PMS3-7.1

1057 Words
PMS3-7.1 NATAPOS na si Jezen sa pagluluto ng agahan at heto siya ngayon, paroon at parito ang lakad sa harapan ng pinto ni Cameron. Hindi niya kasi alam kung kakatok ba siya o tatawagin na lamang o sabay niyang gagawin. God! Para na siyang baliw! Hindi naman siya ganito. Yeah! Before when there is nothing happen between them but right now is different. Huminga siya ng malalim. Bahala na. Kakatok pa lamang siya sa pinto nang bigla itong magbukas. Agad nanigas ang kanyang leeg at agad na napalunok. "B-breakfast," alanganin niya pang sabi. Tinanguan lamang siya nito at lumabas sa silid, pagkatapos ay isinirado ang pinto. Umuna ang lalaki ngunit laking gulat niya nang hawakan nito ang kanyang kamay ay hilain papuntang kusina. Usually naman kapag ganito ang eksena ay hindi siya papansinin nito pero iba na ngayon. Nang umabot sila sa kusina ay hawak pa rin ng binata ang kanyang kanang kamay. Umuna ito sa pag-upo at laking gulat niya pa nang pati siya ay paupuin sa tabi nito. She fidget. "Why so tense?" kalmadong tanong lamang ng binata sa kanya. "Ha? Hindi," tanggi niya pero iyon naman talaga ang totoo. She's tense. "Kumain ka na," wika nito. Tango lang ang itinugon niya. Lihim siyang napapikit ng mariin. Never silang nagtabi ng binata sa hapag. Ngayon lang! Kaya naman ganoon na lang katindi ang kaba niya. Ayaw pa rin talaga mag-sink in sa utak niya ang mga nangyayari. "Jezen," tawag nito. Sa gulat niya'y nabitiwan niya ang kubyertos. "Ha?" agad na baling niya sa lalaki. "You're weird." Huminga siya ng malalim. "Tayong dalawa ang weird. Look Cameron, I am still in space thinking those every words you said to me last night. Sino ba ang hindi magkakaganito? You're confusing me. You're making it hard for me," naluluha niyang pagtatapat sa binata. Cameron held her face and wipe her tears away. "Can you just not overthink everything? Can you just trust me?" Nakagat niya ang kanyang labi. "Paano ako magtitiwala sa iyo kung wala ka namang sinasabing kahit ano." Napahikbi siya. "I said to you last night, I will claim you as my woman. Can you hold for that words?" Napasinghot siya at pinahiran ang kanyang mga luha. "What I said last night is not enough. But at least, can you trust that for me? You know what happen between us. You know why we end up like this. Please Jezen, give me some time." Hinagkan ng binata ang kanyang noo. Napatango siya. Wala mang kasiguraduhan ngunit gaya nga ng hiling nito'y susubukan niyang panghawakan at pagkatiwalaan ang mga salita nito. Pareho silang nabigla sa mga pangyayari. Alam niyang may galit pang natitira ang lalaki sa kanya at alam niyang pinipilit din nito ang ilagay sa parte ng puso nito. She knows, Cameron doesn't love him, yet, but she will hold on to his words. MATAPOS ang madramang almusal nilang dalawa ng binata ay pumasok na ito sa trabaho habang siya naman ay binisita ang isa sa mga pre-school niya sa Britannia. Habang nasa opisina siya ay panay ang kanyang buntong-hininga at napatitig lamang sa kawalan. Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-email. Sinabi niya lahat ang mga saloobin niya at sapat na ito para matapos ang lahat. Tinawagan niya rin si Felis na itigil na ang ginagawa nitong pag-iimbestiga. Sapat na ang mga nalaman niya. Ipapadala na lamang niya ang huling balanse ng kanyang bayad sa account ni Felis at nagpasalamat din siya ng marami dahil sa matinding effort nito. Bumuga siya ng hangin dahilan para lumipad ang kanyang buhok na tumatabon sa kanyang noo. "Ma'am," anang isang guro sa kanya. Agad siyang bumaling dito. "Teacher Hazel, bakit?" aniya. "May naghahanap po sa inyo sa labas." Kumunot ang kanyang noo. Sino naman kaya ang maghahanap sa kanya gayong wala naman siyang expected na bisitang kikitain ngayong araw. Bahagya siyang sumulyap sa kanyang sout na relo. Malapit na ang tanghalian. Hindi naman uuwi ang binata sa bahay kaya hindi rin siya sa bahay kakain ng kanyang lunch. "Salamat Hazel," aniya lamang at iniligpit ang kanyang gamit at isinilid sa kanyang bag. Lumabas siya ng kanyang opisina at ganoon na lang ang gulat niya nang makita sa labas ng gate ang binata. "Cameron," gulat niyang utas sa kawalan. Prenteng-prente itong nakasandal sa Hummer H3 nitong sasakyang kulay pula. Hindi nito suot ang coat at tanging suot lang nito'y long sleeve, habang ang necktie nito'y bahagyang maluwang ang pagkakaayos. Magulo ang buhok nito dahil sa malakas na hangin ngunit hindi ito naging kulang para mamangha siya sa karisma ng binata. Daig pa nito ang nasa photo shoot. Huminga siya ng malalim. Nagwawala ang kanyang puso. Nagwawala ang matagal na niyang namatay na pag-ibig para sa lalaki. Ngunit iba na ngayon dahil muli nitong binubuhay ang natutulog niyang kahibangan. "Wala ka bang pasok?" agad niyang bungad sa binata. "Mayroon," sagot nito at bahagyang ngumiti sa kanya. Heaven! Madalas na yata ang pagngiti ng binata sa kanya. "Paano mo na lamang nandito ako?" muling tanong niya. "Instinct?" sagot nito habang magkasalubong pa ang dalawang kilay. "Babae lang ang madalas gumamit niyan," aniya. "You think so?" Tumango siya. "Get in," anito pa sa kanya. Umawang naman ang kanyang mga labi. "Bakit? Saan tayo pupunta?" "Gutom na ako," sagot naman nito. Sasagot pa sana siya ngunit agad nitong kinuha ang kanyang kanang kamay at iginiya paikot sa sasakyan nito upang alalayang makapasok. Agad din naman itong umikot upang maupo sa driver seat. "Pinuntahan mo ba ako para lang makasabay na mag-luch?" tahasang tanong niya. Call her assuming but that's what she was thinking. "Yes," seryoso naman nitong sagot. Napalunok siya. Bago ito sa pandinig niya. Napayuko siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri. "Bakit?" "Dahil gusto kitang kasama." Dahil sa narinig niya'y agad siyang napabaling sa binata. Bigla naman nitong inihinto ang sasakyan at bumaling sa kanya. Takang-taka naman siya kung bakit sila huminto. Ginagap nito ang kanyang kamay at bigla siyang hinagkan sa kanyang labi. Namilog ang kanyang mata dahil sa gulat. Hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa kanyang utak na nagbabago na nga ang binata sa pagtrato sa kanya. Hindi lang basta-basta simpleng pagtrato dahil pakiramdam niya'y para siyang isang babasaging bagay na labis nitong iniingatan. "Na-miss kita," bulong nito dahilan para tumalon ang kanyang puso dahil sa matinding tuwa. Muli siya nitong hinagkan at kanya rin naman itong tinugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD