MDC1: I AM YUKI SAWAJIRI!
Yuki Sawajiri
"Good morning world!" malakas kong sigaw sa pagdungaw ko ng bintana. Nagtinginan naman ang mga kapitbahay namin na mga nasa ibaba at nangiti. Sanay na sila araw-araw ko 'tong ginagawa 'pag maganda ang mood ko.
"Ang ganda ng gising mo, ah!" si Aling Iseng na nagwawalis.
"Nararamdaman ko po kasi na this is the best year of my life, so, kailangan ko 'tong i-welcome ng positive araw-araw," malakas na sagot ko, with super-duper happiness added!
Masayahin akong tao kahit 'yung tipong ang lungkot-lungkot na nang araw ko nagagawa ko pa ring maging positibo at siyempre ngumiti.
Paano 'kong 'di magiging masaya may bagong released na kanta ang GZ band ko?
'Tong mga kapitbahay naming chismiss 'agad ang inaatupag tipong nagwawalis na chumichismis pa rin. Pero kumpara naman sa ibang lugar mas ligtas sa 'min, chismosa nga lang ang kailangan mong iwasan.
Masaya 'kong bumalik sa loob ng kuwarto ko at nginitian ang poster na nakadikit sa likod ng pintuan ng k'warto ko. Siya lang naman ang long time crush ko na si Claude Stephen Hartwell!
"Ang guwapo-guwapo niya talaga, kailan ko kaya siya makikita ng personal?" Nilapitan ko ang poster niya at hinaplos-haplos 'yon, as if nadadama ko na ang makinis niyang balat, pababa nang pababa sa kanyang makinis na leeg, patungo sa kanyang dibdib hanggang abs... My goodness! Ayoko na at umiinit na talaga ang pakiramdam ko!
Ako nga pala si Yuki Sawajiri. Isang half-japanese pero never nakaapak sa lupa ng Japan, kasi naman si Mother dear nabuntis lang ni Father Dear. Pero may ibang family si father na never kong na-meet, okay lang 'yon tapos na 'ko sa depressing moment na 'yan. Simula ng makilala ko si Claude naging optimistic na 'ko, with his voice, songs, with the spices of his group, bang! I'm relieved!
Si Claude, isa siyang sikat at kilalang-kilala sa maraming bansa lalo pa at bukod sa isa siyang magaling na singer (band vocalist) isa pa siyang endorser ng perfume sa United Kingdom na ang nakakabili lang ay talagang rich personality, kitams! Sikat siya talaga as in, isa pa masyado siyang pribadong na tao kaya naman kapag may balita sa kanya as in kakarampot lang. Pero kahit gaano pa kaliit 'yon gugupitin ko basta may pangalan niya, ganoon ako kabaliw sa kanya. But uh-uh-uh, even his group mate is definitely perfect! Magkakaiba sila ng appeal, and as a human being, si Claude ang personality na type ko mysterious, and H-O-T!
Bago ako pumasok sa maliit at cute kong light green color comfort room nagbukas ako ng speaker at nagsaksak ng flash drive. Siyempre puro kanta lang nila laman nito, no!
Hindi ko naman gusto ang shades ng green, pero dahil iyon ang nalaman kong paborito niya kaya naman naging paborito ko na rin, ganoon ako ka-attracted sa kanya iyong kahit pangit sa 'kin noon nagiging pinakamaganda dahil gusto niya! I'm so inlove with him, my fan girl heart is shaking!
Kahit naliligo na 'ko binukas ko pa ng kaunti ang cr para naman marinig ko ang boses ng asawa ko, yes, he's mine! Walang araw na hindi ko siya ini-imagine, lying in my bed, naked, with his not so meaty body but such a sexy Godly body that makes my ovary explode!
Nakalocked naman ang pinto ko kaya safe na safe! Sinasabayan ko pa ang pagkanta niya kabisadong kabisado ko ang bawat linya.
Sabi nga sa isang music chanel na ngayon ang labas ng bagong kanta ng "GZ" 'yon 'yong pangalan ng band nila.
Dalawang taon ko na siyang crush, pero hindi ko pa siya nakikita ng personal. Umaasa lang ako ng silay sa kanta niya sa mga music channel. Sapat na yung three to four minutes para naman mabuo ang araw ko.
Mahal kasi maging ang CD nila. Bakit wala akong makitang pirated? Mukha lang akong Diyosa pero poorita lang ako, iyong ganda lang na habulin, pero empty naman ang bulsa!
Maraming nagsasabi na mayabang, masama ugali, at snobber si Claude kung makikilala ng personal. Aba! Nakitingin na nga lamang nanlalait pa. Iba talaga mga haters ang sarap ibaon sa lupa! Ganyan naman ang haters, all they can see is the negative sides, rather than the positive, he's a human, ofcouse he has emotions too... Nagagalit, naiinis, naiiritan, nasisiyahan, nasasarapan—Oops, getting way there!
Before hindi naman talaga ako mahilig sa mga banda. Mas gusto ko 'yung mga love songs at party songs.
Sikat na sikat nga 'yung band nila sa mga kaklase ko kaya naman natatangahan ako sa kanila. Then, my best cousin Lilian told me to listen to their music at hindi ko raw sasabihin na trash lang, so sinubukan ko out of curiousity until I saw him.
Iyong misteryoso, 'di ngumingiti, nakakadalang boses at bukod sa kanya lahat sa GZ ay may kanya-kanyang appeal. Iyon bang hindi lang si Claude? Dahil siya ang vocalist ang napapansin kundi maging si Aoi Yamashita ang isa sa guitarist, super cute niya at talagang kung pagandahan ng ugali sa mga comments and news siya ang mananalo. Kapag may kanta silang gumagamit ng keyboard, may pagka-shy type siya at madalas kung kani-kaninong actor, artist, or whatsoever na lalaki rin ini-li-link, well, marami nang babae ang mahilig i-shipped sa kapwa lalaki ang type nila.
Next, si Takumi Uehara ang drummer na madalas magtanggal ng upper part niya at ipakita ang 6 packs abs niya na talagang ikinapagwawala ng mga audience. Siya rin ang madalas kasama ni Claude kumanta, siya 'yung hotness overload, meaty and yummy!
Last si Ruki Aihara ang lead guitarist, tulad ni Claude medyo misteryoso siya at panganay sa apat. Siya ang madalas sumagot sa interviews at humingi ng pasensiya if ever na 'di nila nagawa o magagawang puntahan ang isang event –the leader type. So, kung iisipin si Claude ang leader, but as I can see, it was Ruki.
Naaadik na 'ko sa kanila kaya kailangan ko talagang mag-ingat, baka mapabaril na lang ako at masabitan ng placard na 'Wag tularan ang maganda, sexy at nakakabighaning dalagang ito na adik sa bandang GZ,' ganern.
After an hour and a half, nasa biyahe na 'ko papunta sa mall na pagkikitaan namin ng mga special friends ko. Special friends talaga tawagan naming dahil ibang-iba ang friendship naming sa iba. Iyong tipong puro saya lang at kahit 'yong drama moments namin nauuwi rin sa tawanan?
Heto na naman ako, siksikan na naman sa jeep na 'to pag ako yumaman at naging asawa ni Claude bibili ako ng maraming sasakyan!
Lintik traffic pa, amoy usok na ko pagdating do’n! 'Yung fifteen minutes na biyahe lang dapat inabot ng fourty minutes, nasaan naman ang hustisya?
Nasayang ang ganda ko at kaninang pumasok akong diyosa paglabas mandirigma na!
Pagdating ko sa pagkikitaan namin ng mga friends ko hayun, at daldalan to the max na naman!
May tatlo akong kaibigan si Karen, Haydee, at ang pinakaclose ko at luka-lukang tulad ko si Jammie.
"Hi! Sorry na late ako," ngiting-ngiti pa 'ko, aba naman sabay-sabay pa kong tinaasan ng kilay sabay tawa.
Kita mo na mga baliw 'yan! Apat kami, apat din sila Claude so kami ang meant to be na maging asawa nila for the rest of their lives!
Alam ninyo sa 'ming apat ako talaga ang umaangat pagdating sa mga school activities, examinations, and all, ewan ba't no’ng nag-board exam lagapak ako. At kahit positive ako, ayoko nang bumagsak uli, but I'm gaining myself again, saka uli ako susubok.
Sabi ni mama, siguro daw may ibang plan si God sa 'kin at sana ang plan na 'yon maging parte ng buhay ni Claude, emegesh!
Siyempre nasaktan ako, nag drama pero hindi naman rason 'yon para panghinaan ako ng loob. On my second take, sure ball na 'yan! At kung yayaman ako siyempre itutuloy ko na sa pagiging doktor. Pero 'yung pangarap kong maging fashion designer? Hanggang pangarap na lang talaga 'yon. Iyon ang first choice ko, kaso, poorita, hindi afford, at kahit makakuha pa 'ko ng scholarship, marami pa ring gastusin.
"Narinig mo na ang bagong kanta nila papa Takie?" si Jammie sa 'kin na ngiting-ngiti habang papasok kami ng department store.
Nauuna 'yong dalawa, ganyan talaga 'yang dalawang yan tila may gulong ang mga stiletto 'pag naglalakad.
"Hindi pa, tawagan ko na lang si Claude mamaya para ipakanta sa kanya," biro ko kay Jammie.
Sabay na lumingon ang dalawang mahadera kong kaibigan sabay sabing "Feelingerang Frog!" aba't! Masasapok ko 'tong mga 'to!
Ako naman ang pinakamaganda sa kanila, sexy, flawless, chinky eyes, may kissable lips, cute nose at super duper model ang peg! GGSS na 'ko, pero atleast hindi ako sinungaling dahil totoo—'cause I'm PRETTY, sure!
"I think girls, we should buy their new album, GZ will be here in the Philippines," si Karen ang pinaka-sossy.
"Really?"napalakas na sabi ko. Ito na naman, nagiging hyper na naman ako basta sila ang usapan my goodness, gracious!
"Yep. You know what girls, twenty thousand ang cheapest price ng upuan sa concert nila! Scratch that, standing pa 'yon mga friendship!" si Haydee na lumalaki-laki pa ang mata.
"Grabe naman! Parang screen nalang makikita mo pag nasa dulo ka na! " sabi ko sabay simangot, siyempre nasa Phil. na nga sila ulit after two years pero sawi pa rin akong makita siya, kamalas-malasan naman!
Alam mo 'yung ipinanganak ka na maganda lang pero hindi mayaman?
"Whatever! Basta ako makakabili!" si Karen with her wicked smile. Siya ang pinaka-rich sa lahat. Ako pinakamaganda lang pero poorita.
"Pautangin mo naman ako," nilambingan ko pa ang boses ko para mauto ko siya.
"Tse! Baka puti na ang uwak di ka pa rin bayad, isisilay na lang kita my dear friend," siya na kinindatan pa ko lintik 'to ah! Masisipa ko mukha nito!
Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ni Claude na siyang kanta sa buong department store. Pero parang bago lang ito sa pandinig ko, oh my gosh! Ito na talaga 'yung bago nilang kanta? 'Di ako p'wedeng magkamali kilala ko sila!
I'll misbehave if it turns you on, No Mr. Right if you want Mr. Wrong
I'll tell you lies.. If you don't like the truth..I don't wanna be bad..I just wanna be bad enough for you
Well, I just wanna be bad enough for you Well, I just wanna be bad enough!
–(All Time Low)
"Kyaaaa! Claude! Si Claude 'yon 'di ba girls?" napalakas na sigaw ko.
"Umatake na naman ang pagiging Homo Erectus mo Yuki," saway ni Jammie sa 'kin na natatawa, ang dalawang mahadera ko pang friends sabay sinabing "Who you?" aba lintik 'tong mga 'to!
"We should go back here na lang later girls, pinagtitinginan tayo. Bumili na lang muna tayo ng CD nila," si Karen na hinawakan ako sa braso sabay hila palabas ng Dept. Store.
Rumarampa lang sila sa mga boys lalo sa guard ng Dept. Store g'wapo kasi kaya gusto may balik-balik epek pa.
"Pinag-ipunan ko talaga 'yan halika na!" ako na super energetic! Siyempre narinig ko ang boses ng future husband ko, pakiramdam ko talaga ako palagi ang kinakantahan niya.
'Yung imagination ko nga araw-araw pagkagising sa pagmumuni-muni at napupuyat rin ako kaiisip sa mga conversation namin kapag magkasama sa imagination ko. 'Yung malapit na 'kong maging writer sa galing kong gawan ng kuwento ang sarili ko?
Bawat malalaking malls may sariling store ang "GZ " na exclusively lang na naglalabas ng CD's nila kalapit ng isang manga store. Pareho daw kasing Japan ang pinagmulan ng GZ at Anime kaya madalas iyon laging dalawa ang magkalapit. Kitang-kita naman mukha din anime in real life sila Claude. Joke! Pero kidding aside, ang guguwapo nilang lahat. Iyong iba-iba sila ng kaguwapuhan? Pero wala ka talagang itutulak kabigin!