BODCT-3

1507 Words
BODCT-3 Marinel LAGLAG ang panga ko sa narinig ko mula kay Enzo. May kakambal si Enzo? Pero wala namang nababanggit si Enzo sa akin na may kakambal siya noong nabubuhay pa ito. Kahit si Andy ay wala ring naibabanggit sa akin. "Kambal talaga kayo? As in hindi ka multo?" pangungulit ko pa. Gusto ko lang naman kasing makasiguro kung totoo mang kakambal siya ni Enzo. Sobrang tuwa ko kanina nang makita ko siyang buhay na buhay, at the same time ay puno rin ng takot. Halo-halo ang naramdaman ko kanina nang makita ko siya kaya nahimatay na lamang ako nang biglaan. Kanina nang makita ko siya, bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala naming dalawa ni Enzo. Iyong mga masasayang araw naming dalawa, pati na iyong sakit nang pagkawala niya ay bumalik rin sa 'kin lahat. Nangingilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko siya. Magkasalubong man ang mga kilay nito ay hindi ko talaga maitatangging magkamukha talaga sila. Pati na ang tindig nito, may kahabaan man ang buhok niya pero hindi ito naging kabawasan. Matipuno rin ang pangangatawan nito at halatang luto rin ng gym. Natigilan naman itong bigla. "Hey... Stop crying," mahinang wika nito. "Sorry..." matipid kong sagot at napasinghot. Bahagya pa akong napatigilid sa pag-upo upang pahiran ang aking luha sa pisngi. Naiilang na akong pagmasdan siya dahil si Enzo mismo ang naaalala ko. Pasalampak itong umupo sa couch na kaharap ko lang din naman. Napasuklay ito ng kanyang buhok at kita ko ang itim na hikaw niya sa magkabilang tainga. He looks so bad boy in his way of brushing his hair using his fingers. Napalunok ako ng wala sa oras nang umabot ang paningin ko sa matipuno nitong dibdib. Fit na fit kasi ang v-neck white plane t-shirt na suot nito sa kanyang katawan. "What!?" anito na agaran din namang ikinailing ng ulo ko. Putik Nel! Matulala ka na sa iba huwag lang sa masungit na 'yan! "You know what I wanted to you right now? Rip your neck!" walang gatol nitong pahayag, dahilan para mapatayo ako. "Gago ka ba! Bakit mo naman gagawin iyon!? Hindi porke't kakambal ka ni Enzo ay puwede mo na gawin anuman ang gustuhin mo!" galit kong sagot. Tinaasan nito ako ng kilay at napatayo rin. Napamaywang ako sa sobrang inis! "As far as I know? Asawa kita at puwedeng-puwede ko gawin sa iyo lahat ng anumang gustuhin ko. Even if I don't hella know you! You'll pay for this! Nagkamali ka ng piniling pakasalan!" buwelta nito at nag-walk out sa harapan ko. Laglag ang aking panga sa naging pahayag nito. Ako? Ikinasal sa kanya? Kailan pa!? Kumaripas ako nang takbo papunta sa kuwartong pinasukan niya. Imposibleng ikinasal ako sa kanya! Ano iyon, magic!? Kalokohan! Kumatok ako ng malakas sa pinto. "Hoy! Anong kasal itong pinagsasabi mo ha!" sigaw ko sa labas ng kuwarto nito. Umawang naman ang pinto at bumungad ito sa akin. "Stop shouting, will you!?" singhal nito. Napataas ako ng kilay. "Anong kasal ako sa 'yo ha!? Ni hindi ko nga alam na may kakambal si Enzo!" Nagtagis ang mga bagang nito at pinagsarhan ako ng pinto. Aba't! Kambal nga sila pero magkaiba naman ang ugali. "Hoy!" Kinatok kong muli ang pinto at bumukas naman itong muli. Iniabot niya sa akin ang isang malaking envelope. Wala sa sarili ko rin namang inusisa ang laman nito at halos pasukan na ng langaw ang bibig ko dahil napanganga talaga ako ng husto sa nabasa ko. Naglalaman ang envelope ng mga impormasyon tungkol sa status naming dalawa. Marriage Contract at ang cenomar naming dalawa. "Wala kang alam? Lame excuses! You scheme all of this! You failed to get my brother and now me!? Hindi ka rin pala desperada, gold digger ka rin!" paratang nito sa akin na ikinaigting ng panga ko. Malutong na sampal ang isinagot ko sa mga paratang niya. Napakatraydor din ng luha ko dahil agad itong nag-unahang kumawala sa mga mata ko. Ibinato ko sa kanya iyong envelope na hawak ko. Wari'y natigilan din ito at base sa mukha nito ay para siyang natauhan. "Minahal ko ang kapatid mo at huwag mo ako husgahan dahil hindi mo ako kilala! Kailanman ay hindi ko hinangad na manggamit ng kapwa ko para umangat lang sa lipunan! Isaksak mo sa baga mo 'yang makitid mong utak!" mapait kong sagot at agad itong tinalikuran. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas sa mansion niya. Parang madudurog ang puso ko sa ipinaratang niya sa akin kanina. Ang kapal ng mukha niya para pagsalitaan ako ng ganoon gayong wala naman itong alam! Pumara ako agad ng taxi nang makalabas ako ng Forbes. Habang papauwi ay panay pa rin ang pag-agos ng luha ko. Masakit para sa akin ang mapagbintangan ng ganoon gayong wala naman talaga akong alam. Aaminin ko, hindi ko maipagkakailang hinangad ko na sana'y magkaugali silang dalawa ni Enzo ngunit nagkamali ako. Magkaiba silang dalawa, mula sa pananamit, pananalita at pati na ang mga kilos nito. Kung si Calvin ay malambing, maginoo at 'di makabasag pinggan, kabaliktaran naman ito. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Wala akong ideya kung sino ang nagplano at gumawa sa amin nito. Caldwill Enzo NAPATAMPAL ako sa aking noo. Pakiramdam ko'y napakasama kong lalaki! Hindi ko naman intensyon na saktan siya pero nadala lang ako sa emosyon ko. Damn it! Seeing her crying a while ago makes me believe that she never scheme this. But who else I am going to blame for this? I don't have any idea right now. All I just wanted is to clear these things. Fixed my status and went home peacefully. Pero paano ko maayos iyon lahat! Kalat na sa states na may asawa akong itinatago. For Pete's sake! I don't even have a girlfriend or even a flings. Even the immigration wanted me to report there and fixed my status. Buong puwersa na lamang akong umupo sa kama ko at napahilot sa aking batok. I hurt her but I am not sorry for that because in the first place we both don't know that this will be happened. I flip my phone and texted Elena. I want to gather more information about her and to the person behind this. I will talk to her tomorrow whatever it takes. I WOKE up early in the morning, exactly four o'clock I guess. Nakasanayan ko na ang gumising ng maaga para makapag-jogging. I was about to went downstairs when my phone rang. I slide the lock screen and see who's calling me. "Yes, Elena?" I answered. "Sir, I have a good news for you. I found out that Mr. Andrez Flores is the one who fixed your marriage together with Ms. Magtalas," she directly explained. I frowned. "You've got to be kidding me Elena!" pagtataas ko ng boses. I heard she cleared her throat. "Hundred percent, sir. According to the registrar records, Mr. Flores and Ms. Fuentes are the witness of your vows, sir." Napahilamos ako ng mukha gamit ang kaliwang palad ko. "Ms. Fuentes? Who the hell is she?" I heard a loud noise like she drop her phone. Alright! I scared her. "She's Ms. Magtalas best friend, sir." "Okay!" I hung up. Alright! Guilt strikes me. Now I know she never scheme this nor part of this. Pumasok akong muli sa banyo upang makapagpalit na ng damit. Kailangan ko makausap ang babaeng iyon para matapos itong lahat. Most specially Andy, he planned this and he should better explain to me before I grilled his balls. Siya lang pala ang puno't dulo nito. Nakapagbintang pa ako ng ibang tao. Kaasar! WHEN I'm finnished changing my outfit. I immediately grab my keys and went to my garage. Sumakay ako agad sa kotse ko at nag-drive papunta sa address ng apartment ng asawa ko raw. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na may asawa na nga talaga ako. Like what the hell! Nahilot ko na lamang ang sintido ko at isanaksak sa tainga ko ang aking airphones. Binuksan ko ang bintana ng aking kotse at itinanday doon ang aking kaliwang siko habang napapa-head bang ng konti dahil sa pinariringgan kong musika sa phone ko. So boring! Life is unfair too! NANG makarating ako ng Cubao ay napakunot ako ng aking noo. Nakatira siya sa iskinita and as usual pinagtitinginan ako ng mga tao. Nilapitan ko iyong isang bata na naglalaro malapit sa kalsada. Medyo madungis ito at punit ang damit. Nakakapanlumo ang ganito. I realized na masuwerte ako at lumaki akong marangya ang pamumuhay. I leaned down para magpantay kami. "Bata, may kakilala ka bang Marinel Magtalas dito?" panimula ko. Nilingon nito ako at ngumiti sa akin. "Si ate nurse po ba? Diyan ho, sa apartment po ni Aling Pipay," sagot nito. Ngumiti ako at dinukot ang isang daan sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. "Salamat po!" Bakas sa mukha nito ang tuwa. Ginulo ko lamang ang buhok niya at tinungo na ang bahay na itinuro nito. I hope she's here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD