"RICO ANG pangalan mo 'di ba?" tanong ni Sofia sa gwapong pulubing nakasunod sa kaniya kanina.
Dinala niya ito sa inuupahan niya at kumakain na ng magana sa hinain niyang pancit canton na dapat ay hapunan niya. Tumunog kasi ang tiyan ng lalaki kanina kaya naawa naman tuloy siya at pinakain na lang.
Tumango ang lalaki habang puno ang bibig nito ng pancit canton. Sarap na sarap talaga ito na parang first time niyang nakakain niyon sa buong buhay niya.
"Anong apilido mo?" tanong niyang muli dito.
Lumunok muna si Rico bago siya tumitig dito. Hindi tuloy mapigilan ni Sofia na mapasinghap nang magtama ang tingin nila pareho. Ang ganda ng mata nito kaya namamangha na lang siya sa loob loob niya.
"A-Apilido?" tila naguguluhang sambit ni Rico na ngayon ay kunot na ang noo.
"Oo, apilido! 'Yung last name mo, hindi mo alam 'yon?" takang tanong ni Sofia. Siya naman tuloy ang napakunot ng noo.
Umiling lamang si Rico bilang pagsagot. Nagpakawala lang ng isang buntong hininga si Sofia bago punasan ang gilid ng labi ni Rico dahil sa kalat nitong kumain. Nang natapos ay bahagya pang namula ang tenga nito.
"Paano kita marereport sa pulis kung hindi mo naman alam ang apilido mo? Wala ka ring ID o kahit anong pwedeng pagkakitaan ng contacts ng kamag-anak mo," nanghihinang bulong na lang ni Sofia.
Hindi niya iyon naisip kaagad. Ang plano niya ay iwan na lang sa pulisya si Rico para sila na ang bahala pero paano naman kung wala nga itong masabing apilido o pangalan ng kamag-anak niya? Hindi pwedeng magtagal ito sa tinutuluyan niya dahil hindi niya ito mababantayan lagi. May trabaho rin naman siya. At tsaka nagtitipid din siya!
Makalipas ng ilang minuto ay tapos nang kumain si Rico. Naubos niya ang pancit canton lahat kaya no choice siya kundi ang kumain na lang ng tinapay na tira niya kaninang umaga bilang hapunan. Nabusog din naman siya.
Akmang ililigpit na niya ang pinagkainan nila nang biglang tinanggal ni Rico ang butones ng polo nitong marungis at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay!
"Ay sus maryosep! Bakit ka naman biglang nagbuborles?!" hindi mapigilang sigaw ni Sofia kay Rico na ngayon ay nakabalandra na ang matigas na abs!
Oo, may abs ang gwapong pulubi! Hindi siya makapaniwala sa katotohanang iyon! Kitang kita ng dalawang mata ni Sofia ang nangingislap sa pawis na six pack abs ni Rico! Pati tuloy siya ay bigla na ring nainitan at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay!
"Init Rico! Init! Init!" sigaw ni Rico na ngayon ay nakanguso na.
Napakurap na lang si Sofia dahil sa kacute'an nito. Ay hindi pala cute! Sobrang tapang ng features nito para lang tawaging cute!
"Diyos ko, pagsubok ba 'to?" naibulong na lang ni Sofia sabay tingin sa taas na tila nagdarasal. Paano ba naman kasi, hindi niya maitanggi ang namuong init sa loob niya nang makita ang abs nito. Hindi dapat ganito! Hindi siya dapat magpadala sa tukso lalo pa't isip bata si Rico!
"H-Hindi ka dapat basta naghuhubad ng gano'n," pangaral niya rito bago kumuha ng paypay na karton sa gilid. Pinaypayan niya ito para kahit papaano ay malamigan man lang ito. Mukhang effective naman dahil napirmi na rin ito sa kinauupuan niya at nagbehave na rin.
"I-Init, eh..." bulong ni Rico.
Bumuntong hininga na lang si Sofia bago ito tiningnan muli. Hindi pa ito nakapagpalit ng damit. Pero paano 'yan ngayon kung wala naman siyang damit na kakasya rito?
"Diyan ka muna, ah? Hahanapan lang kita ng maayos na damit," bilin niya rito sabay labas ng apartment niya at pinuntahan ang kapitbahay niyang si Joey. Nanghiram siya kaagad ng pamalit na damit ni Rico at mabuti na lang ay mabait si Joey kaya nagpahiram din.
Binalikan niya kaagad si Rico at mabuti na lang ay nakinig naman ito sa kaniya at kung ano ang pwesto nito kanina ay ganoon pa rin nang binalikan niya. Napatingin siya sa damit at shorts. May boxer din na bago pero kasi... baka hindi kasya kay Rico.
Malaki ang pangangatawan ni Rico kumpara kay Joey kaya duda talaga siya kung kakasya 'tong mga hiniram niya. Pero kaysa naman sa wala. Kung damit niya ang ipahiram dito ay baka pumutok lang 'yon na suot nito dahil sa namumutok din na masel ni Rico.
"Rico, halika rito. Magpapalit ka na, ah?" pagkakausap niya rito.
Tumingin sa kaniya si Rico. Bumagsak ang tingin nito sa damit na hawak niya at ngumuso. Napangiti na lang si Sofia. Ang laki ng katawan niya para magpacute ng ganito.
Tumayo si Rico sa kinauupuan niya at lumapit sa kaniya at doon lang napagtanto ni Sofia na madungis nga pala siya. Kailangan niyang mapaliguan muna. Nang makalapit na si Rico sa kaniya, naisip niya, paano niya ito papaliguan ngayon? Makikita niya ang alaga nito sa loob ng shorts niya!
"R-Rico, kaya mo naman siguro maligo mag-isa, 'no? Big boy ka na 'di ba?" alanganing tanong niya sa kaniya pero kinunotan lamang siya ng noo.
"B-Big... big boy?"
"Oo! Big boy! Malaki ka na kaya dapat alam mo nang maligo mag-isa!"
Tiningnan lamang siya ni Rico na parang naweiweirduhan na ito sa kaniya. Kaya napatampal na lang siya sa noo nang wala sa sarili. Sa tingin pa lang nito sa kaniya, mukhang hindi na nga nito alam maligo mag-isa!
"Okay! Ganito, papaliguan kita pero 'wag kang maglililikot sa banyo ko, ah?!" sabi niya rito.
Rico just chuckled at her. And she couldn't believe herself because her heart skipped a bit when she heard it. Ang gwapo nito tumawa!
"Halika na nga!" Hinila na niya ito sa kamay kaya kaagad naman itong sumunod sa kaniya.
Nang makarating sa loob ng banyo niya, nagmukha tuloy higante si Rico na nakulong sa maliit na kwarto dahil sa tangkad nito. Masikip rin kaya kaunting likot lang nito, nagdidikit na ang mga balat nila. Kahit ayaw ni Sofia, para siyang sinisilaban kapag dumadampi ang balat ni Rico sa balat niya!
Pinaupo niya ito sa bangko at sinabihang magbehave. Sumalok siya ng tubig sa timba at ibinuhos iyon sa ulo ni Rico. Oo, hindi na niya pinatanggal ang damit nito dahil mas lalo lamang siya magkakasala!
"'Wag malikot sabi, eh!" Gumalaw galaw na kasi ito at kulang na lang ay magtatatalon.
"L-Lamig! Lamig si Rico!" sigaw nito.
Hindi na lang pinansin ni Sofia iyon at ipinagpatuloy ang pagpapaligo rito at nilagyan na ng shampoo ang buhok. Nabigla pa siya nang bigla itong yumakap sa bewang niya!
"Ano ba?! Basa na ako, Rico!" sigaw niya rito pero mukhang hindi natinag at para siyang koala na nakayakap sa kaniya. Napahilot na lang si Sofia sa sentido bago pwersahang tinanggal ang braso nito sa bewang niya. Nang matanggal ay pinandilatan niya ito ng mata at mukhang effective naman dahil bahagyang natakot ito.
Pinagmasdan niya ang itsura ni Rico at napagtantong hindi pa basa ang pang ibaba nito. Ngayon ay wala na siyang choice kundi ang tanggalin ang maong shorts ni Rico dahil alangan namang hindi niya basain doon.
Nagpakawala muna siya ng isang buntong hininga bago siya lumuhod sa harapan niya. "Kaya mo 'to, Sofia. Kaya mo 'to..." bulong pa niya sa sarili bago tuluyang tinanggal ang pagkakabutones ng shorts nito.
Bumungad sa kaniya ang itim nitong boxers at pikit mata rin niyang isinama na ibaba iyon. Hindi na talaga siya tumitingin!
Pero mukhang sinusubok talaga siya ni Lord dahil biglang may sumampal sa pisngi niya bigla na siyang naging rason ng pagmulat ng mata niya.
At doon... nasilayan niya ang malaki at matabang sawa na alaga ni Rico!
"Ah!" Hindi mapigilang sigaw niya bigla dahil sa gulat. Ang laki nito! Parang 250 ML na Zonrox pero parang mas malaki!
Naputol lamang ang paninitig niya roon nang marinig ang tawa ni Rico kaya napatingin siya dito. Pero talagang pasaway ang mata niya at bumaba muli doon ang paningin niya.
Hindi sinasadyang mapatingin siya sa bandang v-line niya kung saan may nakita siyang marka o... tattoo.
It was a serpent. At hindi siya pwedeng magkamali. She saw that tattoo before.
Hindi niya pwedeng makalimutan ang tattoo na iyon dahil ganoon na ganoon ang tattoo ng lalaking nakasiping niya five years ago!