Ikapito na araw na niya sa katawan ni Sabina, isang linggo na siyang halos walang pahinga sa kakaungol at tila isang taon na ang lumipas simula ng sumanib siya sa katawan ni Sabina. Muli niyang binuksan ang cellphone ni Sabina. Pilit niyang kinakalkal sa isip niya kung sino sa mga kaibigan o kaanak niya ang maalala niya ang numero. Di niya kasi maaring gamitin ang account ni Sabina lalo at sikat itong personalidad. "Tama gagawa akong dummy account!" Mamaya maya ay sabi niya. Di sumagi sa isip niya ang ganun dahil sa sobrang pag aalala na din siguro kaya ganun. Bukod pa doon ay ang pag iisip kung bakit umalis si Rex kahapon habang nasa kainitan sila ng kanilang pagsisiping. May tumawag dito at sinabing may emergency ayon di na bumalik pa ang lalaki. Di naman siya nagutom dahil order lang