"I don't want to complain anymore. I know I will have a bright tomorrow."
-Betty-
.
AGAD kong pinulot ang bawat butil ng nabasag kong pinggan. Nataranta kasi ako at hindi sinasadyang nahagip ito nang kamay ko sa gilid.
"Ano ba, Betty! Ilang pinggan na ba ang nababasag mo?" si Thea sa gilid ko.
"Bilisan mo! Ang daming customer na naghihintay ng order!"
Umalis na agad siya na bitbit ang iba pang order sa mga kamay niya. Natahimik lang din ako at maingat na nilinis ito.
"O, ano na naman 'to, Betty? Basag na naman ba?" si Maam Irene, siya ang Store branch Manager namin.
"Hindi ko kasi nakita, Maam," mahinang tugon ko.
"Arnold! Nasusunog na ang French fries! Stick to your job! And you Thelma! Bilisan mo ang paglagay ng burger sa bawat grilling. Huwag sunugin ha."
"Yes, Maam!" si Thelma. Siya kasi ang na assign na tagaluto ng burger patty at si Arnold naman sa french fries. Siya rin ang tagalagay nito sa shelves.
"Betty, bilis na! Maraming ililigpit na duming pinggan sa bawat lamesa at hugasan. Bilis! Ibabawas ko iyang mga nabasag mo sa sweldo mo ha, Nakaanim ka na sa linggong ito."
"Opo, Maam."
Binilisan ko na at mabilis akong lumabas ng cooking station, at iniligpit ang bawat pinggan sa mesa.
May iilang customer na naghihintay at ang iba sa kanila ay nakatayo pa. Maingat ko lang nilagay ang bawat duming plato sa stroller at pinunasan ang lamesa.
"Miss, dito pa oh!" Tawag ng isang customer sa akin. Naghihintay din sila na malinis ang mesa sa kabila. Tumango lang din ako.
"Ikaw lang ba mag-isa ang na-assign dito sa labas?" matipunong boses niya.
Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Gumihit lang din ang ngiti sa labi ko habang pinagmasdan siya. Tumango lang din ako at bumalik sa ginawa ko. Malapit na din itong matapos.
"Akin na, pahiram ng isa."
Kinuha niya agad ang ang extrang pampunas at mabilis na pumunta sa kabilang mesa. Napatingin lang din ako sa ginawa niya.
He cleaned up the other table where the other customers are waiting. Mabilis lang din niyang nilagay ang bawat pinggan sa rolling stroller.
"Akin na." Sabay kuha niya sa iba pang pinggan.
"Ako na. Salamat."
Ngumiti lang din siya nang matapos at binalik ito.
"Tapos na ba ang klase mo?" ngiti ko.
"Oo."
"Jason!" si Maxine.
Napalingon lang din kaming dalawa sa kanya. Nakangiti naman siyang lumapit kay Jason at humalik pa sa pisngi niya.
"Kanina ka pa ba, hon? Natagalan kasi ako. Ang kupad kasi ni Manong magmaneho," reklamo niya.
Tumango si Jason, yumakap at humalik na din sa pisngi niya.
"Upo ka na. Mag o-order lang ako."
"Okay."
Napako ang tingin niya sa akin at ngumiti lang din ako kay Maxine. And as usual, she rolled her eyes at me.
Hmp, kailan pa ba siya naging mabait sa akin? Ang bruha lang din! Inayos ko na ang mesa nila at malinis na. Nakalinya na rin si Jason para um-order ng pagkain nila.
"Sige, Maxine bye."
Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
"Hindi ko alam kong anong meron dito sa bubuyog na food chain na 'to? Kung 'di ko lang mahal si Jason ay matagal na akong nagreklamo sa kanya na ayaw kong kumain dito." Ismid niya.
"E, ba't 'di mo sabihin sa kanya? Huwag iyong magreklamo ka sa harap ko. Ang arte lang din ah!" tahimik na tugon ko.
"May sinabi ka, Betty?" Humalukipkip siya.
"Wala. Babalik na ako, dahil marami pa akong trabaho." Sabay talikod ko. Pero humarap ulit ako sa kanya at ngumiti pa.
"Enjoy your happy meal, Ma'am!" Masiglang ngiti ko.
Pinaikot ko lang din ang mga mata ko nang tumalikod ako sa kanya. Pumasok na ako sa washing area at isa isang nilapag ang bawat plato sa dishwasher dito. Maingat lang din ang pagkakalagay ko, dahil ayaw kong makabasag na naman ako ng plato. Paano ba kasi ang bibigat ng mga plato na parang may bato ang bawat isa!
Dumagdag pa sa bigat ng nararamdam ko ang mukha ni Maxine! Ang arte lang din!
Huh, sige mag-inarte ka, baka bukas iiyak ka na! Alam naman natin na walang forever!
"Ako na rito. Lumabas ka na. Pinatawag ka ni Maam Irene," si Jane.
Tumango na ako at mabilis na pinunasan ang kamay ko. Kinuha ko na rin ang sprayer at pamunas ng mesa.
"Betty dito," si Maam Irene. Agad ko lang din nilinis ang mesa habang nakatingin siya sa likod ko.
"Ayusin ng mabuti, Betty okay. In five minutes out ka na, bukas ulit."
"Okay, Maam. Thank you." Yuko ko.
Umalis na agad siya sa harap ko at sinunod ang iba pang staff sa mga trabaho nila. Mabait naman si Maam Irene. Alam niya ang lahat ng pinagdadaanan naming mga working students.
She always tells us that we should give our best in our work, and at the same time never forget our studies.
Kung may gusto kang maabot sa buhay ay magsumikap ka at pagbutihin ang pag-aaral. Iyan palagi ang karugtong sa bawat sermon niya sa aming lahat.
Inayos ko na ang sarili at tinangal ang plate name sa uniporme ko. Nagbihis at nagpalit lang din ako ng damit dito sa employee's change room namin. Mariin ko pang tinitigan ang laman ng wallet ko. Pang isang linggo na pamasahe na lang din ang natira sa akin. Wala na akong budget sa pagkain.
"Betty?" Katok ni Maam Irene.
"Maam?"
Ngumiti siya at inabot ang supot ng food take away sa akin.
"Galing kay Jason iyan. Mag ano ba kayo? Hindi mo naman siguro boyfriend ano? Kasi may kaharutan naman sa labas." Bahagyang tawa ni Maam Irene sa akin. Tinangap ko na 'to mula sa kanya.
"Kaibigan lang po. Matalik na magkaibigan," ngiti ko.
"Okay. Sige! Don't be late tomorrow, okay? Night shift."
Tumango na ako at umalis na siya. Excited pa tuloy akong tiningnan ang laman ng supot, at talagang kompleto pa talaga ang pinabalot niya sa akin na pagkain. Napangiti lang din ako at mabilis na kinuha ang bag ko at umalis na.
.
Katabi lang ng Unibersidad ang dormitory ko. Maliit nga lang din ito. Pero okay na sa akin. Sanay na naman ako sa hirap ng buhay namin, kahit sa probinsya pa. Nakangiti kong nilapag ang pagkain sa maliit na mesa na meron ako dito. Foldable pa nga ito, at kagaya ng lahat ng gamit dito sa loob na halos fold-able rin.
I devoured the food after I offered a thankful prayer. Ang bait din sa akin ni Lord.
Nilapag ko lang din ang maliit na rice cooker sa mesa at nagkamay na. Ito lang ang meron ako rito, kanin lang din. Mabubuhay na ako kahit kanin lang ang kakainin ko at itlog sa kada araw. Konting tiis na lang at ga-graduate na ako. Tatlong buwan na lang at matatapos na ako ng pag-aaral. Pero nawala rin ang ngiti ko habang kumakain nang maalala ang naiwan kong bayarin sa school. Kailangan ko pa lang bayaran ito bago mag graduation. Huminga lang din ako ng malalim at mas kumain na.
"Kumusta, Nanay? Si Papa?" Kausap ko si Nanay sa kabilang linya.
I don't know why I called her Nanay. Samantalang si Papa, ay Papa naman. Nakakatawa nga naman silang dalawa.
"Okay lang, anak. Nandito pa kami sa hospital. Hindi pa kasi pwedeng lumabas ang Papa mo."
Umismid lang din ako ng lihim sa sarili. Isang linggo nang nasa hospital si Papa, sa Tagbilaran. May tubig kasi sa atay niya at nahihirapan siyang huminga. Maliban kasi sa sakit niya sa puso, ay naging komplikasyon pa ang atay nito.
"Kumusta ka na diyaan?"
"Okay lang, Nay. . ." tulalang tugon ko.
Hindi ko tuloy mabangit sa kanya ang bayarin kong miscellaneous sa school. Tumingala na ako sa kisame ng kwarto at nilibot nang tingin ang kabuuan ng silid ko.
Ang maliit na quadradong kwarto na ito ay makikita mo agad ng buo sa isang tingin mo lang. Katulad din ng buhay ko. Katulad din sa buhay ng mga magulang ko. Iyung pakiramdam na gustong-gusto kong huminga para makalaya pero ang hirap huminga. Na kahit ang hangin ay hindi malayang singhutin ng isang katulad kong mahirap at salat sa buhay.
Pinikit ko na ang mga mata at inisip ko na lang na nakahiga ako sa malaking kama, at nakaharap sa magandang dagat sa harapan ko.
"May bayarin ka ba anak sa school mo?"
Umayos lang din ako sa tanong niya.
"Wala, Nay. . . Meron pero konti lang naman. Okay lang po." Kagat sa dila ko.
I lied! Paano naging konti ang halos fifty thousand pesos Betty? Baliw lang din ah!
"Hihiram ako ng pera kay Don Ricardo, anak. Huwag kang mag alala."
Huminga na ako ulit ng malalim. Ang laki na ng utang namin sa kanila. Alam kong mabait ang Ama ni Scarlett, sobra. Pero hindi ko halos maisip kung paano namin mababayaran ang utang namin sa kanila. Isama mo pa ang hospital na gastos ngayon kay Papa.
"Okay lang, Nay. Sige na po. Mag-ingat po kayo palagi, Nay. I love you."
"I love you too, Anak. Pupuntahan ko muna ang Papa mo. Nakabili na kasi ako ng gamot niya."
"Sige. Nay." Sabay patay sa tawag ko.
Nilagay ko lang din ang cell phone sa gilid at tumayo na. Mas mabuti pang maligo na ako. Ang dami kong iniisip at pagod pa ang katawan ko.
Tumingala ako sa nag-iisang relo na meron sa dingding. Alas dyes na ng gabi. Ang init lang din kasi at hindi ako makatulog. Wala kasi akong electric fan sa loob. Binalik ko na kasi ito sa kaklase ko. Hiniram ko lang din iyon sa kanya.
Kinuha ko na ang damit at maingat na lumabas ng kwarto. Nakasanayan ko na 'ata na maligo ng gabi imbes na sa umaga. Mahaba kasi ang pila dito sa mga naliligo. Lahat kasi nagmamadali at tatlo lang ang banyo, at ang dami namin sa dormitoryo na ito.
Natawa lang din akong pinagmasdan ang dala dala kong tabo.
Okay, wala na pala akong shampoo. Umiling na ako.
I don't want to complain anymore. I know I will have a bright tomorrow.
Ay mali pala! Tomorrow lang pala at walang 'bright', sabay iling sa sarili ko.
.
C.M. LOUDEN