Chapter 3

1138 Words
"KASALUKUYANG pinaghahanap ng awtoridad ang nag-iisang tagapagmana ng El Grande Empire matapos ma-ambush ang itim na SUV nitong Sabado lamang. Ayon sa panig ng mga Grande, maaaring kalaban sa negosyo ang naging motibo ng mga hindi kilalang personalidad sa pag-ambush sa sinakyan nito. Nakatakas ang tagapagmana at sa ngayon ay wala pang inilabas na statement ang mga Grande kung may lead na ba o nahanap na ang biktima. Samantala, naglabas naman ng pahayag ang fiancee ng biktima at hindi maiwasang maging emsyonal na humarap sa media..." Bukas ang TV pero lumilipad naman ang isip ni Sofia. Kanina nang mapaliguan niya si Rico ay nagpumilit itong buksan ang TV nito na pinagbigyan na lang niya sa huli. Nakasimangot si Rico sa TV habang siya ay tulala lang. Magkatabi sila sa upuan nitong yari sa kawayan. "Pangit! Pangit TV!" ungot pa ni Rico sa tabi nito pero hindi na lang niya pinansin. Iniisip niya kung paanong nagkaroon ng ganoon na tattoo si Rico. Kagayang kagaya iyon ng tattoo ng lalaking nakakuha ng pagkabirhen niya five years ago! Alam na alam niya ang itsura no'n kaya hindi siya pwedeng magkamali. Tanging iyon ang naging palatandaan niya dahil hindi naman niya nakita noon ang mukha ng lalaking nakasiping niya dahil sa maskara. Wala sa sarili tuloy siyang napatingin kay Rico. Kung siya man iyon, bakit ganitong tila bumalik siya sa pagkabata? Anong nangyari sa kaniya? Pero posible ring hindi siya 'yon. Baka coincidence lang at parehas lang ng pwesto ng tattoo nila! Ayaw niyang paasahin ang sarili niya sahil baka gano'n nga. Humikab bigla si Rico, senyales na mukhang inaantok na nga siya. Aayain na sana niya itong matulog pero bigla na lang itong bumaling sa kaniya at yumakap nang mahigpit! Sumiksik ang ulo nito sa leeg niya! "H-Hoy, 'wag ka diyan matulog!" Saway niya rito pero mukhang hindi ito nakinig at talagang mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. Ramdam tuloy ni Sofia ang mainit na hininga nito sa leeg niya na siyang nagpanindig sa kaniyang balahibo. Pinag-initan siya ng pisngi dahil do'n at kunyaring nagpumiglas sa yakap ni Rico sa kaniya. "A-Alis ka na diyan! Mangangawit ka lang sa pwesto mo!" "Ayaw..." "Sige na, alis na, dali! Doon tayo sa kwarto matutulog para kumportable ka." Napaisip tuloy siya. Kakasya ba sila sa kama niya? E, ang laking tao nitong si Rico! Baka magsiksikan lang sila sa kama! Pero may extra naman siyang banig kaya pwedeng doon na lang siya matulog. Mainit ang hininga ni Rico na pumapaypay sa leeg niya. At hindi tuloy mapigilan ng katawan niyang mag-react dahil sa lapit nila. Her pebbles hardened instantly because of the sensation of his breath on her neck. Binigla niya tuloy tumayo bago pa mag-init nang tuluyan ang katawan niya kaya natanggal ang pagkakayakap ni Rico sa kaniya. "Sa kwarto tayo matutulog! 'Wag dito!" Pagalit na aniya kay Rico na ngumuso lang sa huli. Tumalikod siya at pinatay ang TV bago nagmartsa papasok sa kwarto niya. Mabuti na lang at sumunod din kaagad si Rico at nauna pang sumalampak sa kama niya at nahiga. "Sige, diyan ka na lang sa kama ko. Dito ako sa sahig matutulog," sabi niya na biglang ikinabangon ni Rico. "Ayaw! Gusto Rico tabi Sofia!" Napamaang na lang si Sofia sa tinuran nito. At ano? Gusto niya tabi sila! Hindi pwede! Hindi pwede dahil kahit itanggi niya sa isip niya, nag-iinit talaga ang katawan niya kapag sobrang lapit nila sa isa't isa! "Hindi tayo magkakasya sa kama." "Ayaw! Tabi Rico si Sofia!" Umiling iling pa ito. Bumuntong hininga si Sofia. "E, anong gusto mo? Sa sahig tayo pareho matutulog? Maliit 'yang kama ko kaya malabong magkasya tayo diyan." Tumango tango si Rico bago bumaba sa kama at lumapit sa kaniya. Napailing na lang si Sofia bago kunin ang banig niya sa gilid at inilatag iyon sa sahig. Kumuha na rin ng unan at kumot nila pareho at ilang saglit lang ay magkatabi na sila ni Rico. Kagaya kanina ay yumakap na naman ito sa kaniya at this time, sa dibdib na niya ito umunan talaga! Enjoy na enjoy naman itong nakaunan doon habang siya, hindi sigurado kung makakatulog pa ba siya! Hindi pa naman siya nakasuot ng bra kaya palihim siyang nagdasal na sana, hindi niya naramdaman ang paninigas ng tuktok ng dibdib niya! "Goodnight, Rico..." bulong niya at hindi na pinaalis si Rico sa dibdib niya dahil mukhang kumportable na ito doon. Tiningnan niya ito at nakitang nakapikit na ang mata kaya napangiti na lang si Sofia. Mukha siyang anghel kapag tulog. Moments later, si Sofia naman ang tuluyang nakaramdam ng antok marahil na rin siguro sa pagod at nahila na ng kadiliman ang diwa niya. *** NAALIPUNGATAN SI Sofia nang nakarinig ng ingay sa labas ng kwarto niya. Kumunot ang noo niya nang makitang wala na si Rico sa kaniyang tabi! Kinabahan tuloy siya bigla! "Rico? Rico!" tawag niya sa pangalan nito pero wala man lang siyang natanggap na sagot kaya nagdesisyon siyang lumabas na lang at tingnan kung saan nagmula ang ingay na iyon. Mabilis siyang nakalabas at nagulat siya nang makita si Rico na nakahiga na sa malamig na sahig! Kaagad niya itong dinaluhan at lumuhod sa tabi nito. "Rico!" tawag niya muli sa pangalan niya at niyugyog ang balikat nito. Naisip tuloy ni Sofia, hindi kaya nagsleep walk ito? "Anong ginagawa mo dito?" Unti unting nagmulat ng mata si Rico kaya tinulungan ni Sofia na bumangon ito. Kumunot ang noo ni Sofia nang makitang tila gusot ang damit nito at may kaunting dumi sa laylayan nito. Lumabas ba ito? Hindi nakatakas sa paningin niya ang itsura ni Rico dahil sa liwanag ng buwang tumatagos mula sa bintana. May pawis sa noo si Rico kaya napaisip na lang si Sofia kung anong pinaggagagawa nito. "Saan ka galing? Bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam? Nagutom ka ba? O naiihi? Dapat ginising mo na lang ako!" sermon niya rito pero nakatitig lamang sa kaniya si Rico. Halos matumba naman si Sofia nang biglang yumakap sa kaniya si Rico nang mahigpit at walang salitang namutawi sa bibig nito. Naguguluhan tuloy si Sofia sa inaakto nito. Yinakap na lang niya ito pabalik at tinapik tapik ang likod nito. Pero halos magulantang siya sa nakita sa likod ng laylayan ng damit ni Rico. Namamalikmata lamang ba siya o may dugo talaga sa ibaba ng damit niya? May naaamoy din siyang tila amoy kalawang kaya posibleng dugo nga iyon! "R-Rico, teka, anong nasa ibaba ng damit mo--" Hindi na niya tuluyan pang natapos ang sasabihin niya dahil sa ginawa bigla ni Rico. Ipinasok nito ang dalawang kamay sa loob ng t-shirt niya at piniga bigla ang dibdib niya! "Rico, bad! Bad! Bad ka, ah!" tili na lang ni Sofia pero hindi niya maitatanggi ang pagdaan ng sensasyon sa sistema niya sa init ng kamay ni Rico sa dibdib niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD