MDC 3: AMNESIA GIRL

2020 Words
  Nananaginip ba 'ko? Siya ba talaga si Claude? Tiningnan niya 'ko mula paa hanggang ulo habang nakataas ang isang kilay. "Claude?" na-e-excite kong tanong sa kanya. "Who are you?" Grabe naman ang lamig ng boses niya lalo na 'yung kilay niya mas mataray pa yata sa kilay ko. "Ako? Yuki," pati tagalog ko mali-mali na na sa sobrang starstruck. Nakatitig lang ako sa mukha niya na parang manequin, katawan na hindi naman iyong nag uumapaw sa abs dahil slim lang pero iba ang appeal niya, nadaig pa iyong mga lalaki na naka-trunks sa boracay, bes! "And then?" tanong pa niya na 'di pa rin ngumingiti. Humalukipkip pa nga siya. "And then?" Tanong ulit ko. Ano bang dapat kong isagot? Ano ba! Nagba-blangko ang isipan ko! "Stupid," bulong niya, iyon talaga ang narinig ko 'Stupid' kahit mahina pa 'yon! "My maid?" 'di na siya ganoon kataray medyo bumaba na rin ang kilay niya. "Y-Yes!" naumid ang dila ko doon. Siya ba talaga si Claude? Kahit walang sweldo okay lang! Kinikilig na 'ko, kinikiliti na 'ko ng imahinasyon ko na si Claude ang kaharap ko! 'Di ko maipaliwanag kung gaano ko masisiraan ng bait nito dahil gusto ko na mag headbang sa sobrang saya! "Come in,"aniya, na nauna na sa loob ng bahay. Hindi ko magawang i-appreciate ang buong kabahayan kasi sa likod niya ko nakatingin ang slim niya. Para siyang babae, kahit nakatalikod siya ang gwapo niya! Siya na ba talaga si Claude? Ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? Kumakabog nang husto 'yung dibdib ko, p'wede ko ba siyang yakapin at bigyan ng halik sabay takbo? "Understood?" iritang hinarap niya 'ko. May sinabi ba siya? Bakit may understood agad? Wala naman akong narinig? Ganoon ba 'ko kaabala sa pag-iisip kung siya si Claude at nabingi na 'ko? "Ulitin mo na lang," Nginitian ko pa siya nang husto pero hindi niya pinansin ang ngiti ko. Inulit na lang niya ang sinabi niya nang nakaharap sa 'kin kaya malaya kong namamasdan ang pagbuka ng manipis at mamula-mula niyang labi. Pinagtatanggal niya 'ko ng mga sirang dahon ng halaman, pinagdidilig, pinaglilinis, maliban sa k'warto niya bawal pasukin, buksan, silipin, linisin panatilihin nakasara, tango lang ako nang tango at nananakit na ang leeg ko kaka-oo sa kanya. "Claude?" subok ko kung siya nga 'yon, 'di pa nga bumubuka bibig niya grabe na ang kabog nang dibdib ko, excitement ba 'to o kaba na baka mali lang ako nang akala? "You're mistaken, keep your nonsense question with yourself. Your voice is a li'l bit irritating so will you please speak when it's only needed?" Naupo siya sa sofa. Nagdekwatro pa at kinuha ang isang magazine sa glass table. Parang gusto nang bumagsak ng panga ko dahil mukhang 'di ko gusto ang tinatakbo ng isipan ko. Miyembro ba siya ng pederasyon?! Hindi talaga siya si Claude? Hindi talaga? Sa ganda kong 'to sinungitan niya? So it means, talaga hindi babae ang tipo niya, kahit maghubad ako sa harap niya wala siyang pakialam at baka hambalusin pa niya 'ko? "Saan ang k'warto ko? S-sir," tanong ko, ayoko na sana siyang istorbohin pero alangan magpaka-estatwa ako 'di ba? "Upstair, you're free to choose whatever room you'd like except my room," Hindi man lang ako tiniNgnan at nagpatuloy sa binabasang libro. Aba! Sosyalin, free daw ako pumili ng k'warto so saan pa ba, sa tabi na ng kuwarto niya. Panaginip ba 'to? Malayo sa reality 'to, pero kinikilig ako, okay lang 'di ako magising ng isang buwan basta matupad lang ang pangarap kong makasama siya!     SABI niya kanya yung pinakadulo, so, sa kalapit ng dulo ako. Gusto kong malaman kung anong klase ng k'warto mayro'n siya. Sabi niya hindi siya si Claude, totoo naman na hindi siya 'yung iniisip kong Claude na gentleman, mabait, ubod ng caring, lovable, almost perfect man hindi kagaya ng nakilala ko na kamukhang-kamukha niya pero tugma sa mga sinasabi ng haters nIya. No, hindi ganoon ang Claude ko! Isa pa parang beki naman 'tong kasama ko, de-kuwatro, taas ng kilay, slim at masungit. Hindi siya si Claude ko! Ibinaba ko na ang gamit ko sa gilid ng tokador mamaya ko na aayusin. Maganda ang napili kong kuwarto at ang ikinatuwa ko pa may aircon. White lang ang wall paint pero malinis at mukhang bagong-bago ang kuwarto. Nagdalawang-isip tuloy ako kung p'wede ba 'ko dito dahil mukhang higaan ng amo 'to. Mas malaki pa 'to sa family size bedroom sa kuwarto ni mama at uncle e. Mabilis akong nagpalit ng damit siyempre dapat looking beautiful sa mata niya at kapag 'di ako napansin, alam ko na talaga kapuso ko siya. Isa siyang ka-federasyon! May green blood cells na tumatakbo sa mga ugat niya, at 'di ko matatanggap na siya ang pantasya kong si Claude baka magbigti na lang ako! Pero masakit 'yon, I changed my mind. "Hey! Come out! This is your fcking first day!" Nagulat ako sa malakas na katok at malakas na boses niya, kaya mabilis akong lumabas suot at maiksi kong short at fitted T'shirt na may print na mukha ni My Melody. Pinagbuksan ko siya at nginitian "Sorry sir," sabi ko na may mapang-akit na tingin, medyo binuka ko pa ang bibig ko at nag pouty lips 'yung tipong talbog si Angelina Jolie. Pero ang susmiyo, humalukipkip lang sa harapan ko at kahit kaunting pagkislap ng mata para sa kagandahang lupa ko wala! "I'm going now, don't wait for me. Just close the door," sabi niya. Seeing his silver earing on his left ear, alam ko na at nakumpirma ko na siya si Claude. Ito na nga siya, ito na ang lalaking laman ng pantasya ko! "Y-yes sir, pagsisilbihan kita kahit walang sahod, at sisiguruhin ko na langit ang stay mo rito!" halos tumulo ang laway ko sa pagmamasid sa kanya. Ang guwapo naman niya! "Laswa mo makatitig," aniya na ngisi ba oh, pagkainis? Tinalikuran niya 'ko at naglakad na. Para 'kong asong sumusunod sa amo, ang slim niya lang at hindi bukol-bukol sa abs. Waah, isa lang ang bumubukol sa kanya at hindi ko sasabihin! Nakarating kami sa baba ng kabahayan nang nakatitig lang ako sa likuran niya at hanggang bakuran. Nang lumingon siya pakiramdam ko nag SLOMO ang lahat-lahat sa paligid ko. Syet, ang laway ko, bes! "Hey Snow." Siya na nakapagpahinto sa 'kin bigla kasi siyang tumigil. Mas naramdaman ko na matangkad siya ng maglapit kami halos. "I want my privacy, I'll pay you as my maid so you better not tell even an inch of my story to anyone, " aniya sa seryosong tono kaya napatango ako. Telling me those things, I finally assured myself that he is my Claude Stephen –the band vocalist of GZ band. My future husband! Finally fire and Gasoline, meet! Mapapakanta na 'ko nito nang kanta ni Sia. Hahaha! 'Yun pa naman ang unang gagawin ko mag post sa f*******:, twitter, at lahat ng kinabibilangan ko na nakita ko siya ng personal, nalanghap ang iisang hangin sa paligid namin. Matutulugan ang isa sa bahagi ng bahay niya rito sa Pilipinas, malalabhan ang T'shirt niya at masasamyo ko ang mabangong amoy n'ya bonus na ang brief niya na ako rin ang maglalaba! Imagining those things, pakiramdam ko asawa na niya 'ko! Gosh... this is amazing! "Hey, baka!" aniya, bigla sa 'kin na parang naasar na tinulak niya ko sa noo ng hintuturo niya. "Baka? gusto mo ng baka na ulam?"tanong ko. Good cook kaya ako! Matutuwa siya for sure. Pero ang loko niya lang kasi tumawa siya. Umiling siya na parang 'di makapaniwala. "Bye Baka-Neko," aniya kasabay ng pagsakay sa sasakyan niyang ang angas ng gulong. Red sports car to be exact. Pero ano bang Baka-Neko? Luto ba 'yon sa baka? "Ano raw?" Aba! Mamamalengke pa 'ko para lang sa baka na 'yan! First day, utos 'agad? Wala man lang free day? (Baka=Stupid in Japanese) Ang g’wapo niya talaga, kaya naman sige na kailangan ko rin makita sa kanya na sarap na sarap siya tipong mapapahiyaw siya oras na matikman niya ang Baka-Yuki. Hahaha! 'Di ko man lang siya napisil, may next time pa naman. Makukurot ko rin siya at pagkakataon na bigla ko siyang susugurin ng yakap! I'm gonna die na sa kilig! Nagtatalon ako sa kilig pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko na bawal kong i-share ang tungkol sa pagkakasama namin. Umikot-ikot ako sa buong bahay. Ang laki naman tapos mag isa lang siya? Pero wala man lang siyang picture ni isa? Siguro sa k'warto niya meron? Pero naka-locked kaya di ko rin makita. Tumitingin-tingin ako sa taas, paano kung may CCTV? Baka first day pa lang sinibak na niya 'ko. Ayoko nga isasama pa niya ko sa Japan at papakasalan niya pa 'ko no! Oo na nangangarap lang ako sa ngayon, pero alam ko na sa taglay kong alindog mahuhulog rin siya sa 'kin pak na pak! Pakiramdam ko talaga nasa alapaap pa 'ko. 'Di ko sure kung totoo ba 'tong maid ako ng isang famous Band vocalist? International star pa? Kahit sabihin na may Filipino blood siya, still kilala siya lalo sa mga mauunlad na bansa. Iyong pinsan ko alam ko na alam niya na si Claude ang magiging boss ko, tama-tama. Patakbo kong tinungo ang k'warto ko para hanapin yung cellphone ko. Kahit isang tao may makak'wentuhan ako tungkol sa unexpected and unbelievable day na 'to. Sa sobrang excitement na nadarama ko halos itapon ko 'yung mga gamit ko kung saan-saang parte ng k'warto mahanap ko lang ang cellphone ko. Kaya nang makita ko siya tuwang-tuwa talaga ako. Binasa ko muna 'yung mga last messages at sh*tbells naman wala na 'kong unli?! Nagpalit na lang ako ng suot para mamalengke. Nakakainis naman na load 'yan may expiration parang noong kami pa ng ex ko, masaya naman kami kaso na-expired ang visa niya kaya ayon pumunta ng ibang bansa hindi na rin bumalik! 'Yung mahaderang froglet na kapitbahay namin na isang p****r ang boylet mas maiinggit siya kapag nalaman niya na si Claude ang mabibingwit ko more than sa isang foreigner. Gosh you're so good to me, God! Promise magbe-behave na 'ko minsan na lang ako manlalait kapag may time. Pero 'di naman po masamang alam ko na maganda at maalindog ako 'di ba po? Be proud! Proud ako sa sarili 'ko and I was born with this kind of Amazing beauty! Lalabas pa lang ako ng gate nang makita kong may humimpil na sasakyan at bumaba ang isang babae na maganda, makinis at may suot na kulay puting suotin ng doctor. Nagtanggal siya ng salamin at napatitig sa 'kin. Ano ba 'to at pa slomo, 'wag mong sabihing nag shooting siya mag-isa? Tinaasan ko siya ng kilay. Anong tinitingin-tingin niya? "Hi," lumapit siya sa 'kin at nakangiti kaya naman hindi na 'ko nagtaray mukha namang mabait. "Dito ba nakatira si Claude?" in friendly voice na tanong niya. "Oo, bakit?" mataas na tanong ko, peste, tongue! Nakagat ko ang lower lip ko, patay mukhang bisita ni Papa Claude! "Nand'yan ba siya? By the way I'm Suzy," inilahad niya ang kamay. Nakipag-shakehand siya sa 'kin, ang lambot ng kamay niya. "Wala siya," dapat ko ba siyang tawaging ma'am? Kuuh! 'di naman siya magpapas'weldo sa 'kin. "Tuloy ka muna, kaaalis lang kasi niya mamalengke kasi ako." Nakangiti kong sabi. Sinabi kong mamalengke ako para naman ma-feel niya na istorbo siya, nakakainis siyang tignan ang bait-bait pabida ang dating! Baka siya ang girlfriend ni Claude? "No, just tell him na lang na dumaan ako at tawagan na lang niya 'ko kung gusto niyang pumunta ako, thank you," ngiti niya pa. "Your name?" tanong pa niya. Interview naman pala ito. "Yuki," tipid kong sagot. Sabay ngiti nang pilit nakakabida ang dating ng babaeng 'to. At damang-dama ko na ako ang kontrabida kung isa 'tong teleserye dahil ang dami nang pumapasok sa isipan ko sa isipin pa lang na baka girlfriend siya ni Claude. Nag-wave pa siya bago sumakay sa magandang kulay puti niyang sasakyan at umalis na. Feeling naman niya sasabihin ko kay Claude 'yung pinapasabi niya, 'dibale kung maalala ko ngayon pa lang nakakalimutan ko na. "Oh, Gosh! I'm bad in remembering things, ano nga uli sabi niya?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD