PMS3-10
"Cameron!" sigaw na no'ng nag-doorbell.
"It's Clayd! f**k!" mura nito. Gusto niyang matawa dahil sa pagkagulat ng binata.
Agad na inayos ng binata ang kanyang sarili pero hindi naman nito isinuot uli ang t-shirt. Iniwas niya pa ang kanyang mga mata dahil nagbabadya pa ng second round ang sandata nito dahil hindi pa tulog. Ayos na ang bestida ni Jezen pero lintik, ang panty niya ay hindi pa na isusuot. Sakto namang bumukas agad ang pinto at agad na pumasok ang bisita ng binata.
"Cam!" halos pabulong na niyang wika sa binata nang masipa nito ang kanyang panty.
Kunot-noo naman itong napabaling sa kanya. Agad niyang itinuro ang panty niya sa sahig. Pilyo naman itong ngumiti at pinulot ang kanyang panty. Ang akala niya'y ibibigay sa kanya ito ni Cameron pero mali dahil mas pinili nitong isuksok sa bulsa ng pajama ng binata. Namilog ang kanyang mga mata. Magrereklamo pa sana siya ngunit nakatunghay na sa kanila ang kapatid ng binata.
"Kuya," anang Cameron at bahagya pang tumikhim.
"What took yoo so long?" kunot-noong tanong naman nito kay Cameron.
"We're about to eat our breakfast, why?" kalmado lang din namang sagot ni Cameron sa kapatid.
"Yeah, so why are you sweating?" sabi pa nito ulit. Nakagat ni Jezen ang kanyang ibabang labi at pasimpleng sinipa sa ilalim ng mesa ang t-shirt ni Cameron.
"Kagagaling ko lang sa exercise? Why bother?" nakaismid na sagot ni Cameron kay Clayd.
Nagsalubong ang kilay nito. Tila yata ay hindi pa ito convince sa naging sagot ng kapatid.
"Cupcake! Ang over acting mo mag-react! Hayaan mo nga si Cam," ani Julie habang bitbit ang isang cute na batang lalaki.
Nang makita siya ni Julie ay agad na namilog ang mga mata nito.
"Oh my god! Jezen!? Anong ginagawa mo dito? At..." sinipat nito ang kanyang itsura. "Dito ka nakatira!?" dugtong nito.
Hilaw siyang napangiti sa kaibigan at napatango.
"Interesting," nakangiti namang wika ni Clayd.
Sinapak naman ni Julie si Clayd.
"Interesting ka diyan! Hawakan mo nga muna si Caspian," ani Julie sa asawa nitong si Clayd. Nang maibigay nito ang bata ay agad siyang binalingan ni Julie.
"Usap tayo mamaya but for now, gigutom nako, kaon sa ta," anito. Nakahinga siya ng maluwag. May time pa siyang mag-isip kung paano niya ipapaliwanag sa kaibigan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Cameron.
Kumuha siya ng dalawa pang malinis na pinggan at inilagay sa mesa. Umupo na rin ang mag-asawa nilang bisita. Tatabi pa sana siya kay Julie ngunit bigla namang hinila ni Cameron ang laylayan ng kanyang bestida. Sumenyas itong sa tabi ng binata maupo. Hindi siya umangal at sinunod ang gusto nito.
"Bakit bigla kayo napasugod dito?" anang Cameron na medyo hindi yata gusto ang biglaang pagbisita ng kanyang nakatatandang kapatid.
"Wala akong alam diyan," wika pa ni Julie.
"My fault. I just wanted to visit the vacation house in Laswitan," sagot naman ni Clayd.
"Maganda doon," sambit naman niya pero nang bumaling siya sa kaibigang si Julie ay nakamata pa rin ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito pero hindi naman nagbubukas ng topic. Marahil ay gusto nitong magkasarilinan silang dalawa.
Hindi rin naman niya maiwasang mapatitig sa inaanak niyang si Caspian. Sobrang cute nito habang nilalaro ang daliri ni Clayd.
"Tumawag ka sana," ani naman Cameron. Clayd smirks.
"Bakit pa? You know me, I hate informing."
"Kasalanan ko Cam, nakalimutan ko rin sabihin sa iyo," ani Julie.
"Nah! You're already here. Let's eat," ani Cameron. Huminga siya ng malalim. She feel the tension between Cameron and Clayd. Kahit pa yata na magkapatid ang dalawa ay talaga hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. She exhaled silently. Napapalibutan siya ng mga guwapo! Hmp!
While eating their breakfast, Julie and her are started talking girly thing. Nawala ang kaba niya.
"Beach tayo ha? Punta tayo sa Laswitan," anang Julie sa kanya.
"Sige ba," masiglang wika naman niya.
"Matagal na ba kayo?" biglang singit ni Clayd. Biglang nagkaroon ng malamig na hangin at parang feeling niya, ibon lang ang naririnig niya, no, it's a cricket.
Sasagot sana siya pero biglang lumapat ang kaliwang palad nito sa kanyang hita at banayad itong hinimas. Agad na nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan. Agad pa siya napainom ng tubig.
"Almost a month," sagot ni Cameron.
"Oh?" parehong reaksyon ng mag-asawa.
"Talaga? Wow! the last time you've called me, you were fighting," anang Julie. Hindi nagbago ang itsura ng binata at magiliw pa nitong nginitian ang kanyang kaibigang si Julie.
"Yeah. Cat and dog but I guess it turns out to be like this, fallen into places."
"Oh? Galing naman. Best wishes," anang Julie na masaya rin naman ang mukha. Sa loob niya, kung alam lang ng kaibigan ang totoo, marahil ay masasapak siya nito.
"Hindi naman kami magtatagal dito at hindi rin naman kami magsta-stay sa bahay mo," paglilinaw pa ni Clayd.
Cameron smirks on his eldest brother.
"Great..."
Sumubo pa ito ulit ng kanin.
"Para walang abala," dagdag nito ngunit pabulong naman at parang siya lang yata ang pinariringgan ng binata. Mariin siyang napalunok.
"Cam, sama kayo sa amin mamaya ha, please? Gusto ko ipasyal si Jezen sa property ninyo doon," ani Julie na nagniningning pa ang mga mata.
"Yeah. She'll enjoy there," anito pa at bahagyang pinisil ang kanyang tuhod. Muntik pa siyang mapaigtad. Ngumiti lamang siya ng todo upang hindi mahalata ng mag-asawa ang matinding tense niya. Nakikiliti siya sa banayad na paghimas ng binata sa kanyang hita pababa sa kanyang tuhod.
"You two seems fine now," ani Clayd at mataman namang nakatitig sa kanya.
Agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin. Hinuhuli siya ng kapatid ni Cameron. Wala siya sa sariling naibaba ang kanyang kanang kamay upang mahigpit na kumapit sa kamay ni Cameron. Agad na lumingon ang binata sa kanya. Humihingi ng tulong ang kanyang mga mata. Alam niyang hindi kumbinsido ang nakatatandang kapatid nito sa takbo ng kanilang relasyon. May alam si Clayd tungkol sa kanya at iyon ang ikinababahala niya.
"Quit it. We're totally fine. Kuya, don't worry," ani Cameron at kahit pa nakangiti ay igting na rin ang panga nito.
Bumuntong-hininga naman si Clayd.
"Fine," anito kalaunan.