niya sa akin.
"Pasensya na, iyan lang nakaya ko e. Sa susunod kapag marami na akong pera ibibili kita ng magandang regalo at mag shopping tayo." Senyas ng kamay niya sa ere. Itinaas niya kasi ito.
Shopping? Umigting ang tainga dahil may naalala ako ngayon. I remember Diego gave me Drake's black card today. Hindi naman siguro masama kung gagamitin ko 'to? Okay lang kaya?
"Gusto mo? Mag shopping tayo!"
"Talaga?" Tili niya. Para kaming mga baliw ngayon na nandito sa kusina habang naghuhugas ng sangkatutak na pingan. Naisip ko rin na bibili ako ng casual na damit na susuotin para sa graduation.
"Sige mamaya sabay naman tayong mag out 'di ba? Seven o' clock?"
"Sige! Sige! Libre mo ba? Sweldo mo ba ngayon?"
"Hindi pa naman, pero may pera ako rito. Since, this is my last day of work. Let's hang out okay. Libre ko lahat," lawak na ngiti ko.
Napakagat labi pa ako sa sarili. Kinabahan na excited ako.
.
NANG matapos kami at nakapag out na, ay nagpaalam na ako sa lahat. Sa weekend pa ang huling sweldo ko. So, if ever Drake mind will go crazy then I can still pay him. And besides, wala na akong utang sa school bayad na ang lahat! Iisipin ko lang 'to na libre ko sa sarili ko.
Nag-send ako ng mensahi sa kanya. Nagpaalam ako na gagamitin ko ang card niya ngayon.
.
Ako:
Drake, Can I use your card today? I'll buy a casual dress for my graduation and I will treat my friend, Jane. Thank you!
.
"Let's go!" excited na tugon ni Jane sa akin.
.
Nilakad na namin ang papuntang mall, dahil nasa kabilang tawiran lang naman ito at hindi naman malayo. Una kaming bumili ng damit at nilibre ko rin siya. Nahiya pa nga siya, pareho lang din kami ng nararamdaman, kasi nga hindi ko naman pera 'to ano! Kaya ang mumurahin na t-shirt lang ang binili ko.
Nakatingin pa ako sa bawat boutique na nandito sa loob.
There's one dress that caught my attention. The dress that the mannequin wore. Nakaharap pa ako nito, pero napansin ko rin ang pagtangal ng staff sa damit nito. May bumili 'ata at nagustuhan ito.
"Gusto mo? Bilhin mo,"si Jane sa akin.
"Ang ganda ng mga damit nila sa loob. Pero mukhang mamahalin," ngiwi ko.
"Ay sus! Halika na pasok tayo. Libre naman tumingin ano!" Sabay hila niya sa akin papasok.
Napatingin pa tuloy ang staff sa aming dalawa. Napanganga tuloy ko nang makita ang tag price sa mga damit na nandito. Pang isang buwan na sweldo na ang iba. Dios ko naman, ang mamahal!
"Ito oh, bagay 'to sa graduation mo, Betty," lihim na tugon ni Jane sa akin.
"Maganda nga, maganda rin ang presyo ah."
"Huwag mo kasing tingnan diretso ang tag price. Hindi ba ang mga sosyal at mayayaman ay 'di naman nila tinitingnan ang tag price. Huwag kang pahalata na wala tayong pera." Bulong niya. Napalunok lang din ako at natatawa pa. E, sa totoo naman talaga na wala kaming pera! Nakakatawa nga naman.
.
C.M. LOUDEN