PMS3-10.1

981 Words
PMS3-10.1 NANG matapos ang breakfast ay tinulungan na rin siya ni Julie na maghugas ng mga plato habang ang magkapatid naman ay abala sa pag-aliw kay Caspian. Nang matapos ang kanilang gawain ay agad na hinila siya ni Julie sa okyupado niyang silid. "Bakit?" taka niyang tanong. "Usap tayo, girl talk," seryosong sagot nito. Agad din naman siyang napatango. Ngunit bago muna siya nakipagkuwentuhan ay kumuha siya ng bagong panty sa cabinet at agad din namang nagsuot nito sa banyo. Nakalimutan niyang na kay Cameron pa pala ang kanyang panty. Asar na asar siya sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon. Heto na siya, nakaupo sa kama habang ang kaibigan naman ay nakatayo lamang at nakasandal sa kanyang cabinet. "Sabihin mo sa akin ang totoo Jezen," seryosong panimula nito. Malungkot siyang napatungo. "Walang kami Julie," mapait niyang sagot. "Alam ko," sagot nito. "Maging si Clayd," dagdag nito. Bumuntong-hininga siya. "Pero mahal mo," anito. "Bumalik ang dati kong nararamdaman para sa kanya at hindi ko na namalayan, lubog na lubog na pala ako. Ayaw ko lang aminin," naluluha niyang wika. "Hinahayaan mong gamitin ka ni Cameron? Nahihibang ka na ba?" "Pumayag ako dahil para sa school project." "After ng project? Ano na?" Hinimas pa nito ang sintido. "Ewan. Maghihiwalay kami ng landas. At saka ang hirap ng ganito. Alam ko naman na laro lang naman ang lahat nang ito para kay Cameron. Pero hindi ako nagsisisi na sumugal ako at pumasok sa ganitong sitwasyon. It's a one sided love, I guess." "Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Cameron," dipensa naman nito. "Hindi ko alam." "Umamin ka nga sa akin. Bukod sa pagiging muchacha mo sa kanya, may nangyari ba sa inyo?" Napalunok siya at pinahiran ang kanyang mga luha sa mata. Matagal siyang nakasagot sa kaibigan. Agad din namang namilog ang mga mata nito. "You mean!? Oh my god Jezen! Unya day, nakatilaw gayud kag dako no?" Wala sa sarili niyang nahampas ang kaibigan at malakas na napatawa. Pinapagaan nito ang kanyang mood at epektibo rin naman ito. "Hastang dakua!" "Ay, sama ra na sa bitin sa akong bana, dili sad matabang kung ugumon!" Nagtawanan silang dalawa ni Julie. "Alam ba niya?" biglang seryosong tanong nito. "Hindi. Sino ba ako para sabihin sa kanya at ipaliwanag iyon Julie. Isa pa'y matagal nang tapos ang bagay na iyon." Bumuntong-hininga naman ito. "Huwag kang mag-alala, kakausapin ko si Clayd. Hindi ka niya dapat pangunahan o ang makialam man lang sa inyong dalawa ni Cameron. Pareho na kayong nasa tamang edad at isa pa'y sarili ninyong desisyon ang pumasok sa ganitong sitwasyon." "Nag-aalala ako Julie. He is not my first at big deal iyon sa akin." "Why bother? Hindi ganoon si Cameron, lalo na si Clayd at Connor. Pinalaki sila ng maayos ni mama Marinel. Kung iniisip mo ay hindi ka deserving para sa kanya if in case na mahulog man ang loob niya sa iyo. Don't be. Cameron won't disrespect you. He will treat you as a precious gem. Hindi kabawasan iyan sa ating p********e. We deserved to be loved. We deserved to be treated as what we knew is right. And this world is free. Yes, people might judge, yes, people may mock at you but don't get affected on that. Nagmahal ka lang naman at nasaktan ng tanong hindi pala nararapat para sa iyo. We all do have sacrifices. Much worst than what you've think. Don't let negative thoughts crash you down. Instead, go with the flow and let the positive things guide you." Naluha siyang muli sa sinabi ni Julie at mahigpit na niyakap ito. Kahit man lumuluha ang kanyang mga mata ay magaan ang kanyang loob. Masiyado siyang apektado ngunit naliwanagan na siya ng husto sa sinabi ni Julie. Yes, Cameron said it already to her, that he won't think like that but she can't avoid it. Now Julie is giving her so much strength, she can survive with it. MATAPOS ang masinsinan nilang kuwentuhan ng kaibigan niyang si Julie ay lumabas na sila ng kanyang silid. "Cam, sumunod na lang kayo sa vacation house natin," anang Clayd. "Yes Kuya, we will. Ingat kayo," sagot naman ni Cameron. "We'll go ahead Jezen," baling pa ni Clayd sa kanya. "Sige," tipid niyang sagot. Kumindat lang din naman si Julie sa kanya. Nang maihatid nila ang mga ito sa sasakyan at pasimple pa siyang humalik sa anak ni Julie. "Bye baby Caspian," aniya. Tumawa lamang ito sa kanya. "Ingat kayo," ani pa ni Cameron at bigla siyang hinapit sa kanyang baywang. Makahulugan namang ngumiti si Julie sa kanya. She silently despair in her thoughts. Nang mawala ang sasakyan ng mag-asawa ay agad naman siyang binalingan ni Cameron. "Mag-empaki ka na. Susunod tayo agad sa kanila." Tipid naman siyang tumango. "Teka, akin na iyong panty ko," aniya pa kay Cameron. "Ayaw ko nga," sagot pa nito at umuna sa pagpasok sa loob ng bahay. Agad niyang hinabol ito. "Anong ayaw mo? Akin iyan ha! Don't tell me susuotin mo iyan? Ew!" natatawa niyang ani. "What? I am not that crazy but I am just horny, every time I see your undies," nakangiti pa nitong wika at kinuha ang panty niyang nakatago sa bulsa ng pajama nito. Ibinandera pa ito sa kanyang harapan. Namilog ang kanyang mga mata. Marahil ay pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang kahihiyang ginawa sa kanya ni Cameron. Agad niyang kinuha ang mini pillow sa sofa at ibinato sa binata. Tinamaan ito sa dibdib at tinawanan lamang siya pagkatapos ay pumasok na ito sa kuwarto nito. Agad siyang sumunod pero naka-lock na ang pinto nito. "Cameron! Hoy! Ano ba!? Ibalik mo sa akin iyan!" sigaw niya. Bigla namang bumukas ang pinto at bigla siyang binigyan ng matunog halik sa labi ng binata. "No way," anito at pinagsarhan siya ulit ng pinto. "Letse!" mura niya at padabog na lamang na pumasok sa kanyang kuwarto para makapag-empaki na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD