PMS3-7

936 Words
PMS3-7 NASAPO ni Jezen ang kanyang noo. Ngunit agad na dumiretso ang kanyang palad sa kanyang bibig habang ito ay napapaawang. Nanigas ang kanyang leeg at nakagat din niya ang kanyang ibabang labi. Namilog din ang kanyang mga mata. May nangyari sa kanilang dalawa ni Cameron, iyan agad ang pumasok sa utak niya. Napapikit siya ng mariin. Kinabahan siya. Ano na lang kaya ang iisipin nito sa kanya. Muli niyang nakagat ang ibabang labi at pinisil ang pagitan ng kanyang mga kilay. Akmang babangon na sana siya ngunit agad din naman siyang natigilan nang makita ang mga bisig ng binata na nakayakap sa kanyang baywang. Napagtanto niyang nasa silid na siya ng binata. Paano ba naman niya hindi matutukoy ang silid nito gayong hindi naman ganito ang ayos ng kanyang silid. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa silid ng lalaki kahit pa na ginawa siya nitong katulong. Hindi naman din kasi ito nag-request na linisin ang silid nito simula nang tumuntong siya sa pamamahay nito. She exhaled. Suot pa rin naman niya ang kanyang lingerie, ang kaso ay wala na siyang suot na panty. Gusto niyang sapakin ang kanyang sarili. Nag-aalala siya. Baka kasi ano ang masabi nito. Hindi pa naman ito ang nauna sa kanya. Nang tumagilid siya upang humarap sa binata ay ganoon na lang ang pamimilog ng kanyang mga mata nang makitang dilat na dilat din ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Nanigas ang kanyang leeg. Agad niyang nahila ang kumot upang takpan ang kanyang mukha. Panay ang dasal niya na sana lamunin na siya ng lupa. "Why are you hiding?" tanong nito. Bahagya pang malat ang boses nito at parang nagising din. Ang likot kasi niya! Hindi pa naman umaga! "K-kasi... A-ano..." Nakagat niya ang labi. Wala siyang masabi. Kinakabahan siya. "Nahihiya ka?" muli nitong tanong. "H-hindi ko alam," nauutal niya sagot. "Are you ashame that maybe I will think something bad about what I knew?" Nakagat niyang muli ang kanyang labi at napayuko. "Hindi ako ganoon. Losing your virginity to someone else and bedded again for someone else whose not your first is not a crime." Natigilan siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na nakatakip sa kanyang mula. "Walang tayo Cameron at galit ka sa akin," tahasang wika niya. "So?" Kumunot ang kanyang noo. May kurot siyang naramdaman sa kanyang dibdib ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili. "Isipin mo na lang na kasama ito sa bayad ko," matigas niyang ani at akmang babangon. Ngunit bigla siyang hinila ng binata at dinaganan. "No," mariin nitong wika. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "What if I will claim you as my woman, gummy bear?" seryoso nitong ani. Napasinghap siya dahil sa narinig. "You don't love me," aniya at biglang may butil ng luha ang tumulo sa gilid ng kanyang mga mata. Matagal na niyang kinalimutan ang namumuo niyang pagtingin para sa binata. Yeah. May gusto siya noon kay Cameron. Sino ba ang hindi magkakagusto rito. Na-develop siya dahil sa pabalik-balik na pagsuyo nito sa kanyang, mapaamin lang siya kung nasaan si Julie. But she never give in. Mas pinili niya si Julie kaysa sa lalaki. But now, her heart is skipping a beat. It beats for Cameron. "You don't know anything, you don't know me," aniya at pinahiran ang kanyang mga luha. "Pero..." Hindi na niya ito natuloy dahil bigla siya hinagkan ng lalaki. Hindi siya nagprotesta at hinayaan lamang si Cameron na angkinin siyang muli. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano. EARLY in the morning, Jezen woke up again. Para yatang nagka-hangover siya kahit 'di naman siya naglasing kagabi. Iniwan niya si Cameron na mahimbing pa ring natutulog sa kuwarto nito. She went into her room to take a bath and fix herself. Hugot at buga ang kanyang ginagawa habang nagbibihis. Gulong-gulo pa rin ang utak niya. Mabilis niyang tinapos ang pag-aayos sa kanyang sarili at tumungo na sa kusina upang makapaghanda na ng almusal. While she's in the middle of cooking, bigla namang tumabi sa kanya ang binata at nag-init ng tubig. "Ako na," alanganin niyang wika pero inagaw niya pa rin ang mug na huwak nito. Hindi naman ito nakipagtalo at hinayaan siya. Tinatambol ng malakas ang kanyang dibdib. She felt so awkward. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang mga sinabi nito. That being not the first to her is not really a big deal at all. Nakaramdam siya ng saya dahil doon dahil may mga lalaki pa palang natitira sa mundo na hindi ang pagkabirhen ng isang babae ang habol ng isang lalaki upang mahalin ng wagas. Ang bumabagabag sa kanya ngayon ay kung may nararamdaman ba ang binata sa kanya o pawang tawag lamang iyon ng laman kung kaya't nasabi nito ang mga ganoong bagay. She sighed heavily. She was back to her senses, nang bigla siyang halikan ng binata sa kanyang batok. "Morning," bulong nito. Agad na nagsitayuan ang kanyang mga balahibo at wala sa sariling napaharap sa binata. Nagtatanong ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mga mata ng binata. Kitang-kita niya ang walang bahid nitong pagkukunwari o sadyang nag-iilusyon lamang siya. Ngunit ito ang unang beses na binati siya ng lalaki. "M-morning," aniya at napayuko. Bigla naman siya nitong hinagkan sa kanyang labi kaya bahagya pa siyang napatingkayad. "Call me when breakfast is serve," bulong nito sa kanyang mga labi. Wala siya sa kanyang sarili at napatango lamang. Iniwan na siya ng binata. Agad na kumawala sa kanyang ang mabigat na paghinga. Why the hell is Cameron, doing this to her? Iniisip niya tuloy ay kung parte ba ito sa plano ng binata o talagang totoo ito. She don't know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD