PHILIPPINES
Matapos ang mga oras na bumagot sa kanya, nakababa na rin si Claude ng eroplano mas maaga ng tatlong araw sa alam ng media.
Hindi siya madaling mamukhaan lalo at naka-sunglass siya. Pero masyado siyang tinitignan ng mga tao, kahit pa hindi siya nakikilala ng mga 'to.
Maraming bumati sakanya ng "Hi" kahit hindi naman siya nakikilala, pero wala siyang pinansin kahit isa, kahit ngiti ay ipinagdamot niya.
"Seniorito!" malakas na sigaw nang labis na kasiyahan ng kasambahay ng daddy niya.
Daddy niya na siyang pasimuno bakit siya umuwi ng Pilipinas nang mas maaga.
"Lower your voice," malamig na tugon niya rito.
Si Claude lang yata ang nanggagaling sa ibang bansa na walang dalang kahit ano maliban sa headset na permanente na yatang dala nito na ngayon ay nakababa sa batok nito, black and green ang combination no'n.
"Sorry po, halika na kayo naghihintay na ang daddy ninyo," sabi nito na tila natakot sa kakikita pa lang na amo.
"I need personal maid. Ikaw ang mananagot sa 'kin kapag may ginawa siyang 'di ko nagustuhan."
"Bakit naman ako ang mananagot, ako ba ang gagawa?" sa isip-isip ni Anjie, ang kasambahay.
"Ako na lang, Seniorito!" presinta ni Anjie na halos magkandarapa na paghabol sa mabilis na paglakad ni Claude patungo sa sasakyan.
Sa pagkakasabi ni Anjie, napahinto si Claude at tiningnan mula paa hanggang ulo si Anjie na kinabahan nang husto. At sa pagtatama ng mata nila ay tila gustong matunaw ni Angie sa titig nito, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot sa pagkakasalubong bigla ng kilay nito.
"No, I don't like you."
Iniwan nito si Anjie na nakatulala sa sinabi nito.
Inilahad ni Claude ang palad niya sa driver nang makita niya 'to sa parking lot dahil doon siya hinatid ni Angie.
Hindi naman 'agad naintindihan iyon ng bago ring Driver na unang beses lang makita ang bunsong anak ni Mr. Hartwell, kaya kinamayan niya 'to sa pag-aakalang ikinagagalak siyang makilala nito sa tahimik na paraan.
Inatake na naman ng pagiging maiinitin ng ulo ni Claude at gusto na 'tong bulyawan pero nagpigil ito.
"Where's the key?" iritang tanong ni Claude.
Halos magkandalito sa pagalit na tono ng amo si Jose.
"Ito po sir," si Jose na dali-daling ibinigay dito ang susi na may kasamang panginginig
. Sumakay naman agad sa driver's seat si Claude at pinaharurot ang sasakyan.
"Iniwan tayo?" si Anjie na napatingin kay Jose.
"Hindi ako tatagal sa kanya daig pang may regla!" si Jose na napakamot sa ulo.
"Bunganga mo! May pamasahe ka bang dala? Wala ako e," si Anjie na naiinis na rin.
"Wala rin nagmadali nga ako, paano na tayo niyan?: si Jose na naaalarma na.
Ang layo kaya ng airport sa Mansion ng mga Hartwell!
"Hay! Anong klase siyang tao walang konsiderasyon! Hindi man lang inisip kung may pamasahe tayo!" si Anjie na nanggigil talaga kay Claude.
Si Claude, wala talaga siyang pakialam kung paano uuwi ang dalawa.
"Where are you now?"
"Somewhere," tipid na sagot ni Claude sa ama na kausap sa cellphone.
Kahit may stop sign, nagdire-diretso siya nang walang makita na tumatawid.
"Somewhere? Where's Anjie? I'll talk to her,"
Halatang 'di nito matagalang kausap siya at hinahanap agad ang kasambahay nito na iniwan niya kasama ang driver.
"Dating?"
"What are you saying? Claude I'll talk to Anjie!" nauubusan na 'to ng pasensiya.
"Call her, okay? You don't need to ask for my permission, father," nangingising wika niya bago binaba ang tawag at nag flight mode.
Nag full volume siya sa headset na inilagay niya sa tainga niya, para pakinggan ang mga kanta nila na bago lang mga ire-release.
"Write a song for a woman, even if you don't have one, Claude. Even your imaginary girl, or if you have someone special, much better!" Mr. Leighton, president of the management they are in.
"I'll try,"
"Your fans are waiting for that kind of song from GZ.
"What song will I write for Suzy?"
"Nothing. She already knew what I'm feeling..."
Naalala niya ang babae na nakita niya sa f*******:.
"I wanted you to know that the world is ugly, but you're beautiful to me..." nangiti siya, that woman he doesn't even know, will be the inspiration of his song?
MCR—THE WORLD IS UGLY
**
"Yuki, may tawag ka mula sa pinsan mo!"
"Sino naman, ma? Sandali lang," kainis naman, abala pa 'ko sa pagco-comment sa mga post ng pages ng GZ. Hoping na maging lucky girl na mapansin, araw-araw, pero hindi talaga, e!
Sino ba 'yan sa mga pinsan ko? Madami akong pinsan 'yung mga feeling rich kid. Kahit 'di naman.
Tumayo ako sa pagkakasalampak sa kama, dala ko ang cellphone ko nang bumaba 'ko sa anim na baitang na hagdanan, atleast, may second floor, bawal ako laitin, okay?!
Lumapit ako kay mama na nananahi ng punda ng unan na mukhang nagkandaduling na sa sobrang dikit ng mata sa sinulit at karayom. Mahina sa shootan 'tong si mama.
Iniangat ko ang awditibo ng telepono, "Yes, cousin? How are ya?" masiglang bati ko, kahit sino pa siya sa mga pinsan ko.
"Yuki, balita ko hindi ka raw nakapasa sa board exam?"
"Kung pinagmumumog kaya kita nang dugo sa tabil ng bunganga mo?" inis na bara ko kay Anjie, pinsan ko nga 'to, at isa 'to sa mga close ko.
"Marami kasing nilaan ang Diyos na good opportunity sa 'kin, magiging asawa pa'ko ni Claude 'no!" halos marating na yata ng kilay ko ang bangs ko sa sobrang inis.
Kalma lang self, remain gorgeous.
"Ay, eto na nga, may offer ako sa 'yo, housemaid!"
Gusto ko lalong wasakin ang bibig ng babaeng 'to. Aba't tuwang-tuwa pa sa offer niya. Babagsakan ko na 'to, isa pa!
"Angie, isa pa..." babala ko sa kanya.
"Malaki ang sahod, may mga bawal lang pero kaunti lang naman, bes!" pangungumbinsi niya, scammer ang peg ng pinsan ko.
"Not interested, bye!"
"Wait naman insan, 40K ang sahod yawpamu?"
"Kung 40k yan, 'di sana nauna ka ng nag-apply ‘no!"
Aba't sinong tangang amo magpa-pas'weldo ng gano'n? Sino bang amo ko Presidente? Isang bilyonaryo? Milyonaryo? Tumama sa lotto o baka may illegal na gawain, oh my gosh! Illegal na nga 'yong sobrang kagandahan ko, pati ba naman trabaho ko?!
"Oo nga! Sige na nagpapahanap kasi sa 'kin may porsiyento ako pag nakakita ako ng maid niya, hindi naman ‘yon magtatagal sa Pilipinas," si Angie pa.
"Dirty old man?" diretsahang tanong ko.
"Hindi, magugulat ka kung sino, 'yun lang baka madisappoint ka sa ugali," tila gigil pa si Angie nang sabihin 'yon.
"Pinsan, illegal recruiter ang peg mo nakakatakot," tumitirik na 'yong mata ko.
Napapaisip ako sa laki ng sahod, baka naman drug dealer maid ang magiging ganap ko?
Pagtitinda ng bato lang ang magiging trabaho ko?
'Wag na uy! Baka matuloy ang placard signing ko, paano na lang ang future namin ni Claude no'n, hindi talaga!
"Magkita tayo sa mall at nang mai-discuss ko sa 'yo, sige na dalian mo na, sayang 'din 'to," sabi niya, kaya pumayag na 'ko.
Inisip ko 'yon sa kuwarto ko habang nakahiga at tinitingnan ang poster ni Claude na hot na hot na hawak ang mic at todo ang powerful presentation sa poster niya.
"Para masilayan at mahawakan ang kamay ni Claude!"
Kahit matanda, bata o ano pang uri ng pamilya para kay Claude magtitiis ako. Alang-alang sa kamay niya at kung papalarin may kaunting haplos pa sa abs niyang sa imagination ko pa lang nakikita.
Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Kinuha ko sa side table ang remote at as usual music channel na agad 'yon nilalakasan ko lang ang volume. Iyan na ang buhay ko, kahit 'yang channel lang 'yan ang mayro'n ako, mabubuhay na 'ko.
Na-excite ako nan'g makita ko 'agad ang GZ pero bakit wala si Claude?
Tapos si Aoi naman ang cute cute niya kasi nakangiti lang siya.
Pero nasaan si Claude ko? "Where is he ha, GZ?" patangang tanong ko sa TV.
Tila naman sinagot ako ni Ruki, "Actually he's here, they don't need to worry that Claude will not show up on our concert, without him there will be no GZ to perform," ngiti ni Ruki. Karamihan nga ng fans nito hate si Claude, hmp!
Wala raw kasing sense of socialization si Claude kesyo mayabang, hindi down to earth may ilan pa nga sabi satanista raw kasi biglang sikat at lalo pang sumisikat at nahuhumaling ang mga fans kahit wala naman talagang magandang katangian ito bukod sa magaling kumanta at g'wapo waley na!
Siyempre ako hindi naniniwala ro'n, siguro nga hindi siya palangiti pero mga haters na 'yan, akala mo sinong magaganda at g'wapo bago manlait ng kapwa nila.
Malay ba nila kung natatapat lang sila sa bad mood ni Claude ko, tao lang din 'yon nagkakamali, naiinis, nagagalit, nakukulitan, gusto ng inner peace!
KINAUMAGAHAN. Sa mall 'agad ako kung saan kami magkikita ng pinsan ko. Tinawagan niya ulit ako kagabi. Sabi niya sure na daw na ako 'yung kukunin dahil kailangang-kailangan daw sa bahay.
'Wag daw akong mag-alala dahil isa lang ang amo ko kaya naman siyempre natuwa ako, isang amo ta's fourty thousand? Pinagpapala talaga ako ng Diyos na makapanood ng Concert ni Claude myloves. Nagkita kami sa isang foodcourt, naupo agad ako sa tapat niya.
"Kailangan ko agad umuwi, ito 'yung address puntahan mo na 'agad this afternoon, ha, pinsan, nag-aalburoto na at ako talaga ang napag-iinitan dahil ako ang inuutusan! Magpakabait ka dahil ako raw ang lagot kapag nagnakaw ka!" si Angie na tila walang hinga-hinga sa bilis magsalita, may future sa pagiging rapper.
Inabot nya sa 'kin ang isang papel kasama ang address.
"Ito naman ang mga bawal..." may kinukuha siya sa bag niyang mukhang banig na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Bawal uminom ng alak, maingay, matanong, makulit, magkalat ng privacy. Walang dapat makaalam kung kanino ka maid, bawal din ang pakialamera, magnanakaw, mabaho ang hininga kaya ugaliin mong mag toothbrush,"
Nangiwi naman ako seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Ano bang pagsisilbihan ko mala -Claude sa pagka- V.I.P?!
Marami pa siyang sinabi kaya pinutol ko na "May p'wede pa ba akong gawin sa bahay na 'yon?"
"Maglinis at maglaba. Magluto? hindi na, kumakain na raw siya bago pa umuwi, iwas malason kasi kalason-lason ang ugali!" tila may lihim na galit 'tong si Angie kaya natawa na 'ko.
"Sira ka, baka naman one day palang chinop-chop na 'ko niyan ha! Hindi talaga kita patatahimikin!"
Kinakabahan ako, parang kakaiba kasi ang magiging amo ko, pero ipu-push ko 'to para kay Claude!
"Kapag sinaktan ka o napatay kilala ko ang ama niyan, makakuha 'agad ng pambayad buhay mo ang pamilya mo, at sure ako worth it and price mo, insan!" si Angie na tila seryoso.
"Lukaret ka!"
Sige na ipu-push ko to 'pag dirty old man tas maniac pa, hindi na! Claude sa TV na lang talaga muna pupuntahan na lang kita sa Japan 'pag limpak-limpak na ang salapi ko, ha? Ayoko naman ibenta ang puri ko na inilaan ko para lang sa 'yo 'di ba, babe ko?
MATAPOS ang pag-uusap naming magpinsan nagtuloy 'agad ako sa bahay para mag-empake, aba lahat ngiting-ngiti. Talagang gusto nila akong umalis? Mamaya pag-alis ko wala pang isang oras bumalik na 'ko pag nakita ko ang amo kong mukhang demonyo!
"Siguro ate artista ang amo mo," si Arlet, kapatid ko twelve years old.
"Paano mo naman nasabi?"iritang tanong ko.
Minasdan koang buong kwarto ko, mamimiss ko ang mga poster ni Claude kaya naman pinagpipicturan ko sila. Ayoko man silang iwanan pero kailangan, kailangan ko 'to para makita siya at mahaplos!
"Claude ko," hinalikan ko ang abs niya.
"Iww, ate!" si Arlet.
"Malapit na kitang itakwil na anak, Yuki!" si mama.
"Claude, ba-bye..." hindi ko sila pinansin.
"Basta Yuki, fifty-fifty tayo, ha?" si mama na nagkapeso sign sa mata.
"Sorry mother earth, si Claude ang goal ko ngayon saka ka na muna, babawi ako promise! I love you mother," sabi ko kaya nakurot ako sa tagiliran ni mama.
"Puro Claude, Claude!" aniya na nakangiti naman. Alam na niya kung gaano ako kahumaling sa anak ni Adan na si Claude Stephen.
Matapos ko mag empake pa sossy effect pa ako ng tanungin ako sa labas ng kapitbahay kong si Rita na kaedad ko habang nakatingin sa bagahe ko.
"Saan punta mo?" siya na ngiting-ngiti na antagonista sa kuwento ang dating.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Magbabakasyon ako kasama 'yung foreigner kong Boyfriend, 'wag kang mag-alala girl, i-invite kita pag-ikakasal na kami," ngiting-ngiti ako sa kanya.
Nawala ang ngiti niya na ikinatuwa ko lalo, inggiterang Froglet kasi 'yan.
"O' siya bye na, baka hinihintay na ko no'n girl. Ingat ka ha, 'wag kayong mgpapahuli sa pulis ng jowawit mo a-atend kapa ng kasal ko!" nag wave pa ko sa kanya.
'Yang Rita kasi ang kauna-unahang nagtawa na di ako nakapasa. Okay lang daw maglabandera na lang daw ako kikita pa ako agad at isa siya sa unang magiging customer ko, aba! okay ng labandera kesa sa kanila ng boyfriend niyang mukhang kalawang na nagtutulak ng droga, feelingerang froglet! Nakakapagpaganda lang sa masamang gawain, for sure inatake na naman ng inggit iyon at kukuha ng foreigner para pair!
But honestly speaking, kahit pa magparetoke siya, talampakan ko lang ang ka-level niya, Diyosa, Level, Infinity na ako.
Pumara ako ng taxi at sinabi 'yung address.
Medyo malayo-layo kaya natulog ako sa b'yahe. Nagising ako sa tawag no’ng driver na nandoon na raw kami.
Tinignan ko 'yung wristwatch ko, halos dalawang oras ang biyahe. Ang tagal ko pa lang nakatulog, nagbayad na ko at bumaba.
Nag-iisa lang ang bahay na 'yon sa lugar, napapalibutan ng mga ornaments ang paligid. Masyadong caring sa nature ang amo ko, wala man lang kapitbahay kanila kaya ‘tong buong lupa? Nagsimula akong maglakad palapit sa doorbell.
Inhale-exhale, sabay pindot habang hila-hila ko ang maleta ko.
Inulit ko, wala pa rin, inulit ko pa wala pa rin!
Wah! mukhang walang taxi ditong dumaraan, tapos wala pa 'yung amo ko, anong klaseng buhay naman 'to!
Pinagpipindot ko, sa asar hanggang may magbukas ng pinto na tila barumbado sa lakas ng hila nito kumalampag ang pintuan.
Tiningnan ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
"CLAUDE STEPHEN HARTWELL?!"