PMS3-8

1071 Words
PMS3-8 MATAPOS siyang halikan ng binata ay muli na nitong pinaandar ang sasakyan. Her heart was filled of so much joy. Sa sobrang saya tipong hindi na niya alintana ang kahihinatnan nito kung sakali man. Cameron smiled at her and she responds too. Dinala siya ng binata sa isang fast food at ito na rin ang nag-order para sa kanya. Habang kumakain ay maraming tumatakbo sa utak niya. "You alright?" puna nito. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. "Cam," utas niya dahilan para mapatigil ang binata sa pagsubo. "Yes?" "Puwede ba ako magtanong?" "Hmm. Sure," magiliw din naman nitong wika. "Bakit ka nga pala napasok sa construction firm? Hindi ba't nasa medicine ka? I mean, malayo sa passion mo." "Hmm. Is that it?" Alanganin naman siyang tumango. "Hindi sa akin ang construction firm. It was from my close friend. He was at his vacation so he begged me to replace him for a while. Since I also had a investment in his firm then I just can't say no to him. Madali lang din naman mag-handle ng ganito business once you wanted to learn." Napatango-tango naman siya nang biglang kumuha ng tissue ang binata at pinahiran ang kanyang labi. Nang makita niya ang tissue na hawak nito ay bumakat dito ang mantsa ng ketsup. Konti siyang napaubo. Pinagtitinginan sila ng ibang tao. "S-salamat," matipid niyang ani. Ngumiti lang din naman si Cameron sa kanya. God! Nagwawala ang puso niya sa tindi ng kanyang kilig. AFTER they ate their lunch ay hinatid naman na siya ni Cameron sa bahay nito. Wala naman na siyang ibang lakad kaya nagpauwi na lamang siya. Nang makarating sila sa bukana ay agad na napuna ni Jezen ang isang matandang lalaki. Agad siyang bumaba sa sasakyan ni Cameron. "Magandang tanghali po ma'am," bati nito. "Si..." panimula niya ngunit biglang sumulpot si Cameron sa kanyang likuran. "Mang Gido, napadalaw kayo?" anang Cameron sa matanda. Napakamot namam ang matanda sa kanyang batok. "Eh sir, tapos na po ang bakasyun ko eh." "Oh! I forgot! Dala mo na ba ang mga gamit mo? Pasensiya ka na Mang Gido, nakalimutan ko po kasi." "Nako, wala po iyon sir." This is awkward for her. "Mang Gido, si Jezen po pala," pakilala ni Cameron sa kanya. "Hello po," bati niya at nakipagkamay sa matanda. "Girlfriend po kayo ni sir, ma'am?" "Hin--" "Yes," putol nito at agad siyang hinapit sa kanyang baywang. "Caretaker ko siya sa bahay gummy bear," dagdag pa nito. And where's that endearment came from huh? Sa utak ni Jezen. Hindi siya makapagsalita at tanging tango lamang ang kanyang naging tugon. "Mang Gido, babalik na po ako sa trabaho," paalam pa nito. "Ingat po kayo sir," anang matanda. "Ingat ka," aniya rin naman. Kinindatan lang siya ng binata at sumakay na sa kotse nito. Kumaway lamang siya hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin niya ang sasakyan nito. Humarap siya sa matanda. "Nagtanghalian na po ba kayo?" "Nako ma'am, ayos lang po ako," nakangiti pa nitong ani. Umiling siya. "Ipagluluto ko po kayo. Galing po kayo sa biyahe, 'di ba po?" "Nako ma'am nakakahiya po sa inyo. Okay lang po talaga ako." "Wala nang pero-pero, tara po sa loob." Kinayag niya ang matanda papasok sa loob ng bahay. Nang nasa kusina na sila ay talagang hindi nagpaawat ang matanda at tinulungan siya sa paghahanda ng meryenda. Tapos na kasi raw itong maghapunan kung kaya'y meryenda na lamang ang inihanda ni Jezen para rito. Sa beranda na rin nilang dalawa naisipan na magkuwentuhan habang pinagsasaluhan ang ginawa niyang fresh fruit salad. "Matagal na po ba kayong naninilbihan kay Cameron?" panimula niya. Tumigil ito sa pagsubo. "Sampung taon na rin po ma'am," sagot nito. "Talaga po? Pero hindi po siya permanente dito, 'di ba po?" Tinanguan naman siya ng matanda. "Tuwing summer lang po nandito si sir, o kaya naman kapag gusto niyang po na magbakasyun. Pero iba po ngayon. Sa kanya po yata ibinilin muna ang negosyo ng kanyang kaibigan." Siya naman ang napatango-tango. "Ma'am parang pamilyar po kayo sa akin," biglang wika naman nit kaya bigla rin siyang nakaramdam ng pagtataka. "Talaga po? Baka naman nagkita na po tayo sa pamilihan," sagot naman niya. Umiling naman ito at napahawak sa baba nito. Malalim itong napaisip. Tila yata'y inaalala ng matanda kung saan nga ba siya nakita nito. "Naalala ko na ma'am! Ikaw iyong babaeng may atraso kay sir." Napanganga siya sa kanyang narinig. Lihim niyang nakuyom ang kanyang kanang kamao. Iniisip niya. Humanda si Cameron pag-uwi. Talagang ipinagsabi pa nito sa iba ang naging alitan nilang dalawa. "Sinabi niya po sa inyo na ako ang babaeng kinamumuhian niya?" paniniguro niya pa. "Opo ma'am, nakita ko nga po ang picture sa table ni sir dati, mga two years na rin po ang lumipas." Nakagat niya ang kanyang labi. "May sinabi pa po ba siyang iba?" "Ay wala na po ma'am pero laking pasalamat ko at nagkabati na ho kayong dalawa. Akalain ninyo nga naman, sa inyo rin pala babagsak si sir." Gusto niyang matawa pero pinipigilan nito. Kung alam lang ng matanda ang totoong estado nilang dalawa ni Cameron. Hindi na lamang siya umimik at nagpatuloy na sa pagkain. "Dito po ba kayo nakatira ma'am?" usisa nitong muli. "Opo. Hmm, ang hirap po ipaliwanag kung bakit pero sabihin na lang po nating ginusto naming dalawa," nakangiti niyang sagot kay Mang Gido. Ngumiti lang din naman ito sa kanya. "Pero walang biro ma'am bagay po talaga kayo ni sir, sana po kayo na talaga ang magkatuluyan. Hindi ko kasi gusto iyong dating nobya ni sir," anito na ikinaawang naman ng aking labi. "Nobya?" Natampal naman nito ang noo. "Ang daldal ko talaga. Nako ma'am wala po iyon," anito at akmang tatayo na sana ngunit agad niya itong pinigilan sa braso. "Sino po siya?" Bumuntong-hininga naman ito at bakas sa mukha ang matinding alinlangan. "Si Gladys po ma'am, pero hindi naman po niya pinatira ang babaeng iyon dito. Dumadalaw lang po." Igting ang kanyang panga. "Nagtagal ba sila?" curious niyang tanong. "Ang pagkakaalam ko ma'am ay mga siyam na buwan din na naging sila pero hindi madalas magkuwento si sir tungkol sa babaeng iyon. Sa inyo ang madalas." Napataas naman siya ng kanyang kilay at hilaw siyang napatawa. "Hindi ko po sasabihin kay Cameron ang sinabi ninyo sa akin, promise," paniniguro niya pa. "Nako ma'am salamat po talaga. Sige ma'am Jezen, mauna na po ako sa inyo." Tinanguan niya lamang si Mang Gido.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD