PMS3-11.1
Agad niyang hinanap si Julie at natagpuan niya ito sa kusina at para yatang buntis ito dahil sa dami ba naman ng hilaw na mangga na sinamahan pa ng ginisang bagoong. Pati siya ay natakam at biglang naglaway.
"Hoy!"
"Baki ka! Oh?" gulat nitong ani habang nakasubo pa rin ang hilaw na mangga sa bibig nito.
"Pahingi!" aniya at agad na dumukot pero agad siyang inawat ng kaibigan.
"Huwag mo gagalawin ang pagkain ko. Naglilihi ako. Gusto mo lumipat sa iyo?"
Namilog naman ang kanyang mga mata.
"As in? Buntis ka? Hula ko lang iyon sa isipan ko e!"
Tinawanan naman siya ni Julie.
"Yup, almost four months na. Hindi mo lang pansin kasi lagi ako nakabestida. Babae ang baby ko."
Agad niyang nayakap ang kaibigan.
"Masayang-masaya ako para sa iyo."
"Ikaw? Kailan mo balak magpabuntis diyan kay Cameron para hindi mo na problemahin iyang pagiging one sided lover mo."
Agad siyang napasimangot at kinuha ang isa pang manggang hindi pa nababalatan. Tinalup niya ang balat nito.
"Wala akong pag-asa ro'n. Puro kamanyakan lang nasa utak no'n. Alam ko namang laro lang itong ginagawa namin kahit pa binabato niya ako ng mga mabubulaklak niyang mga salita. Masakit mag-assume, paano pa kaya ang umasa," sagot niya habang hinihiwa ang manggang kanyang binalatan at isinawsaw ito sa ginisang bagoong.
"Kahit na. Hindi mo naman kasi talaga alam kung ano ang itinatakbo ng utak niya, 'di ba? You know boys. They're born insensitive and unpredictable, unlike us."
"Tumpak!" sang-ayon din naman niya.
"Prangka naman siya eh, kaso may mga times lang talaga na hindi ko alam kung seryoso ba siya o nakikisabay lang sa trip ko. Alam mo iyon?"
"Gaga ka. Hindi adik ang boylet mo. Takot ka lang."
Napabuga siya ng hangin.
"Jezen, seryoso. Huwag kang gagawa na pagsisisihan mo sa bandang huli. Huwag kang gumaya sa akin. Sinuwerte lang ako Jezen. Kung nagkataong natuluyan si Clayd noong mga panahong iyon? Malamang susundan ko siya dahil kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon. Ang punto ko, wala masama sa umasa at sumugal. Natural lang na masaktan ka kasi nagmahal ka. Sabi nga nila, 'di ba? No gain, no pain. Take the risk or leave it away, kung ayaw mo. Ganoon kasimple."
Kumikit-balikat na lamang siya. Tama naman talaga ang kaibigan niya kahit saang aspeto niya pa tingnan. Siya lang talaga itong hindi mapakali sa sariling desisyon.
"Iyang pakain-kain mo ng mangga baka buntis ka na ha? Nako, malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi mo iyan sinabi kay Cameron. Ako mismo puputol ng bayag no'n."
Nangasim lalo ang mukha niya.
"Aasa lang ako sa wala! Wala akong matres! Remember noong nahulog ako sa duyan? Pinahilot ko 'to eh."
Inirapan naman siya ni Julie.
"Malay mo naman 'di ba? Naka-three points siya," anito at napatawa ng malakas.
"What's with the three points?" biglang sulpot ni Cameron sa likuran ni Julie.
"Basketball iyon!" pagtatakip pa ni Julie.
"Gusto mo mangga?" dadag nitong alok sa binata.
"Iba gusto ko," sagot nito at nakatitig sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng kanyang mga mata at lumamon ng todo.
"Asus! Ibang asim pala hinahanap eh! Cupcake! Iyong dagat! Nilanggam!" malakas pang sigaw ni Julie sabay walk out sa kanilang harapan. Muntik pa siyang mabilaukan. Asa talaga ang kaibigan niya kahit kailan.
"Anong pinag-usapan ninyo?" seryoso nitong tanong at kumuha ng isang slice ng mangga.
"Wala naman," maang-maangan niya.
"Magaling ka talagang magsinungaling," sagot naman nito dahilan para mahampas niya ito sa balikat.
"Whoa! Asim! Ang asim talaga! Makapag-swimming na nga lang!" aniya at agad na nag-walk out sa harapan nito. Diretso siya agad palabas ng bahay. Nagmamadali pa siyang makapunta sa dalampasigan. Alam niya kasing for sure ay kukulitin lamang siya nito kapag nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa. Mabuti na lang talaga at ready to swim na ang suot niyang bikini.
Agad siyang naghubad ng kanyang damit. She looks so stunning and admit it or not, may ibubuga rin naman ang katawan. Now she wonder, that ex-girlfriend of Cameron, named Gladys. Does she have this kind of body too? A body to die for? Napairap siya sa kanyang sarili. Hayan na naman siya at puro negatibo na naman ang iniisip niya. Kasasabi lang sa kanyang ni Julie na huwag masiyadong seryosohin ang mga bagay-bagay lalo pa't alam naman niyang nasa tamang landas siya. Nasa tama nga ba talaga?
Huminga siya ng malalim. Nang hahakbang na sana siya pasulong ay agad din naman siyang napahinto dahil sa kamay na pumigil sa kanyang braso. Nang lingunin niya ito'y agad namilog ang kanyang mga mata.
"Cameron, bakit?"
"You're swimming without me?" Nakakunot pa ang noo nito.
"Oo, bakit? May problema ba ro'n?" taka rin naman niyang tanong.
""You're swimming here with a pervert looks of the boatmen right staring at you? Fantasizing you? I won't let that happen."
Napanganga siya sa kanyang narinig.
"Natural! Beach ito Cameron at saka hanggang tingin lang naman sila. Hindi naman nila makukuha o kaya mahahawakan. Sus."
Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso.
"Are you going to disobey me now huh? Do you want me to call the engineering department to sign a petition for your illegal constructing?"
Agad siyang napaurong.
"Teka lang, ang big deal naman sa iyo nito. Para maliligo lang iyong tao eh! Makasalanan na ba iyon? At saka ano naman ngayon kung nakatingin ang mga tao sa akin? Natural may mga mata sila at saka kailan pa ipinagbawal ng Diyos ang makita ang magandang tanawin aber?"
Mas lalong sumimangot ang mukha nito.
"You're not that pretty," prangka nitong sabi dahilan para uminit na rin ang ulo.
"Alam mo Cam? Kung ayaw mong mag-enjoy? Eh 'di sana nagpaiwan ka, 'di ba? Eh, 'di sana hindi na lang tayo sumunod kina Julie. Okay tayo kaninang umaga eh! Okay na okay, 'di ba!?" pagtataas na niya ng boses kasabay nang sarkasmo niyang pagsagot sa binata. Umigting naman ang panga nito.
"Don't make me spill it," matigas nitong ani.
"Eh 'di huwag!" nakataas niyang kilay na sagot at tinalikuran na ito.
"Yes you're not that pretty but you were beautiful in my eyes and I'm jealous! I am f*****g jealous the way those scumbag dickhead fantasize at you, at my Gummy bear and I don't like it..."
Hindi siya nakagalaw dahil sa kanyang narinig. Selos? Iyan agad ang pumasok sa utak niya. Hindi kaya? Hala ka day!