BODCT-4
Marinel
PADABOG akong napababa sa kama ko. Nandiyan na naman kasi si Aling Pipay.
"Hoy Nel! Bayad mo sa tubig! Aba'y mapuputulan na ako ng tubig dahil sa 'yo ha! Upa mo pa sa bahay!" talak nito.
Hinayaan ko lang siya dahil nagpapalit pa ako ng damit ko. Ngunit bahagya akong natigilan dahil natahimik na lamang bigla si Aling Pipay. Bakit kaya natigilan iyon? Hindi ko na lamang pinansin ito at inayos na ang aking buhok.
Nang makita ko sa harapan ng salamin na maayos na ay walang gana akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Napakunot pa ako ng noo dahil wala naman akong Aling Pipay na nakita sa labas ng aking pinto.
"Hi pogi!" tili ng isa sa mga tenant at kilala ko ang malanding iyon.
Napadungaw ako sa ibaba at laking gulat ko nang makita ko si Caldwill na pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay namin. At base sa nakikita ko'y nag-uusap pa ang dalawa. Agad akong napababa at pumagitna.
"Enzo... I mean, Caldwill anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong.
Ngumisi pa ito at napaismid sa akin.
"There you go my sunshine! I've been waiting for you to come out," anito kasabay nang pagkabig nito sa akin palapit sa kanya. Napakapit pa ako sa braso nito dahil grabe ito kung makadiin sa akin.
"Bitiwan mo ako," madiin at pabulong kong sabi.
Napaismid lang ito at nakakalokong ngumiti sa akin.
"Nako Nel! Hindi mo naman sinabing may asawa ka na pala ha! Ang yaman pa!" ani Aling Pipay.
Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Wow! Isang himala! Halos isuka na nga niya ang salitang asawa e! Ngayon ipinangangalandakan niya pang asawa niya ako. Plastik! Kunwariang ngiti lang ang itinugon ko kay Aling Pipay at matalim akong napatitig kay Caldwill.
"Paano ba 'yan Nel, dito na ako sa asawa mo hihingi ng pambayad sa mga bayarin mo sa akin," ani Aling Pipay na ikinalaki ng mata ko.
"Ho!? Ako ho ang magbabayad ng mga–uhmp !" Tinakpan namang bigla ni Caldwill ang bibig ko dahilan para mapatigil ako.
Dumukot ito ng pera sa bulsa niya at iniabot kay Aling Pipay. Bahagya pang nangislap ang mga mata nito nang makita ang ilang libong perang iniabot ni Caldwill sa kanya.
"Aba'y galante!" natutuwang sambit naman ni Aling Pipay.
Walang pag-alinlangan kong tinampal sa pisngi si Caldwill at napatawa kunwari. Kumunot naman ang noo nito.
"Tatadyakan talaga kita! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" bulong ko ulit at pinipigilang mapataas ang aking boses.
"Shut up!" maawtoridad nitong utos sa akin na ikinaawang naman ng aking bibig. Muli itong pumaling kay Aling Pipay na abala sa pagbibilang sa hawak nitong pera.
"Don't worry, that will be the last time you'll recieve that. I am taking my wife in my mansion. So, I guess we're clear in here so we better go," ani Caldwill.
"Oh sure!" sagot pa ni Aling Pipay.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ako? Titira sa mansion niya!? No way! Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa baywang ko pero bago pa man ako makaimik ay hinila na nito ako at itinulak pasakay sa loob ng kotse niya.
"Hoy! Caldwill! Ano ba!?" tawag ko rito.
Ini-lock kasi nito ang pinto ng kotse. Nasa labas pa ito at may kausap sa phone niya. Napatanga rin ako ng ilang saglit habang pinagmamasdan ito. Simpleng t-shirt na kulay itim lang ang suot nito, na pinarisan ng faded pants na maong. At aminado akong hindi lang siya basta guwapo, pati ang s*x appeal nito ay nakakadala. Napailing ako at nasapo ang aking noo. Nababaliw na yata talaga ako! Napaayos na ako nang upo nang mapansin kong tapos na ito sa kinakausap niya sa kabilang linya. Pumasok na ito sa driver seat at pinaandar na ang kotse.
"Buksan mo 'to!" utos ko pa. Nilingon lang nito ako at tuluyan nang pinatakbo ang kotse.
"From now on you'll live in my house. And I won't take no for an answer. My maids are going to pack your things today," walang gatol nitong wika.
"Ano!? Teka lang Caldwill, anong karapatan mo para gawin sa akin ito, ha!?" Bumaling ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
Kung iyong ngiti ni Calvin ay nakakatunaw ng puso, ibang klase rin ang ngiting mayroon si Caldwill. Nakakaakit ang mga labi nito! Inay ko po! Nag-iwas ako ng aking paningin.
"You're asking me? I am your husband and it's valid you know." Nakakaloko nitong sagot at napahampas sa manibela na ikinagulat ko. Napatameme ako. Galit ito at nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Do you know what it feels like? The feeling of being betrayed by the one you've trusted? The one you've treated like your buddy! Do you exactly feel that! Of course you do!" Napa-break ito ng biglaan kaya napakapit ako sa seat belt ko.
