PMS3-2

871 Words
PMS3-2 NAHILOT ni Jezzen ang kanyang ulo. Na-stress siya. Actually kahapon pa. Hindi talaga siya makapaniwalang ganoon ang ending ng kanyang araw kahapon. To think na pinaghandaan niya pa talaga ang ginawa niyang proposal ngunit masasayang lang din pala. Isinuot na niya ang kanyang stockings at lumabas na ng kanyang apartment. Sobrang hassle na kasi kung uuwi pa siya ng Britannia kaya naghanap na lang siya ng mauupahan sa Bislig. Nang makalabas siya ng bahay ay diretso siya agad sa kanyang sasakyan. Hindi naman kagandahan ngunit at least may auto siyang magagamit. Tinungo niya agad ang site. Nang makarating siya sa lugar ay laking gulat niya nang makita ang mahabang barikada sa mismong lupa niya. Agad siyang napalabas ng kanyang sasakyan. "Teka? Ano 'to!?" bulalas niya. Agad siyang lumapit sa guwardiya. Yes. May guwardiya pa ang kanyang lote which makes her surprise. "Kuya, ano ito?" turo niya sa mga bakal na barikada. "Nako ma'am, na-assign lang po ako magbantay dito. Itanong niyo na lang po sa office. Unauthorized daw po kasi ang itatayong building dito." Napanganga siya sa kanyang narinig. "Kuya, may authorization po akong galing sa city. Kahit tingnan niyo pa ang mga papers ko." "Pero ma'am, dumaan din dito ang engineering department ng city. Hindi rin daw po sila papayag." Mas lalo siyang napanganga sa narinig, Natampal niya ang kanyang noo. "Hindi puwede 'to! Lupa ko iyan! Abuso itong ginagawa nila sa akin!" litanya niya at agad na napabalik sa kanyang sasakyan. Sumakay siya agad at tinungo ang construction office ng binata. Sino ba ang puwedeng humarang sa kanya? Wala naman siyang ibang kaalitan bukod sa lalaki. NANG makarating siya sa office ay dire-diretso siya sa pagsugod papunta sa office ng lalaki. "Ma'am, bawal po kayo, diyan!" sita ng sekretarya pero wala, ayaw niyang magpaawat. Malakas niyang itinulak ang pinto ng opisina ng lalaki. "Ma'am..." awat pa ng sekretarya ngunit tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. "Hayaan mo siya," anang lalaki. Inirapan siya ng sekretarya bago tuluyang lumabas. Sa isip niya'y, 'ang sarap bigwasan!' "What are you doing in here?" Umaapoy siya dahil sa matinding pagkainis sa lalaki. "Ano sa tingin mo ang ipinunta ko rito!? Baliw ka na ba!? Sarili kong lupa, haharangan mo!? That's a harassment!" Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair. "I can do what ever I want," sagot nito na ikinabuka naman ng kanyang bibig. "How dare you! Lupa ko iyon Cameron! Lupa ko! Hindi sa iyo!" "So? I don't care. I am enjoying seeing you miserable. Hindi kita hahayaang makuha ang gusto mo." "You are crazy!" "I'm crazy in bed. Want to try?" "Bastos!" Akmang sasampalin niya na sana ang lalaki ngunit agad nitong nasalag ang kanyang kamay. Laking gulat pa niya nang hapitin nito ang kanyang baywang dahilan para magkadikit na ang kanilang mga katawan. "Slap me and I will double my vengeance." Umigting ang kanyang panga. "My offer is still open. You choose. Be in hell? Or be in hell in heaven?" Hindi siya nakasagot. She was stuck staring at his gray eyes. Napapatingala rin siya at halos tumingkayad na siya dahil sa sobrang tangkad ng binata. Cameron Evans Villaraza is a 5'11 ft. tall. Ang pangangatawan nito ay halatang luto sa gym dahil damang-dama ng katawan niya kung gaano katibay ang matipuno nitong katawan. A damn handsome doctor! Natauhan siya nang pumalatak ang binata. "Ayoko!" pagpupumiglas niya. "Then it's fine with me." Binitiwan siya nito. "Leave." "Ayoko! Alisin mo ang mga nakaharang sa lupain ko!" "I said leave!" "No!" pagmamatigas niya. Igting ang panga ng binata at agad na lumapit sa kanya pero nilagpasan siya nito. Laking gulat niya pa nang i-lock nito ang pinto ng opisina. "Ayaw mo umalis? E 'di pagbibigyan kita." Napaatras siya. "Anong ginagawa mo?" "Inuubos mo ang pasensiya ko. Madali pa naman akong mapikon," nakangising wika nito. Damn! He is really a dentist dahil alagang-alaga ng binata ang mga mapuputing ngipin nito. Nakapagtataka lang ay kung paano napasok sa construction firm ang lalaki. Lumapit pa ito sa kanya. Sa bawat paghakbang nito ay siya ring pag-atras niya. Gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Pinapaalis na siya kanina pero nagmamatigas pa siya kaya ito tuloy ang mapapala niya ngayon. "Sisigaw ako!" banta niya pa sa binata. "Sige lang. As if they can hear you. My office are built in with soundproof." Nakagat niya ang kanyang labi. Naglo-loading ang utak niya. Posibleng may gawing masama sa kanya ang binata pero hindi niya nga alam kung ano. Nang sa huling pag-atras niya'y tumama na ang kanyang likuran sa mesa nito. "Are you afraid?" tanong pa nito na may kasama pang pilyong pagngiti. s**t! Kung hindi lang galit sa kanya ang binata, she can be crazy liking him. Pero galit ito and so she is. Nang magtapat na ang kanilang mga katawan ay mariin siyang napapikit. "Open your eyes Jezzen," bulong nito at parang nanghina ang kanyang mga tuhod kaya mabilis siyang napakapit sa edge ng mesa upang kumuha ng suporta. "A-yoko," she stuttered. "Come on. It'll be fun if you obeyed me." Mariin siyang umiling. Inangat naman ni Cameron ang kanyang mukha. Nang magdilat siya ay nakalapat ng ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Before she could react, she fainted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD