PMS3-3
NANG maalimpungatan si Jezzen ay agad siyang napabangon.
"So you're killing yourself," anito.
Agad siyang nag-angat ng kanyang mukha. Nasa opisina pa pala siya ng lalaki at nakaupo ngayon sa sofa nito. Nahilot niya ang kanyang ulo.
"A-anong nangyari?" mahinang boses niyang tanong sa binata.
"You fainted, and I think you skip your meals and you lack of sleeps." Nakagat niya ang kanyang labi.
"Is this how you fight? How can I enjoy this if you are not healthy enough to fight me."
Umigting ang kanyang panga. Iniinis na naman siya nito.
"Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa iyo."
He crossed his arms.
"May I remind you again, you started this. If I were you, give up. You're not gonna win."
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao.
"Hindi ako susuko!"
Padabog siyang napatayo. Nang palabas niya'y narinig niya pa ang huling sinabi ng binata.
"Your lips are just like my favorite candy, gummy bears."
Nang sumara ang pinto ay bahagya pa siyang natulala.
"Ma'am?" Natauhan siya at agad na lumabas ng building. He is insane!
Diretso siya agad sa kanyang sasakyan at tinawagan ang best friend niyang si Julie. Wala na siyang maisip na puwede niyang pagsumbungan at hingan ng tulong kundi ito lang. Sandali pang nag-ring ang cell phone ng kanyang kaibigan bago ito tuluyang sumagot.
"Jezzen?"
"Julie!" agad niyang ngawa sa kaibigan.
"Teka, sakit sa tainga ha? Bakit? Anong problema?"
"Bakit ba may sa lahing bipolar iyang magkapatid?" naiiyak niyang sagot.
"Ha? Nako, inborn iyan. Bakit? Sino ba umaway sa iyo? Si Connor ba? Nako kay Jarsey na iyon ha."
"Si Cameron!"
"Nako, ang guwapo ko pa lang dentist. Bakit? Anong ginawa sa iyo? Hindi naman bipolar ang ugali no'n, si Clayd lang."
"Huwag mo ipagtatanggol ang pangit na iyon." Napatawa naman ng malakas ang kanyang kaibigan.
"Pangit? Seryoso ka? Talaga lang ha?"
"Oo! Kasi ang ugali niya!"
"Sus! Bakit nga kasi!?"
"Hinarangan niya ang project ko rito sa Bislig. Ang laki pa rin ng galit niya sa akin. Ang babaw lang naman nang pagsisinungaling ko 'di ba? Saka ginawa ko lang naman iyon para pagtakpan kung saan ka nagtatago 'di ba? Julie!"
"God Jezzen! Hindi ko alam na ganyan pala katindi ang galit niya sa iyo. Kakausapin ko siya. Tintingnan ko kung ano ang magagawa ko para matulungan kita but I can't promise."
Agad na nagliwanag ang kanyang mukha.
"Thank you bessy!"
"Welcome! Ingat ka sa kanya! Haha!" Sasagot pa sana siya pero bigla na nitong pinatay ang kanyang tawag. Parang may double meaning ang sinabi nitong mag-ingat siya sa binata. Like duh? Ano iyon? Halimaw? Tsk!
HE was playing at his phone when it suddenly rang. Agad niyang sinagot nang makita na ang tawag ay galing sa kanyang paboritong sister-in-law.
"Yes?" he smiles as if Julie sees him.
"Kumusta ang guwapo kong dentist?" paglalambing nito.
"Try to flirt and I will grilled your balls... Clyad! Baliw!" Narinig niya sa kabilang linya. Napatawa siya.
"Kuya is there?" tanong niya.
"Oo, nang malaman niyang tatawagan kita, heto ayaw umalis sa tabi ko. Naka-loudspeaker pa ako. Nako, ewan ko na lang talaga."
He chuckled.
"Bakit ka napatawag?"
"Oh speaking why I called you, Jezzen called me."
Agad nawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi. So that woman called his sister-in-law. Naghanap ng kakampi.
"I don't want to talk about it," direstang sagot niya.
"Rude," anang kanyang Kuya Clayd sa kabilang linya.
"Whatever," he said.
"Cameron, you know why Jezzen lied and cover up me. Hanggang ngayon ba ay malaki pa rin ang galit mo sa kanya?"
Hindi siya kumibo.
"Alright. I won't force you, huwag ka lang maging rude sa kanya masiyado. Mabait naman iyon e, sa maling senaryo lang talaga kayo nagkatagpo."
"Yeah, I get it. Ako na bahala sa kanya. See you when I get home," aniya.
"Okay," sagot nito ay pinatay na rin ang tawag.
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Hindi siya ang unang bibigay sa dalaga. he will make sure na magbabayad ito ng mahal sa kanya.
HABANG nag-aayos si Jezzen ng kanyang sarili ay napapatanaw din siya sa labas ng kanyang bintana. Naaawa siya sa mga batang pumapasok pa sa malayong school lang makapag-aral. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Kung hindi lang talaga matigas ang bungo ng lalaking iyon marahil ay nasimulan na niya ang kanyang project.
Napatayo siya ng tuwid. E ano naman ngayon kung may barikada, e 'di kikilos din siya. Tinawagan niya lahat ng mga trabahador at pinasimulan na niya ang pagpapatayo ng building.
She's checking her phone from time to time para naman updated siya. Laking gulat niya nang mabasa ang huling text ng kanyang foreman.
"Ano!?" bulalas niya.
Dali-dali siyang napapunta sa site.
NANG makarating siya ay laking gulat niya nang makita ng demolition team. Hinaharang ang mga tauhan niya.
"Ugh!" inis niyang ungol sa kawalan. Mangiyak-ngiyak siyang napabalik sa kanyang sasakyan at tinungo ang opisina ng lalaki.
Nang makarating siya ay saktong nakita niyang papasok ang binata sa opisina nito. Sinugod niya ito agad. Binato niya ito ng kanyang bag. Tinamaan ito sa ulo.
"What the heck!?" gulat nitong wika at agad na napalingon sa kanya.
"Hayop ka talaga! Baliw ka na! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha!? Sumagot ka!"
"Stop shouting!"
"Then stop pestering me!"
Hinubad niya ang kanyang sapatos at ibinato sa binata. Nakailag din naman ito agad. Nang wala na siyang maibato ay agad na lumapit sa kanya ang binata at kinabig siya. Ibinagsak siya nito sa sofa.
"Are you crazy!?"
"Mas baliw ka!"
"Hindi ba't binalaan na kita? Na kapag kinalaban mo pa ako ay hindi talaga kita uurungan!"
"Ano ba talaga gusto mo. huh!?"
"Pay what you did to me."
"Ha? Like what?"
"Live with me."
Natulala siya sa kanyang narinig. Live with him?