Pinaghahampas nito ang manibela at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakakatakot kaya siya! Napasandal ito sa upuan at napahugot ng malalim na hininga.
"Let's finish this!"
Kinabig nito agad ang kotse at tinahak ang daan papuntang Makati. Makati? Anong gagawin namin doon? Kabanas! Kung magtatanong ako rito sa katabi ko ay baka tumilapon pa ako sa palabas ng kotse niya. Gasgasan ko kaya itong Montero niya.
"Quit that!" sita nito sa akin bigla.
Inalis ko agad ang mga kamay ko sa pagitan ng mga hita ko. Kaloka! Naiihi na kaya ako! May nadaanan kaming Motel kaya agad kong kinalas ang seat belt ko.
"Hinto!" sigaw ko na ikinapreno rin naman niya ng wagas. Muntik pa akong masubsub.
"Are you crazy!" singhal nito.
"Crazy mo mukha mo! Naiihi ako!" singhal ko rin at agad na napababa ng kotse niya.
Diretso ako agad sa Motel at nakigamit ng banyo. Pagkatapos ko'y nagpasalamat na ako at lumabas din naman agad ng Motel. Bahagya pa akong napatanga. Lakas ng karisma ng gago! Nakasandal ito sa kotse niya habang naninigarilyo. He is really the bad side of Calvin Enzo Villaraza. Of course he does! Bakit kasi naging kambal pa silang dalawa. Lalo lang ipinamumukha sa akin ng tadhana na konektado pa rin ang past love ko sa kasalukuyan. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang sigarilyo. Inapakan ko ito at matalim siyang tinitigan.
"Who are you to do that!?" singhal niya.
"I am your wife, you know and it's valid!" balik ko sa kanya. Napakunot ito ng noo.
"Whatever! Get in!" utos nito. Napapailing na lang akong sumakay ulit sa kotse niya.
TAHIMIK kami buong biyahe hanggang sa marating namin ang...
"Bahay ito ni Andy," ani ko pa.
Hindi ito umimik at agad lumabas ng kotse. Parang hindi maganda ang kutob ko rito. Sumunod ako agad sa kanya. Halos sirain na niya ang doorbell dahil sa kapipindot. Sakto rin namang bumukas na ang pinto at si Andy pa mismo ang nagbukas nito.
"Caldwill? Nel?" Tila gulat pa ito nang makita kami.
"Caldwill mo mukha mo! Gago!"
Agad siyang sinuntok ni Caldwill. Gulat at napanganga ako sa ginawa niya kay Andy. Agad akong pumagitna para awatin siya.
"Ano ba!? Nababaliw ka na ba!" Itinulak ko si Caldwill at inalalayang makatayo si Andy.
"Go! Ipagtanggol mo siya! Do you think I am the only one he betrayed! Damn it!" Nagpupuyos ito ng galit at parang gusto pa nito ang sugurin si Andy.
Bumaling ako kay Andy. Putok ang labi nito at napapangiwi pa dahil sa sobrang sakit.
"Andy anong tinutukoy niya?"
"Magpapaliwanag ako Nel." Napanganga ako.
"Alam mo 'to!?" Napatango ito at pumasok sa loob ng bahay niya. Sumunod kaming dalawa ni Caldwill sa loob.
"You two, sit down and let's talk properly," ani Andy.
Pareho kaming umupo sa sofa ni Caldwill. Pati ako ay nakaramdam din ng galit! Galit na galit! Ngayon alam ko na kung bakit nasuntok ni Caldwill si Andy. Matagal niya na pa lang alam na kasal ako kay Caldwill. Pinagmukha niya akong tanga! Umupo si Andy sa harapan namin at pareho kaming inabutan ng envelope.
"I swear to god! Pareho lang kaming napilitan ni Veronica na gawin iyon," panimula nito.
Nagulantang ako sa narinig ko.
"Si Nica? Alam niya?" hindi makapaniwala kong tanong. Malungkot na napatango si Andy.
I can't believe this! Hindi lang si Andy ang nagtraydor sa akin, pati rin pala ang best friend ko!
"Naglalaman ng envelope na 'yan ang mga sagot at paliwanag. I swear, bro! I never did this without a valid reason," baling ni Andy kay Caldwill na kanina pa nagpipigil ng galit.
"Make sure that this tape will give you an exemption! Because I swear to god Andy. You'll pay for this!" galit na banta ni Caldwill kay Andy at umuna na itong lumabas ng bahay. Malungkot namang napayuko si Andy. Tumayo na ako.
"Sana nga valid reason ito Andy. Ayaw kong magtanim ng galit sa iyo, lalong-lalo na kay Nica. Mauna na kami Andy. Mag-usap na lang tayo kapag maayos na ako," ani ko at tinapik ang balikat nito. Lumabas na rin ako ng bahay niya at diretsong sumakay sa kotse ni Caldwill. Sana nga may dahilan ang lahat ng ito.
Caldwill Enzo
WALA kaming kibuan hanggang sa makauwi kami sa mansion ko. Atat na atat na rin akong panoorin ang laman nitong tape! Diretso ako agad sa loob ng kuwarto ko pagkapasok ko sa mansion. Kinuha ko agad ang laptop at isinaksak ang tape rito. I badly need to see what's inside of this. Ilang saglit pa at nag-play na ito. I frowned when I saw Calvin's bedroom. I know, kuwarto niya ito sa condo niya. How can I forget my own bedroom design for him.
"This is nonsense!" I retorted.
I was about to remove the disk when someone spoke. He was sitting on the edge and he looks so sick. I froze and then afterwards I let it play.
"Hi Kuya! Brother? Whatever! You just like me to call you, Kuya. Yeah! Halata na ba sa itsura ko na malapit na ang dead end ko? I know you do. You're the best doctor that I ever had." He paused.
My heart melts. Bahagya pa akong napaayos sa pag-upo at halos idikit ko na ang mukha ko sa screen. His jokes made me smiled bitterly. Nagsimula na siyang maiyak at hindi ko alam kung dapat ko pa ba panoorin ito.
"So gay Calvin!" tila naiinis ko pang sambit.
"Kuya..." His voice broke. I miss him calling me that way even if I am just fifteen seconds older to him.
"Kuya I am so sorry..." I close my fist. I tried not to get emotional.
"Sorry kung naging matigas ang ulo ko. Sorry if I did that to you."
Nakaramdam ako ng galit sa narinig ko. He was the one who planned this. I close my laptop and massage my forehead.
"Kuya please take care of her..."
I frowned again and open my laptop. He almost lost his breath while crying continuously. I gritted my teeth. He sobs.
"I love her so much. She's the only one I cared the most. Please Caldwill. I am begging you." Mariin akong napakagat ng labi. And hell! He made me cried again for the second time!
"That's ridiculous Calvin!" angal ko at pinunasan ang luha ko.
"Please Caldwill I am begging you. Sa iyo lang ako may tiwala. Panatag ako kung sa iyo siya mapupunta kuya. Hindi siya mahirap mahalin dahil alam ko na alam mo na sa iyo talaga siya nararapat."
Napatayo ako!
I am hella frustrated right now! He's dragging me to the kind of situation where is new to me! How will I do that! I don't even know the whole process of being a married man! Eh? Are you a formula Caldwill? Oh! Damn it! Hindi ito madali! Hindi naman ito kagaya ng isang sakit na kailangang lapatan ng lunas para matapos ang paghihirap! Just wow! Ang pag-aasawa ay pang habambuhay! That's f*****g lifetime! Napabalik-balik ako nang lakad. I've notice the video stop.
"For Christ's sake Calvin! You're really giving me a hard time in here! Always!"
Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. This is the worst nightmare I've ever had! I grab my phone and step outside. I was about to go downstairs but my phone rang. Sinagot ko agad without looking at the screen.
"Now what!?" singal ko agad.
"I swear Caldwill, mababatukan talaga kita!" she answered.
Laglag ang panga ko at ngalingaling tiningnan ang screen ng aking cell phone.
"Oh s**t! I mean, mom!" I answered again.
"That little stupid mouth of yours Caldwill!" Now she's starting to nag at me.
"Ma, I'm sorry. I thought it was Elena, okay? I miss you Ma. Why'd you call?" paglalambing ko pa at napasuntok sa ere.
Damn! I almost yelled my mom. I think, nagawa ko nga. I think she's raising her eyebrows on me.
"Mababatukan talaga kita kapag nakauwi na ako riyan. You should treat good Elena. Ganyan din ba ang pagtrato mo sa asawa mo!?" Nalaglag ang panga ko sa litanya ng aking Mama.
"You knew!?" hindi makapaniwala kong sambit.
God! You've got to be kidding on me right now.
"Of course you can't hide anything from me because I am your mother. You kept her for almost a year!? My god Caldwill! What's wrong with you!?" Bahagya ko pang inilayo ang phone sa aking tainga.
She's angry and I know that. She's too excited to see me in the church, wearing tuxedo, watching my wife walking in the aisle. But the fact is? Hindi iyon ang nangyari.
Now she's hysterical knowing that I kept my wife to her. Did I just spill the word 'Wife'?!
"Ma, I can explain to you everything. It's hard to talk to you on the phone," pagdadahilan ko at sumandal sa pinto ng kuwarto ko.
"Then I will visit you there as soon as possible!" she answered.
"What? Ma, I am your doctor at bawal sa iyo ang bumiyahe."
Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko iyon.
"Excuse me doctor but I am not your patient because you're a hematologist. Hmp!" Laglag na naman ang panga ko sa isinagot ng aking Mama.
"Ma, listen to–Ma!"
Damn it! Pinatayan ako ng telepono. Napahilot ako sa aking sintido at napababa na ng hagdan.
"Have you seen Marinel?" I asked Ivan ng maalala ko iyon. Naisama ko pala siya rito pauwi. Bahagya pang kumunot ang noo nito.
"I don't know her, sir." Napatampal ako sa aking noo.
"I mean my wife!" ulit ko pa.
"Oh, kanina pa po umalis," ani Ivan.
Just great! Now I badly need her to help me explain this to my mom. Pasaway ka talaga Calvin!