PMS3-8.1

927 Words
PMS3-8.1 NANG iwan siya ni Mang Gido ay malalim siyang napahugot ng kanyang hininga. Mas dumami tuloy ang iniisip niya dahil sa kanyang nalaman. Iniisip niya kung minahal nga ba ni Cameron si Gladys. Iniisip niya rin kung hiwalay na nga ba talaga ang dalawa. Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata habang kuyom ang kanang kamay. Stress na stress ang utak niya. She's happy that Cameron claim her as his woman but the fact that Cameron didn't say he loves her, makes her feel not so sure. Muli ay huminga siya ng malalim. Dahil sa pagbanggit ni Mang Gido sa nakaraan ng binata ay nakaramdam siya ng insecurities sa kanyang sarili. Yeah. Cameron talks a lot of her but she knows, all of it was a back stab. Natural galit ang binata sa kanya. Sumasakit ang ulo niya. Nahilot niya ang kanyang sintido. Tumayo na siya at pumasok na sa loob. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili. Lumabas din naman siya sa kanyang silid at nagluto ng hapunan. Matapos niyang makapagluto ay bahagya siyang sumulyap sa suot niyang relo. Uuwi na ang binata ngayon. She set up the table. She's about to place the plate pero nabitiwan niya ito. Muntik pa itong mabasag mabuti na lamang at diretso ito sa place mat. Nasapo niya ang kanyang noo. Masama talaga ang kanyang pakiramdam. Nahihilo siya ngunit pinilit niyang tinapos ang paghahain sa mesa at tinungo ang kanyang silid. Diretso siyang bumagsak sa sahig at nagdilim agad ang kanyang paningin. HE was keep on staring at his wrist watch. Excited siyang umuwi ng bahay. He don't know but he is missing Jezen so badly. Ang dami niyang kababalaghang ginagawa ngayon pero masaya siya. Sobra. Ewan niya ba ngunit aminin man niya o hindi ay talagang binago ng dalaga ang kanyang nararamdaman. Napagtanto niya iyon matapos nang may mangyari sa kanilang dalawa ng dalaga. Pakiramdam niya'y may pananagutan siya rito at isinantabi ang matagal na niyang galit sa binata. Tama ang sinabi ng kanyang kuya Clayd. Healing is easy when you learn not to think about the past and focus on what's there. Nang makarating siya sa bahay at maigarahe ang kanyang sasakyan ay agad din naman siyang lumabas at kinuha ang kanyang bag. Pumasok siya agad sa bahay at hinubad ang kanyang coat. He even place his bag and the car key on the sofa. "Jezen," tawag niya pero walang sumagot sa kanya. Agad na kumunot ang kanyang noo. Lumakad siya papuntang kusina ngunit agad din naman siyang napahinto nang makita bukas ang pinto ng kuwarto ng dalaga. Agad siyang lumapit. "Jezen," tawag niyang muli sabay tulak sa pinto. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita sa sahig ang dalaga at walang malay. Agad niya itong nilapitan. "Jezen! Wake up!" nag-aalala niyang wika sa dalaga. Sinapo niya ang noo nito. Inaapoy ito ng matinding lagnat. Agad niyang kinarga ang dalaga at inihiga sa kama. Muli siyang lumabas ng silid ng dalaga at tinungo ang kanyang silid. Kinuha niya ang kanyang medicine kit. Pumunta rin siya sa kusina para kumuha ng maliit na planggana at nilagyan ng maligamgam na tubig. Bumalik siya sa silid ni Jezen at inilapag sa lamesita ang mga dala niya. Umupo siya sa tabi nito at tinanggal ang butones ng kanyang sleeve sa bandang wrist at inangat hanggang umabot sa kanyang siko. He immediately open the medicine kit at kinuha ang bote ng Paracetamol. Liquid ang kinuha niya dahil alam niyang hindi kaya ng dalaga ang lumunok ng tabletas ngayon. Sinira niya ang suot nito blusa upang maging presko ang pakiramdam nito. Kinumutan niya ito. Hinugot niya ang panyo sa bulsa niya at inilublob sa plangganang may tubig. Piniga niya ito at inilagay sa noo ng dalaga. Lumabas siya at pumunta sa kusina para kumuha ng pitsel at baso. Binuksan niya ang bote ng gamot at uminom ng konti na tama lang sa dosage para sa katawan ng dalaga. Hindi niya ito nilunok at hiyaang manatili ito sa kanyang bibig. Agad niyang hinawakan sa batok ang dalaga at bahagya niyang inangat ang ulo nito. Ibinuka niya ang bibig ng dalaga at hinalikan ito. Agad niyang ipinasa ang likido rito. Dahan-dahan itong napalunok at bahagyang umasim ang mukha. Sandali na itong nagkakamalay ngunit alam niyang panandalian lamang iyon dahil sa nalahasahan nitong gamot. Uminom din siya ng tubig at muling ipinasa sa dalaga. Kinuha niya rin ang kanyang stethoscope at mataman itong sinuri. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro niyang walang kahit anong abnormal sa pagtibok ng puso nito. Habol pa rin ng dalaga ang hininga nito at patuloy din siya sa pag-monitor. Nag-aalala siya ng husto. Bakit bigla na lamang itong nagkasakit gayong hindi naman niya ito nakitang nagpaulan o kaya naman ay nalipasan ng gutom. Napaisip siya baka napagod ito sa paglalaba o kaya naman ay stress ito. Agad siyang nakaramdam ng guilt. He remembered, last time Jezen fainted dahil nalipasan ito. Tumayo siya at tinungo ang kanyang silid. Agad siyang nag-shower at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinawagan niya sa telepono si Mang Gido na naroon lang din naman sa likod ng kanyang bahay. Hindi kalayuan ang tirahan nito at kahit na nakabukod ito'y sinisiguro niyang agad niya itong mahihingan ng tulong. Lumabas siya sa kanyang silid nang marinig ang doorbell. "Magandang gabi po sir, may kailangan po ba kayo?" agad nitong ani nang kanyang pagbuksan. "Pakibalik po sana ng washing machine ko rito Mang Gido. Magpaalalay na lamang kayo sa guwardiya. Iyong washing machine na bago ko pong bili sana." "Sige po sir," anito at kanya lang din naman itong tinanguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD