BODCT-5 Marinel HALOS hindi ako magkamayaw sa pag-iyak nang makauwi ako sa inuupahan kong apartment. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko lahat nang sinabi ni Andy tungkol sa kasalang naganap sa amin ni Caldwill. Hindi ko matanggap na sila pa talaga ang gumawa ng kalokohang ito. Nainsulto pa ako ni Caldwill dahil sa ginawa nila. Si Nica, na best friend ko ay nagawa akong paglihiman ng ganito. Wala man lang akong kahina-hinala na ito pala ang mangyayari sa akin. Ang sakit lang isipin na bakit sa ganito pang paraan. Hindi naman ako ganoon ka desperada na makahanap agad ng magmamahal sa akin. Tinanggalan nila ako ng karapatang mamimili ng mamahalin. Masakit sa loob kong kinuha ang laptop na nasa drawer ko, pati na ang tape na ibinigay sa akin ni Andy. Hindi ko alam kung ano ang posibleng lama