PMS3-1

770 Words
PMS3-1 HALOS matisud na si Jezzen dahil sa pagmamadali makarating lamang sa construction firm branch office na kanyang inaplayan. She's been praying for this na sana ay ma-approve ang kanyang proposal. Gusto niyang magtayo ng isa pang kindergarten school sa kanilang lugar sa Surigao del Sur, sa Bislig. Halos kumpleto na ang kanyang mga papeles. Ang kailangan na lamang niya ay ang pag-approve ng mga board member sa kanyang proposal. Well, she owns the lot, pero matigas ang may-ari sa katabi ng kanyang lupa. Ayaw nitong may iba pang building na itayo it's because the advocacy of the firm was to limit those building na itatayo at sobrang lapit kasi nito sa tourist attraction ng Tinuy-an Falls. Nababanas siya dahil okay naman ang city sa gagawin niyang proyekto at para rin naman ito sa mga bata. Kaso epal lang talaga ang may-ari ng lupa sa tabi ng kanyang lupa. Though she has the rights but well, hindi naman kasi pipitsuging kindergarten ang itatayo niya. It's a two story building. Ang rason pa ng mga nakakausap niya ay mapapangit daw ang view. Dapat daw ang itayo niya at tourist attraction din which makes her pissed off. Bakit ba kasi kailangan diktahan siya e pera naman niya ang lulustayin. Nang makarating siya sa office ay hinahabol niya pa ang kanyang hininga. She rest a bit at inayos ang kanyang nagusot na damit. Huminga siya ng malalim at nang mapapikit siya'y biglang may pumasok sa utak niya. 'Mapapatawad lang kita kung katumabas ng sorry mo ay sarap na gusto kong malasap. Name it! And I will kneel down.' "Peste! Ga samok ra siya sa imong utok Jezzen! Pagpuyo oy! Ginoo ko!" litanya niya sa kanyang sarili nang maalala ang mga katagang iyon mula sa lalaki. Lumapit siya sa information desk. "Iyong head niyo ba nandiyan na? Ang sabi kasi sa akin, nandiyan daw siya." Nalukot naman ang mukha ng kaharap. Sa utak niya 'ang arte'. "Kayo na naman po? Ma'am pasensiya na talaga pero decline talaga kayo." Napanganga siya sa kanyang narinig. "Miss, napipikon na ako ha, ilang ulit na akong pabalik-balik dito sa office ninyo. Sino ba talaga ang head niyo at para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya? Friendly nature ang itatayo kong building at hindi makakasira sa iba!" Umalsa na ang kanyang boses. Naiirita na kasi siya. Inirapan naman siya ng babae at may tinawagan sa telephone. Sumenyas ito na dumiretso siya sa office. Sa pinakadulo. Diretso siya sa pagpasok, ni hindi na nga siya kumatok dahil sa sobrang inis. At nang makapasok siya ay parang gusto na niyang umatras na lamang. Nakalumbaba ang binata habang nakaharap sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito at halos nakatitig lamang sa kanya. Tipong isang kindat lang ay mahuhubaran na siya dahil sa lagkit nito kung makatitig sa kanya. "Why are you here?" wala pa ring emosyon ang boses nito. Napalunok siya at biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. She can't be dreaming. No way! Dahil ang lalaking kaharap niya ay si Cameron Evans Villaraza. Ang lalaking punong-puno ng pagkamuhi sa kanya. "I..." tanging sambit niya. Tumayo ito at lumipat sa harapan. Sumandal sa mesa at itinukod ang mga palad sa magkabilang edge ng table. Napatikhim siya upang maibsan ang kanyang tense. "Hindi ko alam na ikaw pala ang head ng construction firm dito sa lugar namin," aniya. "So?" tanging sagot lamang nito. "Why are you declining my proposals?" tahasang tanong niya. "Why? Does it obvious? I don't like it." "But..." Tumayo ito ng tuwid at lumapit sa kanya. "May I remind you Miss Del Rosario. Do you already forget what you did to me? Now you are asking why I dumped all of your proposals? Did you really ever think that I am just a simple man who can easily forget everything? May I remind you. Napilitan lang akong pakisamahan ka the last time I have a medical mission in Britannia. I even never last for two days because I am sick of seeing you. Now tell me Jezzen? What did you do?" Hindi siya nakapagsalita. Tatlong dangkal na lang ang layo nilang dalawa sa isa't isa. Nabibingi siya sa lakas ng t***k ng kanyang puso. Halos nakapako lang ang kanyang mga paa sa sahig. "Do you remember what I said to you the last time we met? Pay the price na katumbas ng ginawa mo sa akin then I will kneel down to you." Napalunok siya. She can't think straight. "No!" bulalas niya at agad na napalabas ng office. No way. Hinidi siya bibigay. Gagawa at gagawa siya ng paraan kahit na wala ang approval nito. So be it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD