She enjoy everything they did, Yun yata ang pinaka masasabi niya sa limang araw na magkasama sila ni Rex. Mabait ito at palabiro kahit na medyo may pagka mahilig talaga ang lalaki. Sa kabila ng pag eenjoy niya ay ang pangamba sa katawan niyang tunay. Sex addict si Sabina at virgin pa ang kanyang katawan ang ikinakatakot niya ay baka mapariwara ang kanyang katawan. Kaya naman kagabi ay sinubokan niyang buksan ang cellphone ni Sabina ngunit bigo siya. Kinakailangan niya ang tulong ni Pia, ngunit paano nga niya makokontak ang kaibigan niya gayong di niya kabisado ang numero nito. Di rin naman niya kabisado ang kanyang numero dahil bago at kapapalit niya palang nun. Iniwasan niya kasi ang kanyang ex na muli na namang nagmumulto, este nagpaparamdam kaya nagpasya siyang magpalit nalang ng num