"Ang lakas ng mga braso mo. Nakayanan mong bitbitin ang lahat ng 'to. Bagay na bagay para kay, Boss,"
-Diego-
.
"Naku Betty hindi pwede eh," si Maam Christine.
"Noon pwede ka pang mag down man lang. But this time we cannot let you march on the stage if you don't pay in full."
Natahimik akong nakatitig sa kanya. I tried to asker approval if they could let me march on stage first before paying my balances. Pero mukhang impossible rin.
"You know I look at you like my own daughter, Betty. Matalino ka. You're a full scholar in this University, and you will graduate as our Magna c*m Laude in this Department of Education. Kung may maitutulong lang din sana ako, tutulungan kita, anak. Pero hirap din kasi ako." Gumuhit lang din ang lungkot sa mukha niya. Pilit na ngumiti ako sa kanya.
"Don't worry, Maam. Maghahanap po ako. Salamat po talaga." Pilit na ngiti ko.
"You can do it, anak! Ikaw pa." Sabay kindat niya.
Mahina lang din akong humakbang at umakyat ng hagdan patungo sa ikatlong palapag ng gusali.
Nakatingin na nakangiti pa ang kapwa ko mag-aaral na nadadaanan ko. Kilala kasi nila ako rito.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa akin?
Yes, I excel academically. Ito lang din naman ang tanging maipagmamalaki ko na meron ako. Mahirap lang kami at nagsumikap lang din ako sa pag aaral.
Since I was in high school. I was already holding a scholarship in the title. I took a scholarship exam at different Universities in Bohol and Cebu. And with a luck on my sleeve, I passed a full scholarship to this University, the Cebu University. But I still have to pay the miscellaneous fee.
Iba naman kasi iyon. Kaya nag t-trabaho rin ako as part time sa isang sikat na food chain ng lungsod. At ngayon na patapos na ako ay kailangan ko ng bayaran ito.
.
"Betty!" si Jason.
Nagtaka tuloy ako kung bakit napadpad siya rito sa departamento namin. E, engineering naman siya.
"Here. I have something for you." Sabay bigay niya sa supot ng rambutan. Tinangap ko na 'to at ngumiti lang din sa kanya. Umupo na rin ako sa gilid. Naghihintay pa ako sa susunod na subject. May thirty minutes pa naman.
"Harvest season na ba?"
Kumuha na ako ng isa at binalatan ito. Tumango siya at umupo na siya sa tabi ko. Kumuha rin siya ng rambutan, binalatan at kinain ito. Natulala pa tuloy akong pinagmamasdan siya. Tumaas pa ang kilay ko.
"Akala ko ba akin 'to? Ba't makikikain ka?" pagbibiro ko.
"Share tayo." Bahagyang tawa niya.
"Umusog ka nga! Baka makita na naman tayo ni Maxine, ang girlfriend mong hilaw!" inis na tugon ko.
Natawa lang din siya. "Hayaan mo na siya."
Nilapag ko muna sa kandungan ko ang papelis na bigay sa akin ng accounting, at kumain ng rambutan. Mas masarap 'ata 'to kaysa sa problema ko ngayon!
"Ano 'to?" Sabay kuha niya nito.
I was about to grab it but he lift it in the air. My whole body shifted and my brows crossed.
Kailan pa ba naging pribado ang buhay ko pagdating sa kanya? Hindi na 'ata?
Ang Jason na kababata ko. Ang Jason na lapitin ng mga babae noong high school. Ang Jason na makulit at playboy na kagaya ni Xander! Kainis lang din. Ano pa bang magagawa ko? Hala, sige basahin mo! Inis na tugon ng isip ko.
"Ang laki naman ng balance mo?"
"Alam ko!" Kuha ko sa papel sa kamay niya.
"Gusto mo bang tulungan kita?" pilyong ngiti niya.
