Chapter 1

1173 Words
FIVE YEARS LATER... "GOODBYE and thank you, Teacher Sofia! Goodbye, classmates! We are going! We are going! Now, goodbye! Now, goodbye! See you all tomorrow! See you all tomorrow! Goodbye, girls. Goodbye, boys." Napangiti na lang si Sofia nang natapos na naman ang klase niya sa araw na ito. Lumabas na ang mga pupils niya kaya siya naman ay naiwan at siniguradong walang naiwang nakasaksak na electric fan at nag-arrange ng chairs. Nang maayos na lahat ay lumabas na siya ng classroom at ni-lock kaagad iyon. Sakto namang sinalubong siya ni Teacher Paulo, ang guro sa ikatlong baitang sa parehong pampublikong paaralan din na pinagtuturuan nito. "Tapos na pala klase mo, Ma'am Sof," bungad sa kaniya ni Teacher Paulo na may nahihiyang ngiti sa labi. Tumango lang siya ng tipid. "Oo, tapos na. Uh, sige, una na ako." Akmang aalis na siya nang magsalita muli si Teacher Paulo kaya napatigil siya. "Agad-agad, Ma'am? Yayayain sana kitang magmeryenda diyan sa labas, tutal naman ay tapos na rin ang klase ko," sambit nito na may pakamot pa sa likod ng ulo. Napakurap si Sofia. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may gusto sa kaniya si Teacher Paulo lalo pa't tinutukso na rin sila ng mga ibang guro. Hindi pa umaamin ito sa kaniya pero umiiwas na lang siya lalo pa at wala naman siyang nararamdaman sa lalaki. Ayaw niya lang itong masaktan. At tsaka isa pa, may isang lalaki talaga siyang hindi malimutan five years ago. Ang lalaking nakakuha sa kaniyang pagkabirhen na hindi naman na niya mahanap ngayon. Imposible na rin kasi nga ni hindi man lang niya nakita ang mukha nito pero kahit pa gano'n, hindi niya mapigilang mangulila sa halik at haplos nito. Minsan nga naisip niyang nababaliw na siya kasi talagang hinayaan niyang magkagano'n siya sa lalaking hindi naman niya talaga lubusang kilala. "Pasensya ka na, Teacher Paulo. May importante pa kasi akong gagawin," sabi na lang niya rito bago nginitian. Teacher Paulo slowly nodded his head. "Gano'n ba? Sige, sa susunod na lang," bigong aniya. Sofia sighed. Mukhang nasaktan pa niya ito sa pagtanggi niya. E, paano ba naman kasi, hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong tinanggihan. Saka lang siya pumapayag kapag kasama nila ang ibang guro na nanunukso sa kanila. "Sige, una na ako, ah?" paalam niya rito. "Take care, Ma'am Sofia!" Kaagad ding nakabawi si Teacher Paulo at tinanguan siya. Umalis din kaagad si Sofia pagkatapos at napagpasyahang dumaan muna sa palengke bago umuwi. Kailangan niyang bumili ng bigas dahil ubos na ang kakainin niya. Pinagkasya niya lang ng ilang linggo ang bigas niya at sa awa ng Diyos, nairaos naman ang gutom niya. Lagi siyang nagtitipid lalo pa at nasa kolehiyo na ang anak ng tiyahin niya sa probinsya at talagang sa mas mahal na na eskwelahan ito pumasok. Madaming gastusin dahil nawalan din ng trabaho ang tiyahin niya. Ang asawa naman nito ay hindi maaasahan dahil puro na lang ito bisyo. Naisip tuloy ni Sofia, hindi man lang siya makabili ng para sa sarili niya at pinagtitiyagaan na lang lahat para may maibigay siya sa pamilya sa probinsya. Naglakad lang si Sofia papuntang palengke, sayang din ang pamasahe. Iniisip na lang niya na exercise na lang din niya iyon para makatipid kahit papaano. "Bayad po, kuya," abot niya sa pera sa lalaking tindero ng bigas. Kaagad naman siya nitong inabutan ng sukli pati na rin ang bigas na binili. "Salamat, Ma'am!" Tinanguan lang niya ang lalaki bago tumalikod at naglakad papalayo dahil natetempt lang siyang bumili sa dami ng mga pwedeng bilhin. Dapat magtipid! Akmang aalis na siya nang biglang may kumalabit sa kaniya. Napatingin tuloy siya sa nangalabit at napanganga nang makita ang isang pulubi... isang gwapong pulubi! Madungis ito at gulo gulo rin ang buhok. Matangkad kaya nakatingala siya rito. Sa kabila ng pagiging marungis nito, hindi no'n naitago ang angking kagwapuhan nito. Mukhang tisoy ito dahil may kaputian at dumagdag lamang sa kaguwapuhan nito ang asul na mga mata nito. "Penge pera..." sabi ng gwapong pulubi at iniumang ang palad nito na tila nanghihingi nga ng pera. Napanganga na lang si Sofia. Malalim ang boses nito pero hindi no'n naitago ang tila pambatang tono nito. Isip bata ba ito? Natanong na lang niya sa sarili. "H-Huh? Wala akong pera. Sorry," sabi niya rito. Umiling ang gwapong pulubi at talagang ngumuso pa na tila bata! At ang mas nakakagulat ay bigla na lang itong umupo at walang sabi sabing naglulupasay sa semento bigla! Umiyak ito na siyang nakatawag ng pansin sa ibang tao. Nahiya tuloy siya bigla. "Pera! Gusto Rico pera! Pera!" paulit ulit nitong sigaw at walang tigil na naglupasay na parang bata. Napatampal na lang sa noo si Sofia. Parang mas nakakastress pa ito kaysa sa mga pupils niya! Dahil nahihiya na siya sa mga tao, wala na siyang choice kundi ang bigyan ito ng pera na sukli niya kanina. Lihim niyang pinagalitan ang sarili sa isip. Sabi na ngang nagtitipid siya, eh! Pero ito, wala siyang nagawa kundi ibigay na lang sa gwapong pulubi ang sukli. "'Wag ka nang umiyak, please. Tahan na, hmm?" pang aalo niya rito sabay yuko at walang arteng pinunasan ang tumulong luha nito gamit ang mga palad. Hindi niya mapigilang mamangha dahil makinis at malambot pala ang balat nito. Mayamaya pa ay tumigil na ito sa pag-iyak at ngumiti ng sobrang lawak. Napatitig tuloy si Sofia sa mukha nito. Gwapo talaga siya at hindi siya mukhang isip batang pulubi kung mukha lang pagbabasehan. Maputi rin at pantay ang ngipin nito pero bakit palaboy-laboy ito? Tinulungan niya itong tumayo at pinagpag ang pang-upo nito dahil kumapit na ang dumi sa suot nito. "Uh, aalis na ako, ah? Bye-bye," ani Sofia sa maliit na boses at nagsimula nang maglakad papalayo sa palengke. Maglalakad na lang ulit siya papauwi. Malapit na lang naman na 'yong inuupahan niya, eh. Hindi pa man siya nakakalayo, naramdaman niyang tila may nakasunod sa kaniya kaya hindi na niya napigilan pang tumingin sa likuran niya. At doon, nakita niya ang gwapong pulubing naglulupasay lang kanina. "Bakit? Uuwi na ako," sabi niya rito. "Sama sa 'yo Rico!" nangingiting wika nito. Kumunot ang noo ni Sofia. "Hindi pwede. Balik ka na do'n." Iminuwestra pa niya ang kamay na tila pinapabalik na nga niya ito. Umiling lang ito at ngumuso. "Sige na, hindi ka pwedeng sumama sa 'kin," taboy niyang muli rito. "S-Sama sa 'yo Rico..." halos pabulong na lang niyang sabi at napayuko na rin. Parang naiiyak na naman! Naalarma tuloy si Sofia dahil baka maglupasay na naman ito. "Hey, shh. 'Wag kang iiyak, please," sabi niya rito kaya hindi natuloy ang pagtulo ng luha ng gwapong pulubi. Napabuntong hininga na lang siya. "Hays, sige na nga! Sasama ka sa 'kin ngayon pero irereport kita sa pulis pagkatapos, ah kasi baka may naghahanap sa 'yong kamag-anak mo." Tila nabuhayan naman ang gwapong pulubi at nagliwanag ang mata nito. Ang sunod na ginawa nito ay siyang nagpagulat kay Sofia. Hinapit siya nito sa bewang at pinatakan ng halik ang gilid ng labi niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD