PMS3-11

969 Words
PMS3-11 MATAPOS niyang makapag-empaki ng kanyang mga gamit ay agad din naman siyang tinawag ni Cameron. Kinuha pa nito ang kanyang bag at ipinasok sa loob ng compartment ng sasakyan nito. Konti lang ang dinala niyang damit dahil alam naman niyang hindi sila magtatagal doon ng binata. Bibisita lamang sila at mananatili doon ng ilang araw lang. Habang nasa biyahe ay wala silang kibuan ni Cameron. Ewan niya nga ba pero ayaw niya lang talaga mag-open ng topic lalo pa't naiinis siya sa tuwing maiisip na ang kanyang isang panty ay nasa binata. "What'ts wrong?" untag ng binata sa kanya. "Wala naman, bakit?" sagot din naman niya at bumaling sa binata. Itinuon nito ang paningin sa daan at muli ay bumaling sa kanya. "You seems too quite. I don't like it." Bahagya pang nakakunot ang noo nito. Kumikit balikat siya. Masiyadong prangka ang binata sa kanya at gusto niya ang ganitong pag-uugali. Iyong hindi mo na kailangang manghula. "Masama ba kapag tahimik ako?" Nagsalubong naman ang mga kilay nito. "Yes. Malalim ang iniisip mo." "Iniisip ko lang kung nakahalata ba sila Julie kanina sa atin," pagdadahilan niya. "Bakit naman sila mag-iisip ng ganoon? You really are my woman," seryoso pa nitong wika na agad din naman niyang ikinabigla. "Cam..." utas niya. "I am serious. Why they're going to doubt us if we are not really playing at all." Napasinghap siya sa narinig. Wala siyang nakitang paglalaro sa mukha nito at napakaseryoso ng mga salitang binibitawan nito sa kanya. Mariin siyang napapikit. Ayaw niyang umasa. Ayaw niyang mag-assume. "Sabagay," sagot na lamang niya ngunit ang totoo'y kumikirot ang dibdib niya. Hindi na ito muling umimik at nagpatuloy na sa pagmamaneho. NANG makarating sila sa pampang at bumaba na sila sa sasakyan. Nag-arkila ang binata ng malaking bangka para maihatid silang dalawa sa lugar kung saan naroon ang vacation house ng mga Villaraza. Hindi rin naman mahaba ang oras na itinagal nila sa laot. Mga sobra sa trenta minutos bago sila dumaong sa isang isla. And Jezen looks so amazed the way she roam around her eyes. Taga rito siya ngunit hindi pa siya nagagawi sa islang pinuntahan nila ngayon. And Julie was right, malapit lang nga talaga sa Laswitan Lagoon ang vacation house ng mga Villaraza. Cameron offer his hand. Tinanggap din naman niya ito at inalalayan siyang makababa sa bangka. But the moment her feet landed on the sand. She suddenly realized. "Nanggaling na ako rito," bulalas niya. "Really?" "Hindi ba't sa isla na ito nag-propose ang kapatid mo sa kaibigan ko?" Bahagya namang napaisip ang binata sa kanyang sinabi. "Right! I even saw you here," anito at biglang sumimangot ang mukha. Napangiwi siya. Sana pala hindi na niya pinaalala. Malalim pa itong napaisip muli. "I remember. Nalasing ka at sinukahan mo ako. Right into my face." Mas lalo siyang napangiwi sa kanyang narinig. Halos isumpa nga siya nito noong mangyari iyon. "Hmp! Ang tagal na kaya no'n," aniya at bumitiw sa binata. Umuna siya sa paglakad. Alam na alam niya na kasi ang lugar na ito. Nasa gitna pa ang vacation house ng mga Villaraza. May konting pagbabago sa area pero ang daanan papasok ay ganoon pa rin kahit lumapad na ito ng konti. "You're ashamed to yourself, remembering what idiotic scene you've done before," anito pa at nakaismid sa kanya. Inirapan niya ito. Bigla yatang bumalik sa dati ang pagiging masungit nito sa kanya. "Tse!" singhal niya at umuna sa pagpasok sa bahay. Agad na bumungad sa kanya si Julie. "Nag-aaway na naman ba kayo?" bulong pa nito. "Hindi ha," tanggi niya. "Oh? Lovers quarrel." "Isa pa 'to," maktol niya. Tinawanan naman siya ni Julie. "Bakit? In love ka naman talaga sa kanya ah," bulalas ni Julie dahilan para matakpan agad ang bibig ng kaibigan. "Huwag ngayon Julie ah. Baka marinig ka niya." "I heard it," biglang sulpot ni Cameron sa kanilang likuran. Inalis ni Julie ang kanyang kamay. "Oh, narinig naman pala eh. Good luck girl," tawang-tawa pang asar ni Julie sa kanya. "Cupcake! Nandito na sila!" ani Julie at iniwan silang dalawa ni Cameron. Lihim siyang napamura sa kanyang sarili. Ipinahamak na naman siya ni Julie. "You're in love with me?" tanong pa ng binata habang nakapamaywang sa kanyang harapan. Nag-init agad ang kanyang mga pisngi. "Anong in love?" aniya sabay irap. "Oh? Playing hard to get huh? Remember, I already got you." Nakagat niya ang kanyang labi. Tatanggi pa ba siya sa bagay na iyon? "Cam!" biglang sulpot ng kapatid nitong si Clayd. Nakahinga siya ng maluwag dahil kung maiiwanan silang dalawa ay kukulitin lamang siya ng binata dahil sa narinig nito. Tutuloy pa sana siya sa loob pero naabutan ng binata ang kanyang baywang at agad siyang kinabig nito. "Of course Kuya,"nakangiting sagot ng binata sa kapatid nito. "Alam mo naman na ang mga pasikot-sikot dito sa lugar natin 'di ba? You can tour Jezen here," anito pa. "Sure. I'll be honored to do that. Right? Gummy bear?" Alanganin siyang napatango at ngumiti ng pilit. Naiilang kasi siya sa tuwing tinatawag siya nitong Gummy bear. Hell! She felt it must be really meant for her, that endearment made by Cameron. At the same time ay nakararamdam din siya ng kilig. "Wait. Hindi naman siguro masam kung magtatabi kayo 'di ba?" Agad na nanigas ang kanyang leeg. "Aya---" "Oo naman." Lihim niyang nakurot sa tagiliran ang binata. "Then it settled," anito pa at iniwan na sila. Hindi man lang siya nakapagprotesta. "Gustong-gusto mo talaga akong asarin 'no?" Bigla siyang hinagkan ng binata. "Yeah. Next time iyang bra mo na naman ang kukunin ko," anito at binitawan siya. Pumasok na ito sa loob. Nasa balcony pa kasi sila ng entrada ng bahay. Naiwan siyang tulala at napapakurap pa. Nang matauhan siya'y... "Whoa! Makabuang!" bulalas niya at nasabunutan ang sarili at sumunod na rin sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD