Lumipas na ang ilang siglo at ngayon nalalapit na ang nasabing paniningil.
Isabella
Marahil ay iniisip ng mga tao ngayon na para akong baliw. Para akong baliw na iyak nang iyak sa daan. Para akong isang babaeng walang kabuhay-buhay.
Nang makakita ako ng isang sementadong upuan ay agad akong naupo at nag-takip ng mukha gamit ang palad.
Sobra na. Sobra na ang sakit. Sobra na ang ginagawa sa'kin ng aking ama-amahan. Ano bang mali sa'kin? Ang aking ama'y iniwan ako noong ako'y bata pa. Tapos ngayon na may tumayo bilang bagong ama ko. Akala ko magiging kontento na ako, pero hindi pala. Ngayon na nalaman ko ang kanyang intensyon.
"Sige lang. Iiyak mo lang 'yan." Napatingalaako at napatingin sa nag- salita. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo ko sa lalakeng aking nakita. Anong klaseng damit ang suot niya? Nakasuot siya ng itim na damit na may mahabang manggas habang kita ang panloob niyang damit na kulay puti, at hindi lang iyon, mayroon pang nakakabit na laso sa bandang leeg niya. Ang pang-ibaba niya ay ubod ng habang itim na pantalon. Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya at doon ko lang napansin ang suot niyang itim na sombrero na mukhang mula pa sa ibang bansa.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inirapan siya bago ako tumayo at iwan siya roon sa pwesto niya. Kakaibang lalake. Anong klaseng porma iyon? At nakakainis! Panigurado ay huhusgahan niya lang din ako.
"Bakit ka huminto?" Napahintoako sa paglakad at tumingin sa aking likuran nang may pag tataka. Baliw ata ang lalakeng ito. "Ang ibig kong sabihin bakit ka huminto sa pag iyak?"
Napailing iling ako. Hindi ako makapaniwala. Bakit? Masaya ba 'tong lalakeng 'to pag nakakakita ng taong umiiyak. Inirapanko nalang ulit siya bago siya muling talikuran at nagsimula ulit akong maglakad.
"Wala namang masamang umiyak. Kung may problema ka, iiyak mo lang. Handa akong makinig--"
"Sino ka ba ha? At ano bang alam mo?" Muli ko siyang hinarap dahil nakulitan na 'ko sa kanya. Sunod siya nang sunod at ayaw tumigil.
Lalo akong nainis nang makita siyang ngumiti. Nang-aasar ba siya?
"Ako nga pala si Mateo. Wala akong alam tungkol sa'yo pero kung nais mong mag bahagi ng iyong problema nandito lang ako handang makinig sa mga hinanakit mo."
Ano bang nakain ng lalakeng 'to? Hindi lang kasuotan niya ang kakaiba, pati na rin siya.
Napailing-iling ako at muli siyang inirapan. Muli ko siyang tinalikuran at nag simula muli akong maglakad.
"Oh sige. Halata namang ayaw mong mag bahagi ng iyong problema. Pero eto nalang ang sasabihin ko sa'yo. Kung ano man 'yang pinag dadaanan mo sigurado akong malalagpasan mo rin 'yan. Kumapit ka lang sa Panginoon. Kakayanin mo 'yan."
Hindi ko na siya pinansin at tuluyan siyang iniwan. Wala akong panahon ngayon makipaglokohan.
Ayoko pa sanang umuwi pero kailangan na. Lalo na't mag-gagabi na kaya minabuti kong maglakad nalang pauwi sa aming tahanan dahil malapit lang naman ang lugar na ito sa bahay.
Nang maka-uwi ako ay agad akong dumiretso sa aking silid at patuloy na nagmukmok dito.
Bigla kong pinunasan ang luha ko nang makarinig ako ng katok mula sa aking pintuan. Bumukas ito at nakita kong papalapit si ina sa'kin.
"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong niya nang makalapit siya sa akin at naupo sa aking kama. Nanatili akong nakahiga.
Umiwas ako ng tingin. Ayokong makita niya ang pamumugto ng aking mga mata. Tumango lang ako dahil paniguradong pag nagsalita ako eh hindi na rin nito mapipigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Sana maintindihan mo ang sitwasyon. Alam mo namang kailangan ng iyong kapatid ang kanyang ama."
Bakit hindi ko ba kailangan ng ama? Ama na totoong mag mamalasakit at iintindi sa'kin? Oo naiintindihan ko. Naiintindihan ko ang sitwasyon dahil wala naman talaga kong ibang dapat gawin kundi intindihin ang sitwasyon.
'Yan ang mga salitang nais ko sanang sabihin sa aking ina. Pero mas minabuti kong tumahimik nalang at tumango.
"Mahirap rin ito para sa'kin. Pasensya na kung nahihirapan at naiipit ka na sa sitwasyon. Hindi naman ito ang buhay na ginusto ko para sa'yo."
Pero eto na ang buhay ko ngayon.
Hindi na napigilan ng mga luha ko ang pag-patak. Pero nanatili pa ring iwas ang mukha ko sa kanya.
"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita anak. Balang araw malalagpasan din natin ang problemang ito. Kapit lang." Naramdamanko ang paghalik niya sa ulo ko bago siya tumayo at maglakad palabas ng aking silid.
Bumuhos na ang tagaktak kong luha nang marinig ko ang pagsara ng pinto at nakalabas na siya sa aking silid.
Hanggang kailan ako kakapit sa lubid na puno ng tinik?
Napakunot ang noo ko nang biglang may pumasok na bato mula sa aking bintana patungo sa aking kwarto.
Pinunasan ko ang luha ko bago tumanaw sa bintana.
"Isabella!" Pasigaw na bulong ni Anastasia na kumakaway-kaway pa.
"Anong ginagawa mo rito?" Mahinapero pasigaw na bulong ko. Gabi na. Tss! Napakapasaway talaga ng babaeng 'to. Hilig niyang tumakas sa kanila tuwing gabi.
Tumingin ulit ako sa pintuan ko. Kailangan kong siguraduhing nakalayo na si ina sa silid ko.
Kinandado ko ang aking pinto bago kumuha ng mahabang kumot at tinali ang dulo nito sa paanan ng aking kama bago ko inilaglag ang kabilang dulo ng kumot pababa sa bintana ko.
Oo pasaway nga itong aking kaibigan na si Anastasia pero ano bang magagawa ko? Magtatampo lang ito kapag hindi niya nakuha ang kanyang gusto.
Nagsimula na siyang umakyat dito gamit ang kumot na binagsak ko. Kita ko pa ang pag-kagat niya sa mga labi habang pilit inaakyat ang silid ko. Hindi naman gaanong mataas ang aking silid, dahil mababa lang ang hagdan na nag-dudugtong sa ikalawang baitang ng aming bahay kaya kahit mahirap ay kayang kaya itong akyatin ng isang babaeng kagaya niya.
"Ano nanamang ginagawa mo rito?" Tanong ko nang makarating siya sa aking silid at tila ba pagod pa sa ginawa niyang pag-akyat gamit ang kumot, kitang kita ko ang pawis sa kanyang noo. Naupo siya sa aking kama habang nakakapit pa sa kanyang dibdib.
"May maganda akong balita sa'yo." Pagkatapos niyang hingalin ay agad niya iyong sinambit nang may malawak na ngiti.
Mapapawi ba nito ang sakit na nadarama ko?
"Dumating na mula sa Pransya ang matagal ko ng hinahangaan. Ang lalaking lubos kong iniibig. Nandito siya para mag-bakasyon ng isang taon bago muling ipag-patuloy ang pag-aaral ng medisina roon." Kinikilig na sambit neto habang ngiting ngiti.
Pilit pa rin akong ngumiti syempre dapat suportahan ko ang aking kaibigan kung saan siya masaya.
"Edi mabuti para sa'yo." Naupo ako sa tabi niya habang tinitignan pa rin ang mukha niyang mala-anghel
.
"Oo nga at eto pa, nagpahanda si ginoong Miguel ng salo-salo para sa muling pagdating ng kanyang anak." Kinikilig pa na sambit neto at hindi maiwasan ang paglabas ng kaunti niyang gilagid. Kahit na minsan labas ang gilagid niya kung tumawa ay hindi ko maitatangging napakaganda niya pa rin.
"Talaga?" 'Yan nalang ang nasabi ko. Pero sa totoo lang mahilig din talaga ako sa mga salo-salo dahil dito nakakalimutan ko rin sandali ang aking mga problema lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan.