"Huwag na! At alam ko na ang magiging kapalit. Kaya mas mabuting huwag na!" ngiwi ko sa kanya.
Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko sa gilid.
"Bakit anong kapalit ba ang iniisip mo, Betty?" Bahagyang tawa niya.
"Ewan ko sa 'yo. Ikaw huwag mo akong tingnan ng ganyan ha. Iyang mukha 'yan, naku! Umalis ka na nga!" inis na tugon ko. Kilala ko kasi ang mga modus nila kahit noon pa. Masaya na ako na naging mabuti ko siyang kaibigan.
He never failed to take care of me in little things. He helped me a lot already. And I don't want to accept anything anymore from him. Hindi ko na nga maisip kong papaano ko mabayaran ang utang namin kina Xander. E, dadagdag pa si Jason? Naku! Mas mabuti na hindi na.
Natawa lang din siyang pinagmamasdan ako. Namaywang pa.
"Hindi ako papatol sa 'yo, Betty. Hindi kita type!" Tawa niya.
"Mas lalong hindi kita type ano! Ay tigilan mo na ako, dahil may boyfriend na ako." Irap ko.
Humakbang na ako palayo sa kanya. Pero nakasunod lang din naman siya sa likod ko.
"Ang rambutan mo. Iiwan mo? E, binigay ko na 'to sa 'yo."
Huminto na ako at nilingon ulit siya. Kumunot lang din ang noo ko.
"Akin na." Lahad kamay ko.
"At sino ang boyfriend mo? Hindi ko 'ata alam 'yan ah?"
"Wala ka na roon. Akin na bilis!"
"Hindi ka pa nga nakamartsa sa stage, may boyfriend ka na?" kantyaw niya.
Sapilitan ko na lang din itong kinuha sa kamay niya. Natawa lang din siya. Pinagtatawanan ako ng mukong na 'to! Mas naiinis lang din akong lalo ngayon.
"For your information, Jason, may ka pen pal ako from Italy!" Sabay irap ko.
Ngumiti na ako habang nakatalikod sa kanya. Nilingon ko siya ulit, at nakapamaywang na siya habang seryosong nakatitig sa akin.
Hmp, bahala na siya sa buhay niya! Ang lakas lang niyang mang inis sa akin kahit noon pa.
.
NATAPOS ang pang huling subject at umuwi na lang din ako ng dormitory. Wala akong trabaho ngayon at bukas pa.
Three times a week lang din naman ang duty ko, at kadalasan sa weekend ako full time sa trabaho. Nakatulala pa akong pinagmamasdan ang utang ko sa school. Dalawang buwan na lang at graduation na.
Paano na kayo 'to?
Ginulo ko na ang buhok ko. I don't want to ask Scarlett's help. Siya na nga ang tumulong sa akin noon, noong nakaraang semester at siya na ang nagbayad. Nakakahiya na masyado.
Nahiga na ako sa kama at nag-isip. Pero kahit anong isip ko ay wala talagang papasok sa utak ko. Kaya pinatay ko na lang din ang ilaw at natulog na ako.
.
"Betty pakibigay 'to sa order number 16 sa itaas," si Maam Irene sa akin.
"Ho?" nagtaka pa ako.
"Ikaw na. Kilala mo siguro. Ikaw ang gusto e. Sige na bilis."
Agad ko lang din na pinunasan ang basa na kamay ko. Nakatingin pa ako kay Jane, na ngayon ay tumango lang din sa akin.
"Babalik agad ako. Mabilis lang 'to."
Nagmadali na ako at pumunta sa counter. Nasa gilid na ang order ng number sixteen. Binigay lang din ito sa akin ni Maam Irene. Maingat ko namang hinawakan ang food tray. Umakyat na ako at hinanap ang table nila, at nakita ko naman agad ito.
"Number sixteen? Your order, Sir." Lapag ko nito.
"Thank you, Betty," matipunong boses niya.
Napatingin agad ako sa kanya. He looks different and more mature. Medyo malaki ang pangagatawan niya at naghalo ang kulay ng balat. Medyo moreno pero maputi. Singkit medyo ang mga mata at nakangiti pa siya sa akin talaga.
Ngumiti lang din ako, dahil nakangiti naman siya. Ang pangit nga naman kung 'di ako ngingiti sa kanya. E, tinuruan naman kami ng customer food service etiquette rito.
"Is that all your order, Sir?" ngiti ko habang bigbit ang food tray na wala ng laman sa kamay ko.
"Ang lakas ng mga braso mo. Nakayanan mong bitbitin ang lahat ng 'to. Bagay na bagay para kay, Boss." Bahagyang ngiti niya.
"P-po?"
"It's Diego, Betty." Lahad kamay niya.
Tinitigan ko lang ang kamay niya at hindi tinangap ito. Napatitig lang din ako ng husto sa kanya.
As far as I know, wala akong kilalang Diego sa buong buhay ko. Kaya nakapagtataka na parang kilala niya ako ng buo.
Napansin niya ang pagtitig ko kaya nilapag lang niya ang kamay niya ulit sa mesa. Tumayo na siya at may dinukot lang din sa bulsa niya.
"These orders are for you, Betty. Enjoy the meal, and here."
Siya na mismo ang naglagay nito sa kamay ko. Natulala lang din ako sa ginawa niya. Hindi ko kasi inakala na ang tangkad niya pala, sobra. Napalunok ako, hanggang sa napako na ang mga mata ko sa sariling kamay, na ngayon ay nakahawak sa maliit na sobre.
"That's your tip." Sabay kindat niya.
"H-ho? A-anong tip?" mahinang tugon ko.
"Bye, Betty. See you tomorrow."
Napakurap pa akong pinagmamasdan siya. Kumunot lang din ang noo ko at binuksan ang sobre na binigay niya.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita na pera ang laman nito. Kaya humakbang ako nang mabilis para sana maabutan siya. Nilingon ko pa ang paligid ngayon at tamang-tama ang akyat ni Jane.
"Jane! Take this food out! Atin dalawa 'yan!" Sabay bigay ko sa kanya sa recibo.
Mabilis lang din akong bumaba at nakita ko agad siya. Ang lalaking nagpakilalang si Diego kanina. Palabas na siya ng food chain kaya hinabol ko na.
Sir! Sir!"
Hindi naman niya ako napansin kaya mas tumakbo na ako. Para pa tuloy akong sira nito na hinahabol siya. Inisip ko kasi, hindi ko pwedeng tangapin ito mula sa kanya.
"Sir, Diego!"
Napahinto agad siya at nilingon ako. Nasa labas na kami ng food chain ngayon, at nasa gilid na ng kalsada. Ang ilaw lang din ng bawat sasakyan ang nagsisilbing ilaw sa paligid dito. Lumapit na ako sa kanya.
"Sir. Hindi ko pa 'to matatangap."
Napatingin lang din siya sa kamay ko at ngumiti pa. Maya't maya'y may maitim na kotse ang huminto sa harapan niya. Napalingon agad siya nito. Binaba lang din ng driver ang bintana ng sasakyan nito, at sumenyas ito sa kanya.
"Sorry." Yumuko siya sa akin at tumalikod na.
Mabilis lang din niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Nalilito pa tuloy akong pinagmamasdan siya. Pero hindi na siya nakatingin sa akin ngayon at naging seryoso na ang pagmumukha niya. Hanggang sa sinara na niya ang pinto ng kotse.
Bago paman ito umandar ay napansin ko ang anino ng isang pasahero nito sa likod. Nakatingin ito sa akin. Hindi ko naman makuhang makita ang mukha niya, dahil sa madilim ang paligid at walang ilaw rito.
Umatras na ako at napako lang din ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ito palayo sa paningin ko.
.
C.M. LOUDEN