PMS3.1
NAITULAK niya ang binata dahil sa kanyang narinig.
"Live with you!? Okay ka lang? Halos ayaw mo nga akong makita tapos magsasama pa tayo sa iisang bahay!? Gago ka ba!?"
Inayos naman ng binata ang nalukot nito tuxedo.
"Uh. Oh. Don't you over exaggerated about my offer. Wala akong maid, ikaw ang kukunin ko." Lalag ang kanyang panga dahil sa kanyang narinig.
Napatayo siya at hinila ang laylayan ng kanyang blusa upang maging maayos ang pagkakalukot nito.
"Ako? Gagawin mong maid!? Baliw ka na talaga! I am a license professional teacher! Kaya huwag mong dumihan ang propesiyon ko!" nanggagalaiti niyang sagot sa binata.
"Oh really? Bakit? Kaya mo ba akong tapatan?"
Nakagat niya ang kanyang labi. Alam niyang mas lamang ang binata. Nag-aral pa ito sa ibang bansa upang maging dentista.
"I am not saying I am mocking on your degree. Hindi ba't gusto mong matapos ang pagpaparusa ko sa iyo? Then be my maid."
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha.
"Sigurado ka ba talagang gagawin mo akong maid?"
"Yeah. I want to see you suffer." Mas lalong nalaglag ang kanyang panga.
"I'm waiting. Tick-tok. Tick-tok." Tila'y parang iniinis pa siya ng husto ng binata.
Natampal niya ang kanyang noo. Oh god! She must lower her pride dahil hindi talaga magpapatalo ang binata sa kanya.
"Fine!" pikit mata niyang sagot.
"I swear Cameron! Kapag hindi ka tumupad sa usapan natin, kakatayin kita ng buhay!"
"I'm scared," nakangisi pa nitong sagot.
"I hate you!" bulyaw niya at agad na napalabas ng opisina nito. Now she's stuck. Wala epek pala ang pagsuaumbong niya kay Julie. Wala man lang progress.
GAYA nga ng deal nilang dalawa ay labag sa loob siyang nag-empaki ng kanyang mga gamit. God! She's getting nuts! Halos ayaw nga siyang makita ng binata tapos gagawin pa siyang katulong plus titira pa sila sa iisang bahay. Hindi na talaga maganda! Justice is gone for her.
Heto siya ngayon, minamaneho ang kanyang sasakyan. Binigyan siya ng address ng binata kung saan ito nakatira. Hindi rin naman kalayuan sa kanyang apartment pero nakikita niyang private property na talaga ang pinapasukan niyang kalsada. May harang pa kasi at may guwardya bago makapasok. Nang umabot ang sasakyan niya sa dulo ng kalsada ay ang malaking gate agad ang bumungad sa kanya. Awtomatiko pa itong bumukas. Kibit-balikat lamang siya at pumasok na. Agad niyang natanaw ang malawak na lugar at ang garden. Sa gilid naman ay ang oval shape na swimming pool. Agad siyang namangha sa laki ng bahay nang mahinto ang kanyang sasakyan sa tapat nito. It was like an old yet well maintain house. Some part of the house are design with modern furnitures and wood carvings. Parang pang out of the country ang bahay. Hindi naman second floor pero sa tingin niya ay malawak ang loob nito. Napapangiwi siya. Okay sana kung siya ang may-ari ng bahay. Talagang magbubuhay donya siya pero mali, dahil gagawin siyang katulong ng binata. Which is unfair!
"You're late."
Agad siyang natauhan. Igting ang kanyang panga at inis na napababa sa kanyang sasakyan.
"Don't expect na may magdadala ng bagahe mo. Remember, katulong ka rito. Self service," anito at tinalikuran siya.
Umaksyon siya na parang susuntukin ang binata pero sa hangin lang ito tumama. Kinuha na niya ang kanyang bagahe. Gustuhin man niyang magprotesta ay hindi niya talaga magagawa. Paano na lang ang kanyang project. Kaya kahit ayaw niya ay mapipilitan siyang pakisamahan ito.
Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay tama nga ang kanyang hinila. Maganda ang loob kaya lang makalat! O parang feeling niya ay sadyang kinalat ito ng lalaki upang maging magulo ito.
"Wala ka bang maid!?" bulalas biya. Itinuro naman siya ng lalaki.
"Hindi ba't ikaw ang maid ko? Nasa kaliwa ang kuwarto. I want you to clean the house right now. Kailangan pag-uwi ko mamaya, malinis na ang mga 'to," tukoy nito sa mga kalat.
Hindi na siya nakasagot dahil agad itong umalis. Naibagsak niya ang kanyang maleta.
"Ugh! Jezzen, kalma! Woh!" cheer up niya sa kanyang sarili.
Binitbit niyang muli ang kanyang maleta at tinungo ang silid na itinuro ng binata. Agad niya itong binuksan. Tumambad sa kanya ang worst kalat ever! Gusto niyang maiyak sa sobrang inis sa lalaki. Ito lang ang nakagawa sa kanya ng ganito. Kahit pa may alam siya sa gawaing bahay pero kung ganito naman ka kalat? Hell! Ang mga kurtina ay nasa sahig. Ang daming alikabok sa mga aparador. At ang agiw sa kisame? Daig pa ang horror house. Ang kubrekama rin ang sobrang luma na at kailangan na ring palitan, lalo na ang kumot at mga punda.
Nakagat niya ang kanyang labi. She said to herself 'fighting'. Iisipin niya na lang na sariling bahay niya ito at kailangan niyang pagandahin.
SHE started cleaning the floor, removing the dusts. Pati ang mga agiw ay inalis niya. She even grabs all the curtains at inilagay niya sa gitna ng sala. Nagwalis siya sa sahig. Naglagay ng floor wax. Naglampaso. Naglinis ng mga bintana. Inalis niya rin lahat nang nasa kama. Naghagilap siya ng mga bago ang gladly, may nakita siya sa aparador. Kulang lang sa pagpag at puwede na gamitin. Sinimulan na niyang palitan ang mga kurtina pati na ang kubrekama, punda at kumot. Nag-spray pa siya ng paborito niyang pabango. And viola! She's done in her new room. Lumabas din naman siya agad at ang sala na naman ang inayos niya. Kumuha siya ng trash bag sa kusina at pinaglalagay ang mga bagay na hindi na magagamit pa. Pinalitan niya rin ang mga kurtina at nilinisan ang mga bintana. She even removes all the dirts as much as her bare eyes could see it. Kung sa salita pa'y mata lang ang walang lata'y sa kanya. Ubos ang dumi. Nang matapos siya'y ang mga kurtina naman ang sinimulan niyang labhan. Walang washing machine! Kaya nagkamay siya. Kumuha siya ng mga batya. Nagsimula na siyang maglaba. Mabuti na lamang at may mga stock ang lalaki. Puno naman ang mga aparador sa kusina ng mga ingredients sa pagluluto, lalo na ang fridge nito. May mga prutas din naman naka-stock.
Nang matapos siya sa paglalaba ay lumabas siya mula sa kusina ay nakunsume na naman siya. Walang sampayan! Bumalik siya ulit sa loob at naghagilap ng mga hindi na nagamit na wires.
"Yes!" sambit niya. Muli siyang lumabas sa kusina at agad na itinali ang magkabilang dulo ng wire sa magkabilang katawan ng puno.
"See, D.I.Y," natutuwa niya pang ani sa sarili.
Kinuha na niya ang mga nalabhan niya at isa-isang isinampay ang mga ito. When she's done she felt so exhausted pero wala pa siyang kain. Bumalik din naman siya agad sa kusina at nagluto ng kanyang tanghalian. Adobo lang ang iniluto niya since natakam siya sa manok sa fridge. When she's done cooking, she started eating with her bare hands. Sa probinsiya siya lumaki kaya sanay siyang magkamay.
Nang matapos siya sa kanyang tanghalian ay agad din naman siyang naghugas ng mga pinggan. When she's totally done ay nanood na lamang siya ng T.V. Sosyal din naman kasi ang bahay. May cable saka WIFI.
NANG maburyo siya ay lumabas siya ng bahay at nagwalis sa bakuran. She even clean the swimming pool. Nate-tempt siyang maligo kaya lang baka mahuli siya ng lalaki. Tatalak na naman iyon. Bibig no'n parang puwet ng manok. Kumikit-balit na lamang siya.
Nang sumapit ang ala sais ng gabi ay nagluto rin naman siya ng hapunan. Para sa kanya at para sa lalaki. Like duh!? Alangan namang para lang sa lalaki. Muchacha na nga siya, titipirin pa siya sa pagkain.
When she's done, umuna na siya sa pagkain ng kanyang hapunan. When she's done, she wash her plate and headed to her room. Routine pa naman niya ay ang mag-half bath bago matulog. Nagtaka pa siyang saglit. Malinis naman ang banyo. Pinagtripan nga yata talaga siya ng lalaki. Binalewala niya na lamang ito at nagpalit ng ng damit na pantulog.
Habang nasa kama siya at nakatutok sa kanyang cell phone ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. Naalimpungatan lang siya nang marinig ang sasakyan ng lalaki. .