Siguro nga'y dapat 'wag ko munang masyadong isipin ang aking mga problema at tumingin lang ako sa mga bagay na nagbibigay kaligayahan sa'kin.
"Oo at bukas inanyayahan tayo ni Kriselda na mag tungo sa ilog Tebes at umaasa ako na bukas iaabot sa'tin ni Kriselda ang munting imbitasyon para sa pagsasalo na gaganapin sa linggo."
Hindi ko napigilan ang matawa. Bakas na bakas sa mukha niya ang tuwa. Halatang gustong gusto niya nang makita ang lalakeng tinutukoy niya.
"Pa'no pag hindi pala tayo imbitado?" Pangloloko ko sa kanya.
Ngumuso siya at hinampas ako ng mahina sa braso. Kahit ngumuso siya ay napakaganda pa rin. Sa totoo lang hangang-hanga talaga ako sa kagandahan ng babaeng ito. Sabi nila maganda rin daw ako pero tila ba wala akong kompyansa sa aking sarili.
"Ano ka ba Isabella! Matalik tayong kaibigan ni Kriselda paniguradong hindi siya papayag na wala tayo sa handaan." Sambit niya na lalong nagpatawa sa akin.
"Oo na sige na." Nakangiting sambit ko. Alam ko namang ipaglalaban lang din ni Anastasha ang paniniwala niya kaya hindi na 'ko makikipagtalo pa.
"Sige tawanan mo lang ako. Basta sa linggo masaya ako kasi muli na kaming mag kikita ng pinaka iniibig ko." Niyakap niya ang sarili na tila ba niyayakap ang lalakeng tinutukoy niya.
Napailing-iling naman ako. Grabe kagiliw-giliw ba talaga ang lalakeng tinutukoy niya?
"Oo na. Mabuti pa't umuwi ka na sa inyo at lumilipas na ang oras." Tumayo na ako at hinatak siya patayo.
"Basta bukas ha alas otso ng umaga sa ilog tebes. Mag kikita tayo nila Kriselda." Sambit niya habang naglalakad nang paatras papunta sa bintana ko.
Natawa ako at tumango-tango. "Oo nga. Paulit-ulit." Natatawang bigkas ko.
"Ah hindi na talaga 'ko makapag hintay. Sige Isabella marahil ay hindi ako makakatulog buong gabi dahil sa labis na saya. Oh siya paalam na. Basta bukas ha."
Halata ngang sobrang saya niya. Gaano ba kapogi ang lalakeng tinutukoy niya't giliw na giliw siya.
Nagsimula na siyang bumaba sa aking silid gamit ang kumot. Grabe paano ba nakakaya ng babaeng ito ang pag-akyat baba nang ganon ganon lang? Sabagay tinuturuan kasi siya ng kanyang ama ng mga galawan kung paano poprotektahan ang sarili. Tuwing sabado ay nag-eensayo silang mag-ama kaya hindi na rin nakapagtataka ang lakas ng katawan nito.
Sa sandaling pag-uusap namin ni Anastasia napawi nang sandali ang sakit na nararamdaman ko.
Mabuti nalang talaga na may mga kaibigan akong labis na nag bibigay ligaya sa akin.
Pag-alis ni Anastasha ay minabuti kong matulog na agad kaysa mabaliw kakaisip sa aking mga problema.
Maaga akong gumising para mag-ayos, para sa pagkikita namin nila Anastasha at Kriselda sa ilog Tebes.
Simpleng damit lang ang sinuot ko; isang mahabang bistida na kulay pula at naglagay ako ng kaunting palamuti sa aking mukha. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim at mahaba kong buhok.
Nakaupo ako habang tinititigan ang sarili sa salamin. Napatingin ako sa orasan nang makitang malapit na mag alas-otso.
Lumabas na 'ko ng aking silid.
"Oh ate mukhang may lakad ka ha." Ngumitiako. Kahit naman na magkapatid lang kami sa ina eh magkasundo pa rin kami.
"Pakisabi nalang kay ina na aalis muna ako." Mahinhing sambit ko sa aking kapatid.
"At sa'n ka pupunta?" Napatingin ako sa pwesto kung saan nanggaling ang boses ng nag tanong. Boses na kinasusuklaman ko.
"Aalis lang." Tipid kong sagot bago mag-lakad pero hindi pa 'ko tuluyang nakakalabas ng bahay ay naramdaman ko na ang kamay niya sa braso ko. Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ang higpit ng hawak neto.
"At sinong nag sabing pwede kang umalis?" Nakakatakot at nanggigigil ang kanyang mga mata pero pinilit kong umarteng matapang.
"Bitiwan mo ako." Padabog kong inalis ang kamay niya sa braso ko na lalong mas nagpasakit sa pakiramdam dahil napwersa ko ang paghatak doon. Sinambit ko iyon nang marahas kahit sa kaloob-looban ko ay natatakot ako sa pwede niyang gawin.
"Ama, tama na. Hayaan mo na si ate."
Sabat ni Kristina na ngayon ay nakatayo sa harapan namin. Hindi ko talaga gustong nasasaksihan ng aking kapatid ang kalupitan ni amain ngunit wala naman akong magagawa.
Saglit siyang tumingin kay Kristina,
"Huwag kang mangingialam dito Kristina," ibinalik niya ang nakakatakot niyang tingin sa akin, "at ikaw hindi ka pwedeng umalis. Walang aalis." Madiing saad neto habang dinuduro pa ako.
Huminga ako nang malalim. Bahala na kung saktan ako neto. Nakakapuno na. "At sino ka para tanggalan ako ng karapatang umalis sa tahanang ito?" Ayoko man siyang sagutin pero hindi ko na matiis. Sobra na. Punong puno na 'ko. Nakita ko sa medyo namumula niyang mga mata na lalo siyang nainis.
"Bastos!" Napahawak ako sa aking pisnge nang dumampi ang mabigat niyang palad mula rito. Muli nanamang pumatak ang mga luha ko.
"Ama tama na po." Narinig kong awat ni Kristina.
"Pabayaan mo 'yang ate mo. Lumalaking baluktot dapat lang sa kanya 'yan!"
"Danilo, anong nangyayari dito?" Napatingin sa akin si ina at mabilis na tumakbo papalapit sa akin. "Anak." Niyakap ako ni ina nang makalapit siya, lalong bumuhos ang aking mga luha.
"Pagsabihan mo 'yang anak mo! Natututo na sumagot. Lumalaking bastos. Palibhasa kasi kinokonsinti mo." Ngayon si ina naman ang sinisigawan niya habang nakasubsub lang ang aking mukha kay ina.
"Hindi mo naman kailangang pagbuhatan ng kamay 'yung bata.. anak ayos ka lang ba?" Dinungaw ni ina ang aking mukha at agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mata.
"Nais ko munang umalis ina. Pakiusap nais ko lang makita ang aking mga kaibigan."
Inayos niya ang buhok kong nagulo.
"Wala namang pumipigil sa'yo. Ayos lang na ika'y umalis basta't wag kang magpapagabi."
Akala mo lang wala ina, akala mo lang. Tumango na lang ako kay ina at hindi na muling nagsalita. Sa halip ay yumuko na lamang ako at iniwan silang tatlo roon. Paglabasko ng pinto. Agad kong pinostura ang aking sarili. Pinunasan kong muli ang mga luha sa aking pisngi at inayos ko ang aking damit. Pilit akong ngumiti.
Kaya ko 'to. Kapit lang.
Agad akong nagtungo ng ilog Tebes. Isinantabi ang hinanakit na dinanas ko kanina lang.
"Isabella. Akala nami'y hindi ka na makakarating." Bungad sa'kin ni Kriselda na nakaupo sa isang malaking batuhan. Hindi talaga ako nabibigo ng babaeng ito pagdating sa usapang pananamit. Napakaganda niyang magdala ng damit at bagay na bagay sa kanya ang puting bistida na hanggang tuhod ang haba at may burda pang mga bulaklak.
"Oo nga. Ikaw ata ang napuyat sa ating dalawa kagabi," dagdag ni Anastasia na ngayon ay nakababad ang mga paa sa ilog.
"Nagkaroon lang ng konting problema, pero naayos naman na." Nakangiting sambit ko, habang papalapit sa kanila.
"Mabuti naman at naayos agad kung ano man ang problemang tinutukoy mo," sambit ni Kriselda habang bumababa sa malaking bato. Nang makababa siya ay agad siyang lumapit sa'kin. "Inaasahan ko rin ang pag-dalo mo bukas." Nakangiti niyang inilahad ang isang nakarolyong papel. Marahil ito na ang imbitasyong sinasabi ni Anastasia.
"Sabi sa'yo Isabella eh. Makakatanggap tayo ng imbitasyon."
Nakangiti si Anastasia habang papalapit sa'min.
"Malamang. Kayo ata ang pinakamatalik kong kaibigan sa ating bayan."
Tumawa naman ako. "Kung alam mo lang Kriselda. Labis ang saya nitong si Anastasia nang malamang muli nang nagbalik ang iyong kuya."
Sa totoo lang ay kahit minsan ay hindi ko pa nakita ang kanyang nakakatandang kapatid na labis na kinagigiliwan ni Anastasia.
Nakita ko ang litrato ng kanyang kuya noong sila'y bata pa. Mistiso ito gaya ni Kriselda pero hindi ko pa nakikita ang kasalukuyan niyang litrato ngayong binata na siya.
Tumawa rin si Kriselda. "Paniguradong matutuwa rin ang aking kuya sa muli niyong pagkikita."
Kung tutuusin ay silang tatlo lang talaga ang magkakaibigan. Lumipat lang kami rito kaya ko sila nakilala.
Pero nang makalipat kami dito ay nakaalis na ang kuya netong si Kriselda patungong Pransya upang mag-aral kaya hindi ko siya nakilala.
Pero maswerte pa rin ako kasi nakilala at tinanggap ako ng dalawang babaeng 'to kahit noong bagong lipat palang kami dito sa lungsod ng Valerio
Dalawang taon palang nila 'kong naging kaibigan pero marami na kaming napagsamahan at parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
"Sus, baka nga nakalimutan na 'ko ng iyong kuya eh. Apat na taon siyang nawala para mag-aral ng medisina roon. Sa dami ba naman ng magagandang babae sa Pransya. Malamang may naging kasintahan na iyon doon." Muli nanaman siyang ngumuso. Napakahilig niyang ngumuso pero nananatili pa rin ang natural nitong ganda.
Tumawa si Kriselda. Eto talagang si Anastasia sabik na sabik sa kuya ni Kriselda. Napaisip tuloy ako kung talaga bang kagiliw giliw ang kuya neto.
"Ano ka ba. Pag-aaral ang inatupag ng aking kuya roon, hindi pambababae."
"Pero pa'no kung meron nga?" Bigla na 'kong sumabat. Syempre asang-asa 'tong si Anastasia tapos may kasintahan na pala ang iniibig niya.
"Grabe ka Isabella, 'wag ka namang magsalita ng ganyan."
Tumawa naman ako sa muli niyang pag-nguso. Pano niya ba ginagawa ang pag-ngusong iyon habang napapanatili niya ang kagandahan? "Biro lang eto naman, pero diba wala naman kayong pormal na aminan sa isa't isa?"
Saglit siyang natahimik. Ayoko lang naman na umasa at masaktan siya. Baka kasi hindi maganda ang maging resulta ng kanyang labis na pananabik.
"Kahit wala kaming pormal na aminan, naipaparamdam naman namin ang kagustuhan sa isa't isa," mahinang tugon niya at yumuko pa na parang biglang nag-alangan.
"Ano ka ba." Mahinang hinampas ni Kriselda si Anastasha. "Malamang may pag-asa ka. Maganda ka naman, matalino, malinis ang puso, magtiwala ka lang. Malakas ang kutob ko. May pag-asa ka sa kuya ko." Pataas-taas pa ng kilay na sambit neto.
"Tss! Eto kasing si Isabella eh kung ano anong tinatanong. Napapaisip tuloy ako." Tumawa naman ako. Nagbibiro lang eh. Ang madamdamin talaga neto.
"Nagtatanong lang naman ako. Syempre matagal kayong nawalan ng komunikasyon pero syempre nananabik din ako para sa'yo. Nawa'y maging maganda ang pagkikita niyo bukas," sambit ko at nawa'y wala ring sumira sa araw ko bukas. Sana hindi na sirain ng amain ko ang araw ko bukas at sa susunod pang mga bukas kahit na alam kong imposible ang bagay na iyon.